Habulin

3056 Words
Ilang araw lumipas at nag aalala na sina Clarisse at Shan para sa kaibigan nila. “I really feel bad, napaka careless ko. Sana binura ko nalang yung video dati pa” bulong ni Clarisse. “Babe, relax, di mo naman na foresee magkakaganon e. At di naman natin na expect si Violet masamang tao pala” sabi ni Shan. “Naawa na talaga ako kay Enan, grabe lantaran na siyang nilalait ng lahat. Tapos isa pang kinakatatukan ko e baka idemanda siya nung artista e. Pinalabas nina Violet kasi na Enan edited the photo and placed her face. Di nila alam yung real story na totoo naman na naging sila e” sabi ni Clarisse. “Pero di mo ba napansin na yung kampo ni Cristine hindi nag rereact? I mean its all over the news and internet na pero not one word from their camp so…” sabi ni Shan. “Enan was not lying, totoong naging sila” sabi ni Clarisse. “Yun na nga e, so I kinda feel happy for Enan. I mean bilib ako kaya lang di matanggap ng iba. Gusto ko na nga sabihin na totoo yung photo at hindi edited e” sabi ni Shan. “Uy wag, sabi ni Enan wag daw. Privacy daw” sabi ni Clarisse. “Its too much na kasi e, affected narin ako sa panlalait sa kanya. I just want to make them all shut up, gusto ko nga ipakita yung video e para magulat din sila” sabi ng binata. “Everyone knows naman masama ugali ni Cristine, kung fake man yon e di I am sure nagreact na siya. Since wala pa kinikilig nga ako e knowing its true na naging sila. Pero I cant be happy kasi nga tulad ng sabi mo they are being bashed. Siguro kaya nananahimik din camp ni Cristine e para sabihin narin na its not true. Ganon naman e diba? Pag di totoo wag na magreact” sabi ng dalaga. Samaantala sa loob ng isang condo nairita si Cristine pagkat walang tigil nagriring phone niya. “Ano ba? Jelly bakit ring ng ring phone ko? Ilang araw na yan ha! Ano nanamang issue ang meron? Nanahimik na ako diba? Ano nanaman nangyari? Yung lumba lumba nagfile ba ulit ng kaso? Akala ko ba you handled that already?” “s**t may taping pa ako mamaya I need to sleep!” sigaw ng dalaga. “Ah Cristine…I think its time you knew about this” sabi ni Arlene. “Oh bakit ka nandito? s**t I knew it, bad news nanaman ano? So what did that fat lady do again? Di pa ba sapat pagsorry ko? Ano gusto niya gatasan ako para tuluyan na siya matigok dahil sa heart attack?” tanong ng dalaga. “Halika, tignan mo ito” sabi ni Arlene at hinarap niya yung laptop. Nakita sa screen ang isang larawan ni Cristine na nakasandal at nakaakbay sa isang lalake at hinahalikan siya sa noo. Nanlaki ang mga mata ni Cristine nang makita yung pangit na lalake na kasama niya pero imbes na magreact e naalala niya bigla yung araw na yon. “Ah ano masasabi mo? Ilang days na kumakalat ito sa Internet kasi” sabi ni Jelly. “Who the hell is that?” bigkas ni Cristine sabay pasimple siya napahaplos sa noo niya. Napailing siya konti nang makita itsura nung lalake. “I think this was taken nung pinilit mo magpunta tayo sa fastfood” “Noong inaantok ka ata noon tapos maybe they took a photo of you with eyes closed tapos naphotoshop nila yung photo with the guy inserted now and pretending to be kissing you” paliwanag ni Arlene pero napalunok si Cristine pagkat ngayon niya lang narealize na totoo pala may sinasandalan siya noon at may humalik talaga sa noo niya. Kinabahan sina Arlene at Jelly, itsura ni Cristine di maipinta at parang nararamdaman nila sasabog na ito sa galit. “Wait wait lang, before you react, I think you should read the comments muna” sabi ni Arlene kaya pinaupo nila yung dalaga at pinabasa yung mga comments. “Oh my God, pumatol siya sa ganyang kapangit?” basa ni Jelly. “Siraulo photo shop yan, makapal lang mukha nung pangit na yan at feeling naman niya papatulan siya ni Cristine” basa ni Arlene. “Oh shut up, its not photoshopped, its real. Kadiri si Cristine, ang daming gwapo tapos diyan pa sa ganyan papatol. Oh nasusuka ako sobra” basa ni