Cassandra POV "HAY, salamat nakauwi na rin." Ani tatay ng makaupo na sa sofa'ang kawayan. Nilibot nya ang mata sa loob ng bahay. "Ilang araw ko lang hindi nakita itong bahay pero parang ang tagal tagal na. Namiss ko itong bahay." Ngumiti ako. "Akala ko po ba gusto nyong magtagal pa sa hospital dahil may aircon." Natatawang sabi ko habang inaayos ang mga gamit na galing sa hospital. "Kuh, sinabi ko lang yun dahil enjoy ako sa aircon. Mas masarap pa ring umuwi dito sa bahay. Kahit electric fan lang komportableng komportable naman ako. Saka napansin ko parang umaliwalas itong bahay. Ang galing mong maglinis anak." "Syempre naman po tay. Linis Tinong ang ginawa ko. Malinis na malinis. Pati kwarto nyo tay malinis na malinis. Minap ko pa yun at winisikan ng air freshener." Pagbibida ko.

