Kinabukasan hinahanap nina Clarisse at Shan si Enan. “Akala ko ba araw araw niyo siya sinusundo?” tanong ni Tommy. “Nauna na daw siya e, kararating mo ba dito?” tanong ni Shan. “Kararating ko lang pero kanina nandito na sina Greg at Jason, baka sila nakita nila siya” sagot ni Tommy. +
Pagkadating nung dalawa agad sila natanong nung magnobya. “Si Enan mukhang may problema pero nung tinanong ko wala naman daw. But I should say he looked scared” sabi ni Greg. “Ano kaya nangyari sa kanya?” tanong ni Clarisse. “Ewan ko, okay naman siya kahapon diba?” sabi ni Shan.
Pagsapit ng lunch kinakabahan talaga si Enan makipagkita kay Jelly. Paglabas niya ng gate sakto tumigil yung itim na SUV at tinatawag siya ni Jelly na pumasok. Lumapit si Enan, “Ah..my mother taught me not to trust strangers” sabi ni Enan at may narinig siyang tawa ng babae sa likuran.
“Antipatiko, pumasok ka na at kakain tayo sa hotel” sabi ni Jelly. “Sino kakain? Ikaw tapos ako ulam?” tanong ni Enan at muling natawa yung babae sa likuran at kasama na yung driver. “Fernando, I am Arlene the manager of Cristine, sige na iho pasok ka na at kailangan natin mag usap” sabi ni Arlene.
“Okay, can you guarantee my safety? Baka kasi ulamin ako nito e” banat ni Enan at napahalakhak si Arlene habang si Jelly pinokpok ang binata sa noo gamit ang pamaypay. “Hoy pangit pumasok ka na” sabi niya. “Hoy bakla kayo may kailangan kaya magpakabait kayo sa akin” sabat ni Enan.
“Kuya sagasaan mo na nga tong antipatikong to” sabi ni Jelly. “Tanga! Ang kotse back and forth lang galaw, di pwede paside, haller nasa side ako. Duh” sabat ni Enan at tumindi tawanan nina Arlene at yung driver. “We are wasting our time with this guy” sabi ni Jelly.
“Say please” landi ni Enan. “Please get inside” sabi ni Jelly pagkat kinurot siya ni Arlene. “You promise not to touch my birdy?” pacute ni Enan. “Walanghiya ka! Ano tingin mo sa akin patay gutom sa lalake?” bulyaw ni Jelly. “I am so sorry if I have offended you, papasok na ako” sabi ni Enan.
Naiilang ang binata habang katabi si Arlene sa likod. “Alam mo makakarne ito ni Cristine” sabi ni Arlene. “For sure, kaya di na ako magtataka pag papalpak tong plano mo” sagot ni Jelly.
Nakarating sila sa restaurant sa loob ng hotel, “Mukhang malaki kailangan niyo sa akin at dito niyo ako papakainin” sabi ni Enan. “Please sit down Fernando” sabi ni Arlene. “You can call me Enan, pero pwede po magsorry muna ako sa nangyari? Kasi po ganito yon…” sabi ng binata.
Nakwento ni Enan yung totoong pangyayari hanggang sa pagpost ni Violet ng larawanan sa Internet. “Kaya ayan ang kwento, di ko naman mapipigilan si Violet pag jealous siya. I understand why she did that, she is pain seeing me with Cristine, look at me, artistahin ako e” banat niya at napatawa niya talaga si Jelly at Arlene.
“This guy is funny” sabi ni Arlene. “Kaya nga, he is okay pero I don’t think Cristine will like him. Iritable siya e” sabi ni Jelly. “Can you now please tell me what you need from me?” tanong ni Enan.
“Kung kailangan niyo po ako magsalita in public gagawin ko po yon tapos aaminin ko na katuwaan lang yon. Pero baka po kasi mawalan ng trabaho yung mga artista pag lumabas ako sa public. Baka po mawalan sila ng trabaho at ako nalang pipiliin ng mga networks” biro ni Enan at laugh trip talaga sina Arlene at Jelly.
“Enan, ganito kasi yan. Cristine is..well siguro naman alam mo na sino siya at siguro naman naririnig mo yung mga balita tungkol sa kanya diba?” sabi ni Arlene. “Well…kinda” sagot ni Enan. “Enan, we should have already came out and denied that photo but…how should I put this?” sabi ni Arlene sabay tinuloy niya at pinaliwanag yung good effects nung paglabas ng photo sa Internet.
“Oh I get it, so you want to thank me? Wag na po tulad ng sabi ko katuwaan lang po yon. Kasi nga po napaliwanag ko naman po itong kalokohan ko na feeling artista ako. That time lang po talaga nagkaroon ng opening tapos hinamon nila ako kaya ayon nagawa ko po yon tapos my friend took a video of it” sabi ni Enan.
“Wait what? Ano? So totoo yon? Hindi Photoshop?” tanong ni Jelly. “Ano ka ba nakwento na niya kanina e. You were not listening to him?” tanong ni Arlene. “I was busy…so may video talaga yon?” tanong ni Jelly. “Opo, sorry talaga” sabi ni Enan.
“Wait, kaya pala she asked me if I kissed her…oh my God totoo talaga” bigkas ni Jelly. “So Enan, itong hihingiin namin sa iyo e medyo kakaiba. Would you agree to be Cristine’s boyfriend?” tanong ni Arlene.
Nanlaki ang mga mata ni Enan, napalunok siya at talagang nanigas sa gulat. “Okay, nasan na yung mga camera? Alam ko joke time na ito. Nasa Wow Mali ba ako? If yes please okay you got me at tatawa na ako” sabi ng binata at talagang tumawa siya.
“Totoo, we are asking you to be her boyfriend. Fake boyfriend lang naman pero papalabasin natin na totoo” sabi ni Arlene at lalong natawa si Enan. “Please wag niyo na ako biruin ng ganito. Teka pakana ba ito ng mga kaibigan ko? Did they set this up to make me feel good?” tanong ng binata.
Naglabas ng mga ID si Arlene at pinakita sa binata. “I am Cristine’s manager, alam ko parang hindi kapanipaniwala tong request naming at parang out of this world pero as I have explained a while ago it seems this can help her career” sabi ni Arlene. “Are you kidding me? Look yung sinasabi ko na artista ako e kinakapalan ko lang mukha ko para magpatawa. Look at me, me and Cristine? Oh come one, baka lalong masisira career niya e” sabi ni Enan.
Nilabas ni Arlene laptop niya sabay pinabasa mga magagandang comments tungkol sa photo. “Enan, look at that, Cristine has been wanting to change pero di naman ganon kadali kasi pag showbiz ka” sabi ni Arlene. “Oo alam ko yon” biglang banat ni Enan kaya napatawa niya yung dalawa.
“Alam ko panloloko din ito sa public, pero iho mula bata pa siya ako na naging manager at taga alaga niya e. I admit kahit na ganon siya di ko siya matiis. I could easily leave her, pero mahal ko siya at kahit papano I want to help her. She is a really good actress, ang dami na niya awards, pero ayon nga yung ugali niya e sumisira sa kanya”
“Pabagsak na career niya Enan, tinatapos nalang ng iba contracts niya. Some even bought out of the contracts already, kaya sana pumayag ka, to help her. I know malaki din kapalit nito sa buhay mo so we are willing to pay you” sabi ni Arlene.
Napaisip si Enan, binasa niya talaga yung mga comments at napailing parin nang mabasa yung mga masasama. “Kaya niya ba makutya? Ako tignan niyo ako, pag ako sanay na ako sa ganyan. Alam niyo masisira siya e, tapos iba kasi e. You don’t know how cruel people can get”
“Ako almusal, tanghalian, dinner at pati ba naman meryenda ko panlalait. Kakayanin niya kaya yon?” bulong ng binata. “Kakayanin niya, willing naman siya dito e, consider this as a step sa reboot ng image niya” sabi ni Arlene. Napabuntong hininga si Enan at napahaplos sa noo niya.
“This is not easy, I still cannot believe you are offering this to me” sabi ng binata. “Make belief lang, of course papalabasin natin na kayo talaga. We will pay you, alam din naman namin titindi panlalait sa iyo at magugulo talaga buhay mo e” sabi ni Arlene.
Naisip ni Enan si Violet kaya yon ang nagpigil para pumayag siya. “I am so sorry, pero hindi ganon kadali ito. I really want to help her, I am inclined to help her kasi kasalanan ko naman ito talaga. Kaya lang hindi naman kasi madali ito. At wala naman maniniwala e, siguro meron konti pero there will be doubts. Tignan niyo nga ako, can you really say na si Cristine will really fall in love with someone like me?”
“Please be honest, sabi mo mahal mo siya so you know her. Do you really think that Cristine can fall in love with someone like me? Kaya natin lokohin ang public pero siya hindi niya maloloko sarili niya. I don’t know her, pero masisira siya lalo if this fails”
“Baka di niya kayanin yung mga panlalait. Titindi pa talaga mga panlalait once pinalabas natin totoo ito. Kung ako kaya ko, sometimes I want to break down pero kaya ko parin. Siya di ko alam pag kakayanin niya, at some point bibigay din siya at mabubuking na lahat” sabi ng binata.
“Ah okay, sige salamat nalang. Okay lang sige kain ka na” sabi ni Arlene. “Please wag niyo naman ako konsensyahin. What you are trying to do is impossible. Oo meron ganyan sa society, pero do you think they are living a happy life? Ito kahit palabasin natin na totoo e do you really think people will accept it?”
“Ang maganda para sa gwapo, ganyan ang pag iisip ng karamihan sa society ngayon. Cristine is beautiful, sikat siya, mayaman, she has everything to lose here. Gusto niyo ba panay insulto at panlalait din kakainin niya buong araw? Kahit sabihin mo di mo papansinin e makakapasok parin yan sa pag iisip mo e. Masakit, sobrang sakit I tell you”
“Take it from me, look at me, I am telling you the truth at kahit di ko na pilitin sabihin sa inyo tignan niyo lang itsura ko. Sapat na yan para magsabi na I am telling the truth based on experience. Di niya kakayanin ito” sabi ni Enan.
“Enan, what if I tell you she is willing to do anything?” tanong ni Arlene. “Well pag isipan niya ng maigi. Kung game siya…and if she really needs my help them sige tutulong ako. Let her be aware of the consequences, kung kaya niya sige game ako” sabi ng binata.
“If she agrees game ka din ba talaga?” tanong ni Jelly. “Ewan ko, can you give me a few days to think about it?” tanong ng binata. “Sure sure, sige lang at kakausapin ko pa si Cristine at sasabihin ko sa kanya yung mga sinabi mo” sabi ni Arlene.
Pagakatapos kumain hinatid nila si Enan sa school. Paglabas palang ng binata sa SUV ay nakasalubong niya agad yung grupo ni Earl. “Holy s**t nagulat ako! Grabe ang ganda nung kotse pero nakakatakot yung lumabas” kantyaw niya at nagtawanan ang kanyang mga kasama.
Huminga ng malalim si Enan at nilingon sina Jelly at Arlene. “Ganyan araw araw, kakayanin ba niya ang ganyan?” tanong ni Enan. “Hoy pangit, sa tinging mo ba porke nakasakay ka sa magandang kotse e gwagwapo ka na? Hindi oy, walang maiimpress sa iyo, baka sagutin pa ng babae yung kotse imbes na ikaw” hirit ni Earl.
Naawa na sina Jelly at Arlene, yung driver sa inis gusto na bumaba para ipagtanggol si Enan. “Okay lang ako, so if she can handle this everyday sige, pero alam niyo titindi pa ang mga ito pag nangyari yon” sabi ng binata.
“Wow kunwari naman kilala niya yung mga sakay ng kotse o, ooooh paimpress si pangit. Hoy pangit, sinakay ka lang nila kasi naawa sila sa iyo oy. Wag ka na mafeeling diyan. O baka pakana mo ulit yan para impressive dating mo sa school. Ubos ang allowance ni gago” sigaw ni Earl at halakhakan ang mga nasa paligid na nakarinig sa kanya.
Humarap si Enan kay Arlene, napansin ng babae na namumuo na luha ng binata sa kanyang mga mata. “Don’t fight them, halika pasok ka ulit dito sa kotse” alok ni Arlene. “s**t, make it happen” sagot ni Enan. “What?” tanong ni Jelly.
“Oo na, sige na payag na ako. Make it happen. Bahala na” sagot ng binata. “Are you sure?” tanong ni Arlene. “Sabi mo titindi ito” dagdag ni Jelly. “Sure ako, make it happen. Go tell her, if she says yes sige game ako. Make it happen” sabi ni Enan.
Nauna na siya pumasok sa gate, umalis na yung SUV pero sa loob luhaan sina Arlene at Jelly. “Mga gago yon, ewan ko bakit ako nagkakaganito pero naawa ako sa kanya. Sana pumayag si Cristine. Mga gago yon” bulong ni Arlene.
“Ngayon lang nag sink in yung sinabi niya, almusal, lunch, dinner…oh my God buti buhay pa siya” bulong ni Jelly. “Kuya punta tayo sa studio, I need to talk to her now” sabi ni Arlene. “So we are really going to make this happen?” tanong ni Jelly.
“Yes but this is not for Cristine alone, s**t mga yan, sana makita ko mga mukha nila pag nalaman nila yung big news. Gusto ko sila kunan ng video e. Naiinis ako sobra” sabi ni Arlene. “Sarap sabunutan mga yon, pero guilty din ako kahit papano kasi tinawag ko siyang pangit kanina” sabi ni Jelly.
Pagsapit ng dismissal nakasama ni Enan ang mga barkada niya. “O pare saan ka galing kanina?” tanong ni Shan. “Alam niyo na, nagstart na kasi yung busy days ko. Nakipagkita ako sa mga talent scouts and I graciously declined their offers, sabi ko studies first ako” landi ni Enan.
“Seryoso pare, saan ka galing?” tanong ni Greg. “Bingi ba kayo? Sabi ko nga nakipagkita ako sa mga talent scouts” sabi ni Enan. “Pare, kung kailangan mo ng pera di mo naman na kailangan mag ganon e” biglang sabi ni Shan at nagulat si Enan.
“What the heck…ano?” tanong niya. “Greg saw you with the gay person, umalis kayo e. So naisip namin na baka may money problems ka at…” sabi ni Clarisse kaya napahalakhak si Enan. “Are you kidding me? Inisip niyo yon? Hello!” sigaw ng binata at lalong natawa.
“Kung hindi e di sabihin mo sa amin kasi. Don’t keep secrets” sabi ni Clarisse. “Hay naku, first of all that is Jelly, oo gay person siya pero sige na nga. Siya yung personal assistant ni Cristine” sabi ni Enan.
“Pare okay lang talaga, we wont judge you. Kahit sabihin mo naman yan we cant verify who that Jelly person is naman. So pag may financial problems ka pare alam mo naman I can help you” sabi ni Shan kaya umariba sa tawa si Enan.
“Kadiri naman kayo, listen to me. I am telling you the truth. PA talaga siya ni Cristine at nagkita kami kasi…ah well its too early to say pero you will find out soon” sabi ni Enan. “Idol, pati ako handa ako pautangin ka” sabi ni Greg kaya tuloy ang tawa ni Enan.
“My friends, I am telling you the truth, meron lang ako talaga di masabi sa inyo right now but whatever you are thinking hindi ako ganon na tao. Sa kapal ng mukha ko sa tingin niyo di ako uutang sa inyo pag kailangan talaga? Hello? Uutang ako pag kailangan at just so you know my family is doing fine. Nabayaran na ni mama at papa utang namin, makakaluwag na kami”
“So please listen to me, si Jelly ay personal assistant talaga ni Cristine. If you want you can check him out. I am sure makikita niyo siya sa mga photos of Cristine sa net” sabi ni Enan.
“Okay, we believe you. So ano yung sinasabi mo na meron kang hindi masabi?” tanong ni Clarisse. “Fine, may chance na magbabalikan kami ni Cristine” sabi ni Enan ng malakas at biglang may nagtawanan na mga lalake.
Paglingon nila nakita nila grupo ni Earl na nagtatawanan. “Wahahahaah, ang kapal talaga ng mukha mo sobra. Ibang level na kapal ng mukha mo. Sa sobrang kapal pare di ka masukat e” sabi ni Earl at biglang pumorma si Shan.
“Dude please wag, let them be. Hayaan niyo sila tumawa” sabi ni Enan. “Wow concerned si pangit, bakit pare ayaw mo magulpi friends mo? Ayaw mo non magiging kamukha ka na nila. Dadami na kayong pangit, pwede na kayo magtayo ng kulto at ikaw ang supreme leader nila” kantyaw ni Earl.
Hinawakan ni Enan mga kamay nina Shan at Greg, “Please, calm down. Let him and his friend laugh it out. It is not worth it. I promise you mauutal din mga yan soon” sabi ni Enan.
“Hoy pangit, may talent ka sa video editing, at least may kwenta ka din pala” hirit ni Earl. Humarap si Enan at nginitian siya, lalo nagtawanan yung mga kasama ni Earl kaya hinila na ni Shan si Enan.
“Nakakatakot parin smile mo, grabe, smile na ba yon? Gosh, malas yung mapapangasawa mo. Every morning bibigyan mo siya ng heart attack. Kaya bagay sa iyo bulag pero malamang tatagos parin kapangitan mo e at malalaman niya na pangit talaga napangasawa niya” bulyaw ni Earl sabay tumawa ng malakas.
Naglakad na palayo grupo ni Enan, inakbayan siya ni Shan sabay inuga. “I am fine pare. Okay lang ako, let them be, let them have fun at my expense. Artista ako, alam niyo yon at soon ipaparamdam ko sa kanila ang aking kamandag” sabi ni Enan.
Tumingala ang binata at pinigalan ang luha tumulo. Pinikit niya ang kanyang mga mata at dinasal na sana pumayag si Cristine kahit saglit lang.