Jelly ulit. “Now I know you are bashed too but may good side ito” sabi ni Arlene. “What good side?” tanong ni Cristine sabay iniscroll down nila yung comments page at nakita nila ibang tao pinagtatanggol naman sina Cristine at yung lalake. “Si lumba lumba?” tanong ng dalaga. “Exactly, pinagtatanggol ka niya. I could not believe it too e so I checked her Twitter, girl she is really defending you and that guy. Di lang siya, amazingly ang dami nagdedefend sa iyo sis. Ang dami lalo humanga sa iyo. Parang ang dami naging convert bigla, yung old bashers mo at haters e nakakagulat at they are really defending you” sabi ni Arlene. “Really? How come?” tanong ni Cristine. “Kasi girl ngayon ka lang nila nagpakita ng human side. Nilunod mo sila sa pagiging b***h mo, alam nila cold hearted ka na…ah basta so many bad adjectives” sabi ni Jelly at nagtaas kilay ni Cristine. “Now, lets be honest with each other. Madami umaayaw sa iyo dahil sa ugali mo. This incident, parang chance mo magreboot ng image. Think about it, wala nang nagrerenew ng contract mo lately. Lahat nalang ata tinatapos current contract mo. Its your fault you know. This is a good chance to change your image and eto na o, a lot are coming out defending you” sabi ng manager niya. “So what are you trying to tell me?” tanong ni Cristine. “We were talking about it, kaya lang natatakot kami kasi baka ayaw mo. Cristine we should come out with a statement, you will come out in public and say totoo yan” sabi ni Arlene. “Are you kidding me?!” sigaw ng arista. “Ako aamin na may relasyon ako diyan sa…diyan sa…ano yan statue? Mas may itsura pa yung Lion Statue ng Kennon Road e, yan e..yan e…tao ba yan?” hirit ng dalaga. “Oh so ano gusto mo? Magbago agad image mo at magmukhang santo? Sino naman maniniwala sa iyo? Ha? Pag end ng current contracts mo goodluck naman sa iyo kung may kukuha pang network sa iyo dahil sa ugali mo at mga nagawa mo” “Ano balak mo sa isang iglap e magiging santo ka? Girl! Mag isip ka. Uso ang plastic ngayon at di mo maloloko ang tao. Pero if you agree with this, look may dumedepensa na sa iyo. Sakyan na natin itong issue para dito na magsisimula pagbabago mo. Like I said people are defending you now because this photo shows you have a human side afterall” “Sabi nga ng isang comment, and I admit dahil doon ako napaisip ng ganito, sabi nung commenter, this ugly guy seemed to have tamed her. Tapos after that comment a lot replied at lahat positive! So ayan na yung opportunity, alam ko maling paraan ito pero if you want to save your career eto na siya” sabi ni Arlene. Biglang naglakad palayo si Cristine at napaisip. Naalala niya bigla mga magulang niya at kapatid kaya lalo siya nalito. “Pero this is just a suggestion, alam namin it’s a crazy idea but habang may naniniwala pa sa iyo, habang may dumedepensa pa sa iyo e sana sakyan na natin ito” “I know you are trying your best to change lately pero you have done enough damage already to ruin yourself. Eto na Cristine ang chance mo, we can ride this wave, get people behind you, we can spin a story and at the same time insert the changes para bumango ka” sabi ni Arlene. “And you think that…guy will agree?” biglang tanong ng artista. “Is that a yes?” tanong ni Arlene. “Ewan ko, ikaw manager ko, if you think its going to work then sige do it” sabi ng dalaga. “This is not going to be easy, at hindi pa natin kilala yang pangit na yan” sabi ni Jelly. “Yan ang trabaho mo, find out who he is and we have to talk to him. We have to spin this story in the right way. Kailangan maingat tayo talaga kasi pag nabuking tayo na peke ito lalo siya masisira” sabi ni Arlene. “s**t bahala na kayo, what do I have to lose pa nga ba? Sirang sira na ako diba? If this saves me then so be it. Hala sige do what you have to do at matutulog pa ako” sabi ni Cristine sabay pumasok na sa kwarto niya. “At pano ko naman hahanapin yan?” tanong