Chapter 7

1541 Words
Cassandra POV BAHAGYA akong napayuko ng lumapit sa akin si Donya Silvina at nanunuring tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Matanda na ang donya. May sakit sya at hirap na ring maglakad at akay na lang sya ng kanyang walker crutches. Naalala ko pa noong kalakasan pa nya. Ibang iba ang awra nya noon kesa ngayon. Noon ay lagi syang nakangiti at magiliw sa mga tao. Pero simula ng magkasakit ay naging masungit at bugnutin. Pero mabait pa rin naman sya kay tatay dahil isa si tatay sa mga pinagkakatiwalaan nya sa hacienda noon. "Ikaw na pala ang nag iisang anak ni Tinong." Wika ng donya. "Opo Donya Silvina." "Ano nga ang pangalan mo iha at ilang taon ka na?" Nag angat ako ng tingin sa donya. "Cassandra po, eighteen years old na po ako." Tumango tango sya. "Dalaga ka na pala at magandang maganda." Nahihiyang ngumiti ako sa donya. Hindi ko alam kung paano kikilos sa kanyang harapan. Pakiramdam ko kasi ay kapag nagkamali ako ng kilos ay bubulyawan ako. "Tapos ko ng iayos ang mga gamit. Tayo na para di tayo masyadong gabihin." Untag sa akin ni Mang Castor at bumaling kay Donya Silvina. "Donya Silvina, aalis na ho kami." "O sige, basta huwag mong kakalimutan ang mga inuutos ko Castor. Sige na, umalis na kayo." "Oho donya." Tumango si Mang Castor at tumalikod na. "Aalis na po kami Donya Silvina." Magalang na paalam ko sa donya at tumalikod na. "Sandali lang iha." Natigilan ako at lumingon sa donya. "Bakit po Donya Silvina." "Pwede ko bang mahingi ang cellphone number mo?" Tinawag nya ang isang kasambahay at nagpakuha ng papel at ballpen. Nagtataka man ay hindi ako nagtanong sa donya kung bakit nya hinihingi ang cellphone number ko. Lumapit sa amin ang kasambahay na may dalang ballpen at malinis na papel. Minuwestra yun sa akin ng donya kaya inabot yun sa akin ng kasambahay. Kinuha ko naman yun ay sinulat ang cellphone number doon. "Salamat iha. May hihingiin kasi akong pabor sayo." "Ano po yun Donya Silvina?" Bumuntong hininga si Donya Silvina at nilingon ang kasambahay. Pinaalis nya ito. Muli syang humarap sa akin. Mula sa matigas na ekspresyon ng mukha nya kanina ay naging malambot iyon. "Gusto kong tingnan tingnan mo ang anak ko, ang Ninong Mannox mo. Bantayan mo sila ng asawa nya. Ayoko sa asawa ng ninong mo. May kutob akong niloloko lang sya ng asawa nya. Tatawagan kita kapag nasa Manila ka na. I-save mo ang number ko at magrereport ka ng mga malalaman mo sa akin. Huwag mo ring sabihin sa ninong mo ang tungkol dito. Maaasahan ko ba ang tulong mo?" Hindi ko ine-expect na ganitong pabor pala ang hihingin ng donya. Madali lang naman dahil parang magmamarites lang ako sa buhay ng ninong ko at irereport ko kay Donya Silvina. "Huwag kang mag alala may bayad naman ang pabor na hinihingi ko sayo. Bibigyan kita ng allowance. Ipadadala ko sayo. Bukod pa yun sa allowance na ibibigay sayo ng ninong mo." May bayad daw? Aayaw pa ba ako? Madali lang naman ang gagawin eh. Lumunok ako at tumango. "Sige po pumapayag ako Donya Silvina. Pero yung allowance na ibibigay nyo pwede po bang kay tatay nyo na lang po ibigay. Para po may pera syang panggastos habang wala ako." Ngumiti na ang donya. "Sige iha, at aasahan ko ang kooperasyon mo." Nilahad ng donya ang kanyang kamay. Bilang selyado siguro ng kasunduan namin. Tinanggap ko naman ang kamay nya. Nagpaalam pa ako ng isang beses sa donya at lumapit na sa van na maghahatid sa akin sa Manila. "Napaka swerte mo at pag aaralin ka ni Senyorito Mannox sa Manila." "Oo nga po Mang Castor. Kaya sinunggaban ko na. Gusto ko rin pong makapag tapos." Wika ko. Sa passenger seat ako nakaupo katabi ni Mang Castor na madaldal at makwento. May hawig syang komedyanteng artista. Limang taon pa lang syang driver sa hacienda at sya ang madalas mautusan kapag luluwas ng probinsya papunta ng Manila. 6 to 7 hours daw ang byahe mula dito sa Aurora papuntang Manila. Ganun pala katagal. Pero may mas mabilis daw na byahe na wala pang isang oras ay nasa Manila na. Yun ay kung helicopter ang gagamitin. Yun daw ang laging ginagamit ni Ninong Mannox kapag uuwi dito sa probinsya namin. O kaya kapag ang donya ang luluwas papuntang Manila. Sanaol may helicopter. Iba talaga kapag mayaman. Marami pang kwento sa akin si Mang Castor. Kahit di ako nagtatanong kusa syang nagkukwento. Mainam na rin para di kami mabagot sa byahe dahil dalawa lang kami. Kinuwento nya rin ang tungkol sa buhay at pamilya nya. May tatlo na silang anak ng asawa nya at lahat ay nag aaral. Mas bata lang sa akin ang mga anak nya ng ilang taon. Sunod naman nyang kinuwento ay ang tungkol kay Ninong Mannox. Tatlong taon na raw kasal si Ninong Mannox sa asawa nitong model. May lahing amerikana daw yun at maganda kaya agad daw pinakasalan ng ninong. Yun nga lang ay may pagka mataray daw at wala daw nagtatagal na kasambahay sa malaking bahay ng mga ito. Naalala ko ang sinabi ni Donya Silvina kanina. Ayaw nya sa asawa ni Ninong Mannox. Pakiramdam nya niloloko lang nito si ninong. Well.. malalaman ko pagdating ko doon. "Kaya ikaw, mag iingat ka dun kay Ma'am Veronica. Naku! Iba talaga ang ugali nun. Kunsabagay, di ka naman nya pwedeng kantiin dahil inaanak ka ni senyorito." Bilin sa akin ni Mang Castor. May sumibol na kaba sa dibdib ko sa kwento ni Mang Castor tungkol sa asawa ni Ninong Mannox. Baka kagaya din sya ni Tita Amanda o mas malala pa. Gayunpaman ay dapat kong ihanda ang sarili ko. Anuman ang ugali ng asawa ni Ninong Mannox ay dapat ko pa rin syang pakisamahan ng maayos basta huwag lang akong sasaktan hindi ako papatol. Pagsapit ng tanghali ay huminto muna kami ni Mang Castor sa nadaanan naming karinderya. May baon naman akong pera kaya di na ako nagpalibre sa kanya. Nasa labas na kami ng Aurora at nasa katabing probinsya na. Ang sabi ni Mang Castor, mga alas singko ng hapon ang tiyak na dating namin sa Manila depende na lang kung matrapik. Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang kami saglit at bumiyahe ulit. First time kong bumiyahe ng malayo. Mabuti at hindi ako mahiluhin at nae-enjoy ko naman ang byahe. Iba't ibang tanawin ang nakikita ko at kinukunan ko yun ng picture. Alas tres ng hapon ay tumawag si Ninong Mannox kay Mang Castor at tinanong kung nasaan na kami. Nasa may parteng Pampanga na kami. Excited na akong makita si Ninong Mannox. 9 years na rin ang nakakaraan ng huli ko syang makita. Umawang ang labi ko ng pumasok ang van na lulan namin ni Mang Castor sa malaking gate na puti na automatic na bumukas. "Ito na ang bahay ni senyorito." Saad ni Mang Castor. Lalong napaawang ang labi ko sa pagkamangha habang ginagala ang mga mata sa labas ng malaki at modernong bahay na may dalawang palapag. Halos puro salamin ang bahay na natatabingan ng malalaking kurtina. Ganito ang mga bahay na nakikita ko sa social media. Unang bumaba si Mang Castor sumunod naman ako. Ginala ko naman ang tingin sa paligid. Malawak ang yard. Parang carpet ang mga damo sa lupa at may mga malalaking halaman sa paligid na hindi pamilyar sa akin. "Nandito na pala kayo Castor. Akala ko ay gagabihin kayo." Napalingon ako sa nagsalita. Isang may edad na babae ang kalalabas lang ng malaking bahay. Nakasuot sya ng scrub suit. Kulay blue ang pants at bulaklakin naman ang pang itaas. "Malou kamusta!" Magiliw na bati ni Mang Castor sa may edad na babaeng kasambahay. Ngumiti sya kay Mang Castor pero ang mata ay nasa akin. Tipid naman akong ngumiti. "Heto mabuti naman. Teka, ito na ba ang inaanak ni Sir Mannox? Akala ko ba bata? Eh dalaga na ito ah! Magandang dalaga." Sambit ng may edad na babae na ang mga mata ay tila scanner na sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Oo sya nga! Aba'y dalaga na talaga yan dahil desi otso na." Bumaling sa akin si Mang Castor. "Cassandra, sya si Malou ang nag iisang natirang kasambahay dahil na-evict na ang mga kasama nya." Pagpapakilala ni Mang Castor sa akin. "Hello po Manang Malou. Ako po si Cassandra." Pagpapakila ko kasambahay. Ngumiwi naman ang kasambahay at sumimangot. "Manang ka dyan! Ate Malou ang itawag mo sa akin hindi manang." Pagtataray nya sabay irap sa akin. Ngumiwi naman ako. "Sorry po Ate Malou." "Nag inarte ka pa Malou eh manang naman talaga ang dapat na itawag sayo." Banat ni Mang Castor. "Kuh! Ikaw talaga Pekto. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita iinisin mo pa ako." Umirap din si Ate Malou kay Mang Castor. "Joke lang! Ito naman masyadong seryoso. Basta huwag mong susungitan si Cassandra. Mamaya isumbong ka nyan kay senyorito. Paboritong inaanak nya yan." "Hindi ko naman sya sinusungitan no. Basta huwag nya akong tawaging manang dahil malakas makatanda. Ate lang." Ngumiti na sa akin si Ate Malou. Mukha naman syang mabait pero halata ring mataray. Siguro naman ay makakasundo ko sya. Pinagtulungan na naming binaba ni Mang Castor ang mga gamit ko at pinasok na sa loob ng malaking bahay. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD