Kontrata

3817 Words
Biyernes ng umaga sa tambayan magkakasama ang magbakarda, habang nagkwekwento si Enan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. “Oh excuse me my friends, I have to take this. It is my agent” sabi ng binata kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Nanay niya lang yan, malamang naiwan niya yung lunchbox niya sa bahay” biro ni Greg. Tumayo si Enan at lumayo para sagutin yung tawag. “Hello Enan, its Arlene” sabi ng babae sa kabilang linya. “Bench fashion show? Oh no I am sorry I cannot fit that into my busy schedule. I know it’s hard to find another sensation like me to take my place but I have to decline” bigkas ng binata ng malakas para marinig ng kanyang mga kaibigan. Halakhakan nanaman yung mga barkada niya habang si Arlene nalito. “Joke lang, pinapatawa ko lang friends ko kasi bihira naman tumunog phone ko” bulong ni Enan kaya natawa na ang manager ni Cristine. “Anyway, I hope you are available tomorrow afternoon because pag uusapan na natin yung contract” sabi ni Arlene. “Ano pong contract? At sino po yung mag uusap usap?” tanong ni Enan. “Ikaw, ako at si Cristine” sabi ni Arlene. “Ha? Eh, bakit pa po kailangan mag usap? Di po ba it is as easy as releasing a press statement? O kaya ilalabas yung balita sa mga showbiz talk shows?” tanong ng binata. “It is not that easy, if we want to make it work kailangan realistic talaga iho. And Cristine wants a contract for her protection daw” sabi ni Arlene. “Hindi ko po maintindihan. All I have to do is keep quiet diba? Pag tinanong ako e sasagot lang ako ng paakit, not denying and not admitting, diba ganon lang naman po” sabi ni Enan. “No, talagang papalabasin na you two have a relationship” sabi ni Arlene. Napanganga sa gulat si Enan, nanginig ang kanyang labi at tila nautal kaya di siya makasagot. “Enan are you still there?” tanong ni Arlene. “Ah yes, what do you mean papalabasin na we have a relationship?” tanong niya. “Bukas nalang natin pag usapan okay? I have another meeting. Give me your address and I will have a car pick you up. See you tomorrow Enan” sabi ni Arlene. Bumalik sa tambayan ang binata, dahan dahan siyang naupo at napansin ng mga kaibigan niya na tulala ang binata. “Enan? Are you okay?” tanong ni Clarisse. Lahat napatingin kay Shan kaya ang binata agad tumabi sa bestfriend niya. “Pre tell me what’s wrong” sabi niya. Huminga ng malalim si Enan sabay hinaplos ang kanyang noo. “Shortlisted” bulong niya ng sobrang hina. “Shortlisted daw” sabi ni Greg. “Shortlisted? E ang shortlisted is good news no” sabi ni Clarisse. “Shorlisted for what?” tanong ni Enan. Sumandal si Enan sabay napabuntong hininga, “Papalitan daw star ng Fifty Shades of Grey, shortlisted ako para sa papalit sa kanya” bigkas niya. Tahimik ang mga kaibigan at nakatingin lang sa kanya, naunang natawa si Clarisse kaya nagsunod sunuran na lahat at pinagtuturo siya. “Walanghiya ka! Drama king!” sigaw ni Greg. “You don’t have to remind me, that is one of my skills, artistahin nga e” sagot ni Enan sabay ngisi. “Pantasya, whooo, Fifty Shades of Grey” sabi ni Jason. Biglang tumayo si Enan, itataas na niya sana shirt niya nang makita niya si Clarisse nakatingin. “Paa sa lupa” bulong niya sabay naupo muli. “Look my friends, I did not apply for that role, that is why I am so flattered that they even thought about me” “I need to call them, I have to decline” sabi ni Enan kaya napatawa niya muli ang kanyang mga kaibigan. “Seryoso pare, ano yung problema mo?” tanong ni Shan. “Pare yun na nga yon e, I was not sad, actually I was flattered and I was trying my best to keep myself grounded. It is so overwhelming, but I have to say sorry. I know you guys believe in me and all are dying to see me in the silver screen but I have to decline that role” “I fear that it will cause a chain reaction, first will be that movie, then the magazine covers, and