ni Jelly. “Basahin mo lahat ng blogs, forums at check mo narin Twitter. For sure mababanggit naman pangalan niya. For sure naman may kakilala siya at nilalait na siya so work on it. If you get to know his name puntahan moa gad at invite mo for a talk” sabi ni Arlene. “And you think aagree naman siya?” tanong ni Jelly. “Sa pangit niya lets hope di naman siya tanga sana. Babango pa nga siya dahil papalabasin girlfriend niya artista. We can also pay him. We have to do everything we can or else we can start finding new jobs” sabi ni Arlene. Kinabukasan sa tambayan nakita ni Clarisse paparating si Enan at Greg. Napansin niya na parang kinikilabutan si Enan habang si Greg di makapigil sa katatawa. Pagkalapit nung dalawang binata agad naupo si Enan at nanatiling tulala habang si Greg pinagtuturo kaibigan niya at di parin talaga makapigil sa pagtawa. “Ano nangyari sa kanya? Napaaway ba? Tell me?” sigaw ni Shan na agad napatayo. “Wahaha s**t sorry di ako maka get over” sabi ni Greg. “Enan what happened? Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Clarisse. “Itong issue…bad” bulong ni Enan. “Uy wag mo kasi pansinin mga sinasabi nila” lambing ni Clarisse. “Itong issue, it has brought me to another level. Oh my God, I cant believe this is happening to me” banat ni Enan. “Ano ba pinagsasabi mo?” tanong ni Shan. “Pare, artistahin ako, oo tanggap ko madaming mga babae humahanga sa akin. Alam ko sobrang daming babae nahuhumaling sa aking taglay na kagwapuhan…all ages from teens to near death women…pero ngayon lang talaga…ngayon lang talaga…” bigkas ni Enan. “May bakla na gustong magpakilala sa kanya!” sigaw ni Gregory kaya naghalakhakan ang magbabarkada. “What?” tanong ni Clarisse. “Totoo, I have reached a new level of handsomeness…it seems even the third kind are already aware of my irresistible handsomeness” sabi ni Enan. “Wahahaha…tangina s**t nandon ako. As in lumapit yung bading. Nagpakilala talaga with matching beautiful eyes…pero eto tumakbo sa takot wahahahaha” kantway ni Greg kaya muling naghalakhakan ang mag kakaibigan. “Bakit ka naman tumakbo?” pacute ni Clarisse. “Are you kidding me? Inabot niya kamay niya, inaabot niya agad bird ko! Hello! Ganon ba agad sa first meeting? I know I am irresistible but excuse me bird agad?” banat ni Enan at lalo niya napatawa mga kaibigan niya. “Gago nakikipag shake hands lang siya” sabi ni Greg. “Ows? Ay sorry naman nabigla ako e. Akala ko naman napaka prangka niya at sinasabi agad gusto niya sa akin. Hay naku di ko na alam itong level ng kasikatan at kagwapuhan na naatim ko. This is too much already, kung naakit ko na ang mga third s*x e I fear that I may also be attracting the fourth, then mamaya magiging intergalactic celebrity na ako” “This is just too much to handle. Gusto ko sana ibahagi sa iyo Greg yung iba pero may kalauyan pa agwat natin kasi” banat ni Enan at nabatukan siya sa ulo ng kanyang kaibigan. “Ulol, iyong iyo na kung ganyan din lang” sabi ni Greg. “Hoy wag ka maarte, at least sa akin may pumapansin. Ikaw so far mga taga hanga mo e mga bato at insekto. Tignan mo kanina pa yang langaw na yan umaaligid sa iyo. Para ka lang…” sabi ni Enan pero agad siya tumigil. “Ano? Sige tuloy mo sasabihin mo at kamao ko makakausap mo” banta ni Greg. “Shan o” banat ni Enan kaya nagtawanan silang lahat. “Alam mo Enan sana di mo naman tinakbuhan yung bading, baka gusto ka lang naman talaga makilala e” lambing ni Clarisse. “Well honestly speaking may times nga talaga gusto ko na magcross over e. Baka doon mahahanap ko yung magkakagusto talaga sa akin. But before I do that…Gregory…we share the same boat…kung talagang minamalas tayo e baka naman maisip mo na…tayo nalang kaya?” tanong ni Enan. Natulala si Greg, yung ibang kaibigan nila sumabog na katatawa. “I mean we can start slow, kiskisan ng braso if you want. Tapos holding hands, pero sana wag ka maoffend pag maghahalikan