Cassandra POV KUMUNOT ang noo ko ng makita si Greta na galit na galit ang mukha. Matalim syang nakatingin sa akin. Halos isang taon ko syang hindi nakita at wala na akong halos na balita sa kanya. Pero hindi gaya ni Ted ay may pagbabago na sa kanya. May mga tattoo na sya sa paa, binti, sa braso at sa ibabaw ng dibdib. Bahagya na din syang nagkalaman. Pero ang pananamit nya ay ganun pa rin. Crop top na spaghetti strap at maiksing maiksing maong na shorts. "Anong kailangan mo Greta?" Tanong ko. "Nagtatanong ka pa? Kararating mo lang nilalandi mo na agad ang boyfriend ko!" Galit nyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko. "Anong nilalandi ang boyfriend mo? Sinong boyfriend?" Maang kong tanong. "Si Ted! Nakita kayo ni Aling Jena na magkayakap kanina! Maang maangan ka pang malandi ka!" Tuma