yes, they even might try to get me for Play Girl. If I cannot handle the girls fantasizing about me here in the Philippines, what more around the world huh?” landi ni Enan kaya laugh trip nanaman sila. “E bakit ka nag Eenglish?” tanong ni Greg. “Just in case I change my mind, I have to fluent in a foreign language. If there is an outcry from all my fans then I have to succumb to their wishes” hirit ng binata kaya halos mamatay nanaman sa tawa si Clarisse. Kinabukasan sa bahay nina Enan, ang binata halos isang oras nang naglalakad paikot ikot sa kanilang maliit na hardin. “Enan, bakit ka naka formal? Sino may birthday anak?” tanong ni Rosa, ang kanyang ina. “Formal meeting ma, with a talent scout” sagot ng binata. Natawa ang kanyang nanay pero nakarinig sila ng bunisa. Tumakbo si Enan sa gate, sumunod si Rosa at nagulat siya nang makita yung magarang sasakyan. “Sige po ma, eto na sundo ko” sabi ni Enan. Napahaplos sa puso si Rosa, di maalis ang ngiti niya pagkat lumabas pa yung driver para pagbuksan ng pinto ang kanyang anak. “Ma, why that look on your face? Artistahin nga diba?” landi ng binata sabay kumaway. Sa loob ng kotse umurong si Arlene, “You did not have to be so formal” sabi niya. “Formal? Pambahay ko nga to e, ganito ako sa bahay. Gusto ko nga sana pumorma pero baka isipin niya may iba akong pakay” sagot ni Enan at biglang nagswerve yung sasakyan pagkat natawa yung driver. “Here, tissue, pinagpapawisan ka” sabi ni Arlene sabay abot ng box. “Thank you, kinakabahan kasi ako” bulong ni Enan. “Kinakabahan saan?” tanong ni Arlene. “Artista yon e, maganda siya, tapos alam mo na yung mga sinasabi tungkol sa kanya…natatakot ako na baka ngayon ko palang maririnig yung mga di ko pa narinig na mga panlalait” sagot ng binata. Napatingin sa malayo si Arlene, yung driver napatingin naman sa rear view mirror para tignan yung binata. “Di naman siguro” bulong niya. “Sana, bad experience lang kasi sa mga mayayaman at talagang magaganda. Sila talaga yung masakit manlait…masakit kasi English, kailangan ko pa umuwi para tignan sa dictionary yung sinabi nila bago mag sink in yung sakit” banat ni Enan kaya napatawa niya yung dalawa at muling nagswerve yung kotse. Ilang minuto lumipas nakarating sila sa basement parking ng isang building. Sa loob ng elevator inaayos ni Enan sarili niya kaya nginitian siya ni Arlene. Kinakabahan talaga ang binata, narating na nila yung pintuan ng condo unit ni Cristine at parang gusto na niya umatras. “Kung aatras po ako is there any other way to save her career?” tanong niya. “We already tried, wala na kami maisip. Alam ko panloloko sa tao ito pero iho maganda na yung foundation nung naipakalat na litrato e. Nahati man fan base niya dahil madami di pabor pero nadagdagan din siya ng new fans. People who we didn’t expect to be defending her. Why the change of heart? May masasaktan ba?” tanong ni Arlene. “Kung tinatanong niyo kung may girlfriend ako, isang tingin palang sa akin e alam niyo na sagot. I do like someone but it did not work out” sabi ni Enan. “Good, this will be a nice distraction for you para maka move on ka. Single din naman siya and if you back out now after her agreeing totally to this, then alam mo na siguro ano mangyayari sa amin? Di naman kita kinokonsensya” sabi ni Arlene. “Konti lang ano? Slight lang naman” sabi ni Enan at natawa yung manager nung artista. Biglang bumukas yung pinto, si Jelly tinitigan si Enan from head to foot. “Wow, saan ka pupunta? Prom?” tanong niya. “Oh buhay naman pala siya? Akala ko ba ngayon libing niya? Sinuka ba siya ng impyerno?” sabat ni Enan at bago makaganti si Jelly ay narinig nila ang munting tawa mula sa loob ng unit. “Did she just laugh?” bulong ni Arlene kaya pasimpleng lumingon si Jelly. “Papasukin na yan and lets get this over with. I wanna go to sleep” sigaw ng dalaga. Pumasok na yung tatlo, si Enan halos nakatago sa likod ni Arlene at nakayuko ang ulo. Si Cristine nakaupo sa harapan ng lamesa at tinatapik tapik niya yung ballpen na nasa ibabaw nung kontrata. “Cristine this is Fernando, his nickname is Enan” pakilala ni Arlene. Humarap konti ang binata, nagtitigan sila saglit pero balik yuko siya nung makita niya tumaas kilay nung magandang dalaga at napailing pa talaga nang makita siya. Napansin ni Jelly na nahihiya ang binata kaya napangisi siya. “Hoy Enan yung kabaong mo ay rental? Kung oo sabihin mo bumalik nalang at baka matatagal tayo dito” banat niya. Si Arlene lang ang natawa, si Cristine di kumibo kaya tumawa ng malakas ang bading pagkat hindi makaganti ang binata. “Start it, don’t waste my time” sabi ni Cristine kaya kinuha ni Arlene yung kontrata at binasa ito para kay Enan. Biglang inagaw ni Enan yung kontrata sabay inabot yung ballpen, agad niya pinirmahan ito kaya nagulat yung tatlo. “Teka, bakit mo pinirmahan agad? We still have to hear your side” sabi ni Arlene. “Just tell me what I need to do, kung wala I can just sit in a corner and keep quiet” bulong ni Enan. “But Enan kailangan mo pa malaman ano laman nito” sabi ni Arlene. “Nung nakita niya ako sapat na reaction niya. I have a good idea already what is stated there so tulad ng sinabi ko po just tell me what I need to do. Tell me where to go, what to say, if you need me to keep my mouth shut and face the wall I can easily do that” sabi ng binata. “Pero isa lang sana pakiusap ko” bulong ni Enan kaya lahat napatingin sa kanya. “Ano yon?” tanong ni Arlene. “First of all miss Cristine, I would like to apologize for that photo. I am really sorry what I did. I already told Arlene what really happened so she may have told you already, so please forgive me” sabi ni Enan. “What is he talking about?” tanong ni Cristine. “Long story, ikwento ko mamaya” sabi ni Jelly. “With that said, all I ask is that…alam ko napakahusay mong artista, kaya sana…sana lang e gamitin mo yung skills mo sa pag aarte dito. What I am trying to say is that I know how everybody sees me…” “From your instant reaction upon seeing me just a while ago…it kinda stings coming from someone I admire in the showbiz industry. So could you please use your acting skills to be nice to me pag nakaharap ako. You don’t need to talk to me, kahit poker face lang pag nakikita mo ako kung pwede” pakiusap ni Enan. Nanigas sina Arlene at Jelly pagkat natatakot sila sa magiging reaksyon ni Cristine. Di sumagot ang artista, inabot lang yung kontrata at ballpen sabay pinirmahan ito. “Enan?” bulong niya bigla kaya nagulat yung dalawa at napatingin naman sa binata. “Yes miss Cristine” sagot niya sa nanginginig na boses. “Cristine” sagot ng dalaga. “Okay…miss Cristine” sagot ni Enan. “Cristine” diin ng artista, “Sige po miss Cristine. “Cristine lang” sabi ni Jelly. “Akala ko ba Suarez apelyedo niya?” sumbat ng binata. “Diyos ko po, sabi ko tawagin mo lang daw siyang Cristine” nilinaw ni Jelly. “Alam ko, di ako bingi” sagot ni Enan. “E alam mo naman pala bakit mo pa pinipilit na miss Cristine?” tanong ni Jelly. “Bakit inggit ka? Walang tumatawag sa iyong miss? Miss Arlene…miss Cristine, ikaw Jelly” banat ni Enan at nanginig ang mga labi ni Cristine, napatingin si Arlene sa kanya kaya ang artista huminga ng malalim sabay pasimpleng hinaplos baba niya. “Excuse me, madaming tumatawag sa akin ng miss” sabi ni Jelly. “At ano gusto mo pati ako? Pano kita tatawaging miss e meron ka yung meron ako between the legs, duh. Pag tinawag kitang miss e di pati ako pwede mo narin ako tawagin miss Enan” sagot ng binata. Biglang napatingin sa malayo si Cristine at nagtakip ng bibig, si Arlene napapangiti pagkat ngayon niya lang nakita na natatawa ang kanyang alaga. “Antipatiko ka, nakakainsulto ka na ha” sabat ni Jelly. “I do apologize if I hurt your feelings” sabi ni Enan kaya dahan dahan napakalma si Jelly at napangiti. “Pero konti lang” bulong ni Enan sabay pasimple siya napatingin sa malayo. Nag fake cough si Cristine, si Arlene tinapik yung lamesa kaya tumigil yung dalawa. “Enan if we go public are you sure you can handle your side? Dudumugin ka ng reporters at magugulo buhay niyo” sabi ni Arlene. “Miss Arlene, alam mo naman na yung joke time ko diba? I have been doing it for a long time already so I think I can handle my end don’t worry” sagot ng binata. “What is he talking about?” tanong ni Cristine. “Long story nga, mamaya ikwekwento ko lahat” sabi ni Jelly. “Are you sure?” tanong ni Arlene. “Alam niyo po wag niyo ako problemahin, pag panalalait no sweat yan. I just hope your side can handle the same. Wala naman sila itatanong sa akin e, most of the questions will be asked to her. Lalo na yung why. Why him, yang tanong nay an e insulto na sa totoo yon. Kaya siguro paghandaan niyo nalang yung tanong na yon” “Pero kahit may maisagot kayo e mauulit yon ng mauulit na matatanong kasi this rarely happens in real life. Sa mga libro lang nababa ang ganito. Oo meron din ganitong case sa real life at sa tingin niyo di natatapos yung tanong na yon sa kanila?” “Sa end ko e oo alam ko hahalungkatin nila lahat tungkol sa akin, don’t worry simpleng tao lang ako at pamilya ko simple din. More insults will come my way compared to questions. Kaya ko yan, kayong dalawa nakita niyo naman na first hand ano kinakain ko araw araw e” “I can take it, lalo na ngayon alam ko may rason naman. To help her career, kaya ayos lang mga panlalait at pagkukutya, may purpose naman na maganda kaya iisipin ko nalang yung main objective” sabi ni Enan. “We still have not discussed his salary” bulong ni Jelly. “Oo nga pala Enan magkano yung gusto mo?” tanong ni Arlene. “Wala ako alam diyan, kahit wala ayos lang. Kanina may nasabi ka, I have to agree with you that is a good distraction. So kahit walang bayad okay lang sa akin, siguro pagkain at maiinom” sabi ng binata. “He has to get something” bulong ni Cristine. “You heard her” sabi ni Jelly. “Okay, so ganito nalang. Sabi mo patapos na mga contracts niya diba? What if you just pay me whatever you want to pay me if this plan works” sabi ni Enan. “What do you mean?” tanong ni Arlene. “If this plan does reboot her career…if she is able to get new contracts then sige di ako tatanggi na bayaran niyo ako whatever you see fit. Pero pag walang bagong mga contracts then kahit thank you nalang at yung hiniling ko sa kanya kanina sapat na” sagot ng binata. Napatingin sina Jelly at Arlene kay Cristine, ang dalaga napaisip sabay tinapik yung kontrata. “Deal” bulong niya. “Okay then” sabi ni Arlene. “Ah..excuse me there is one more thing pala. Kasi e…sabi ko nga yung joke time ko kasi…nasabi ko sa friends ko na..nakakahiya ito ah” bulong ni Enan. “What?” tanong ni Cristine. “I told them that I call you Tiny..spelled with a Y but pronounced as an I” sabi ni Enan at nagulat si Cristine at napatingin sa binata. “Tiny?” bigkas niya kaya napayuko ulo ni Enan at hiyang hiya sobra. Nagulat sina Arlene at Jelly, nakita nila si Cristine nakangiti pero nung nakita niya yung dalawa nakatingin sa kanya balik poker face siya sabay taas ng isang kilay. “Tiny is fine” sabi niya sabay tumayo at tinignan si Jelly. “My room, tell me that long story you keep talking about. We are done here right?” sabi ng dalaga. “Yes, the other details we can talk about some other time” sabi ni Arlene. Umalis na si Cristine, sinundan siya ni Jelly kaya si Arlene tinignan si Enan. “Malabo ito ano?” bulong ni Enan. “I don’t think so, I have not seen her real smile for a long time” sabi ni Arlene. “She smiled? Saan naman?” tanong ng binata. “Ewan ko sa ano pero basta ngumiti siya” sagot ni Arlene. “For sure not at me or for me. Or baka she was just playing her role kasi nga sabi ko act nice” sabi ng binata. “Oh whatever it is she smiled. Anyway, mag uusap usap pa kami on how to go public with this. Tatawagan nalang kita para makapaghanda ka din” sabi ni Arlene. “Alam mo artistahin ako, kahit anong pagsubok na biglang dumating kaya ko mag adjust agad” biro ni Enan at nagtawanan sila. “You are going to be on the spotlight soon” landi ni Arlene. “Oh I am used to it already. Paglabas ko nga sa mundo e may malaking spotlight nakatutok sa akin e. O ha” sabi ng binata. “Enan lahat naman ng operating room may ganon na ilaw e” sabi ni Arlene. “Oh excuse me, mine was special. Kasi po blackout noon sa amin sa probinsya nung pinanganak ako. E manganganak na mama ko, CS pa so luckily may news crew na dumaan at tumulong. Pinahiram nila yung mga ilaw nila. Parang shooting tuloy yung pag opera sa nanay ko” “Oh yeah I was born to this world in the spotlight” landi ni Enan at napatawa ng malakas si Arlene. “I will show you photos one time kasi kinunan pa ng photos talaga e. They got my name Fernando form the newscaster, Fernando San Jose, sikat yon diba pero retired na ata” kwento ni Enan. “Seryoso ka? I know him” sabi ni Arlene. “Good, kahit po itanong niyo siya. I am sure maalala niya yon. Sabihin niyo po sa barrio sa Tarlac, maalala niya yon. I have the photos pa kasi binigyan nila kami ng kopya, dumalaw sila sa ospital two days later daw tapos binigyan sina mama at papa ng kopya” sabi ng binata. “Let me guess, your mom jokes you na pinanganak kang artista?” tanong ni Arlene at natawa ng sobrang lakas si Enan. “You got it! Kaya eto ako, pinapanindigan ko lang. My birth right” landi ni Enan at lalong nagtawanan yung dalawa. Biglang lumabas ng kwarto si Cristine at tinignan yung dalawa, tumigil tuloy yung tawanan at sabay sila yumuko. Lumabas si Jelly, si Cristine naman bumalik sa kwarto. “Sorry” sabi ni Arlene. “Hindi uy, ano daw tinatawanan mo? Tanong ko daw tapos ijoke ko din sa kanya daw” bulong ni Jelly. Gulat na gulat si Arlene kaya nagtitigan silang dalawa. “Seryoso ka?” tanong ni Arlene. “Oo, dali na sploke mo na anetch at baka majombag niya aketch pag wa joke ako balik roomsy niya” bulong ng bading. “Tawagin mo nalang kaya siya para makinig siya sa kwento ni Enan. “Gusto niya matawa at hindi matakot” sabi ni Jelly. “Excuse me miss, can you tone down the insults please” sabi ni Enan kaya napangiti si Jelly. “I was talking to her, miss na nga e” sabat ni Enan. “E bakit ka nakatingin sa akin?” sagot ni Jelly. “Ayaw kita ituro e, bastos daw yung nagtuturo. Understood na pag miss e si miss Arlene yon. Tapos ikaw lang naman nag iinsulto sa akin kaya understood ikaw papatigilin niya. Feeling naman to, miss nga e, siya yon at di ikaw kasi ikaw di pwede miss kasi nga may…” sabi ni Enan. Tumaas mga kilay ni Jelly, “Sige ano? Merong ano?” sumbat niya. Sasagot na sana si Enan pero napatigil yung tatlo pagkat naririnig nila si Cristine tumatawa mag isa sa kwarto. “Is there something I need to know about my girlfriend? Why is she laughing alone? Tell me kasi pwede ko naman sabihin sa mental kami nagkakilala” sabi ng binata at lalong lumakas ang tawa ni Cristine. “Baka naririnig ka” sabi ni Arlene. “Weh, malamang nanonood siya ng Youtube. Sino naman matatawa dito, I insist, matatakot ang right term” sabi ni Jelly. “At least yung takot na dala ko pwede masanay, e ikaw yung taglay mong takot never ending lalo na sa mga lalake…lalo na pag ngingiti ka tatakbo na kami” bulyaw ni Enan. Napahalakhak si Cristine, sina Jelly at Arlene nagtitigan sabay napangiti. Tinignan nila si Enan, ang binata napaatras sabay tinaas kamay niya, “Please don’t look at me like that you are scaring me…miss Arlene please don’t help him…” sabi niya at lalo tumindi tawa ng artista sa loob ng kwarto. “Siya” bulong ni Jelly. “Oo nga siya nga” sabi ni Arlene. “What? Anong ako? Tell me” sabi ng binata pero di sumagot yung dalawa at nagngitian nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD