Third Person's POV Bumalik ulit si Aphrodite sa kwarto niya. May kumatok at si Tristan lang naman na pumasok skaa umupo sa gilid ng kama ni Aphrodite. "Goodluck sa inyo ate." "Sa inyo rin. Matanong ko lang Tris, gusto mo yung Krystal?" Ngumiti si Tristan. "Ano sa tingin mo ate?" "Hmm..sa tingin ko, oo. Mabait naman yata siya. Kung sakaling may gusto ka dun, wag mong paglaruan dahil sa tingin ko hindi siya yung tipo na pang one week lang." "Yes ma'am.” sabay salute. “Pero seryoso ate, hindi naman siguro imposible na magkagusto talaga ako kay MM. Ibang uri ng pagkakagusto, hindi katulad ng mga babae ko." "Nakuu. Siguraduhin mo lang." "Eh ikaw ate, kamusta naman kayo ni Dylan?" "Eto, magkaibigan na. Ulit." "Mabuti naman. Sige goodnight ate." sabay kiss sa cheeks ni Aphrodite. "Go