tayo kasi pipikit talaga ako e” banat ni Enan at inuga uga na siya ni Clarisse sa tindi ng tawa. Si Greg naman nandidiri pero di makakibo. “Hoy gago pinag iisipan mo naman, as if naman” biglang banat ni Enan kaya halos mamatay sa tawa ga kaibigan nila. Pagsapit ng dismissal magkakasama yung magbarkada palabas ng main gate. “Wala kayong kwenta! Bakit kasi pareho pa kayong coding today? Artista ako, magcocommute ulit ako? Hello?” sabi ni Enan pero walang tumawa. Si Greg nakita yung bading kaya hinila niya yung iba para magpahuli. Si Enan naman daldal ng daldal habang inaakala niya may mga katabi pa siya. Si Clarisse natatawa na pagkat nakita na nila yung bading palapit kay Enan. “Siya yon, tignan niyo tatakbo ulit yan” bulong ni Greg. Napatigil si Enan, nakaharap niya yung bading, “Antipatiko ka, wag kang tatakbo, ako si Jelly yung PA ni Cristine” sabi ng bading sabay nagtaas ito ng kilay. Napalunok si Enan at agad umamo. “I..I can explain everything” bulong niya. “Bwisit ka, sana di ka tumakbo kanina. Wala na ako oras para makipag usap sa iyo today. You and me have to talk so bukas ng lunch babalikan kita at mag uusap tayo” sabi ni Jelly. “I am really sorry, di ko sinasadya yon” sabi ni Enan. “Ah shut up bukas tayo mag uusap. Will you relax, may kailangan kami sa iyo. Basta bukas na tayo mag uusap please lang. Sinayang mo oras ko kaantay dito. Antipatiko ka, ano akala mo sa akin r****t? So Fernando, as I said I am Cristine’s assistant, we really need to talk. Tomorrow kasama ko manager niya” sabi ni Jelly. Nabalot ng takot si Enan, “Please wag niyo ako kasuhan” bulong niya. “Hindi, basta bukas. We need something from you” sabi ni Jelly. Si Enan nagbiro at tinakpan ari niya kaya nagtaas ng kilay yung bading. “Walanghiya ka, the nerve talaga. As if papatulan kita, kadiri ka” sabi ni Jelly. “Hoy bakla, sabi mo may kailangan kayo sa akin e di umayos ka” sagot ni Enan. “Oh yes I am sorry, anyway please make yourself available tomorrow. Saan ba pwede kumain dito bukas, yung masarap naman sana” sabi ni Jelly. “Doon sa Rosas place” sabi ni Enan. “Good, so doon tayo magkikita. Oh come alone” sabi ni Jelly. “Ah sorry ha pero kinakabahan ako e” sabi ni Enan. “Wag ka kabahan, we really need your help” sabi ni Jelly. “What kind of help?” tanong ni Enan. “Pwede ba bukas na at nandito na sundo ko” sabi ni Jelly at dumating na yung itim na SUV. Nagulat mga kaibigan ni Enan nang makita nila yung bading sumakay sa magarang SUV. “Oh my God, mayaman na bading na type si Enan. Wow” bulong ni Greg at nagbungisngisan sila. Nakabalik si Enan, lahat nakatingin sa kanya, “So ano yon?” tanong ni Clarisse. “My friends, artista ako, naisip ko na I have to be kind and accommodating to all my fans. That person happens to be my new fan so I gave him a few minutes of my time” “Yun lang naman. Starting today I have to broaden my view in life. Tanggap ko na di lang mga babae naghahabol sa akin. Habulin na talaga ako in the general term, lalake, babae, in between, oh life is so wonderful. So ano tuloy tayo kakain o hindi na?” sagot ni Enan at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Pare ano talaga kailangan niya sa iyo? Mayaman yon ha” biro ni Greg. “Alam mo Gori, artista ako, fan base ko mula sa lahat ng level ng society. Class A, B, C, D, lahat lahat na. Ganyan talaga pag tunay kang artistahin e” “Yung iba may specific fan base lang, pero hello its me Enan, the most irresistible and sensational handsome actor that keeps a low profile. Mula taong grasa hanggang super mayaman, lahat yan fans ko. Now you can’t deny it kasi kitang kita ng mga mata niyo” “Hay naku, tanggapin niyo na kasi. This is me, I cant change already. You have to embrace it like me. You guys and girl are so lucky to have a friend like me no?” landi ni Enan at wala nang magawa mga kaibigan niya kundi matawa at umoo nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD