Cassandra POV "M-MANNOX si tatay sinaksak." Umiiyak na sumbong ko kay Mannox pagdating na pagdating nya. Kinabig nya ako at niyakap. Sumubsob ako sa dibdib nya at doon umiyak. Inalo alo naman nya ako. Pagkatapos tumawag ni Lalay kanina sa bakeshop ay agad kong tinawagan si Mannox at sinabi ko ang nangyari kay tatay. Umuwi na agad ako dito sa bahay dahil sabi ni Mannox ay uuwi kami ng probinsya para puntahan si tatay. Iniwan ko na si Nala sa school at sya na lang ang magpapaliwanag sa prof namin. "Shh.. tahan na baby. Pupuntahan na natin ang tatay mo. Magbihis ka na." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "O-Oo magbibihis na ako." Patakbo akong umakyat sa hagdan at sumunod sa akin si Ate Malou. Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa walk in closet at kumuha ng damit at nagbihis. Wala na

