Cassandra POV
KUNG namangha ako sa labas ng bahay ay mas namangha ako sa loob. Sa marmol na sahig pa lang na sobrang kintab ay pwede ng magsalamin. Nakikita ko nga nag reflection ko. Sa mataas na kisame naman ay may nakasabit na malaki at modernong chandelier. Meron ding malaking hagdan paakyat sa second floor.
'Ang laki ng bahay ni Ninong Mannox at sobrang ganda! Ganitong bahay ang pangarap ko para sa amin ni tatay.'
Hindi man ito kasing laki ng mansion sa probinsya ay sobrang ganda naman nito at napaka moderno. Halatang milyones ang halaga ng binili.
"Sa bandang kaliwa sa pangalawang pinto ang kwarto ni Cassandra."
Bumalik ang atensyon ko kay Ate Malou at Mang Castor na pinagtutulungan ng iakyat ang dalawang maleta ko sa ikalawang palapag. Sumunod naman ako sa pag akyat bitbit ang bagpack. Ang duffel bag ko ay si Ate Malou ang may bitbit. Pagala gala ang mata ko sa paligid habang paakyat sa grandiyosong hagdan.
Pagpasok namin sa kwartong nakalaan sa akin ay namangha din ako. Malaki ang magiging kwarto ko at malamig. Halos kalahati ng laki nito ang bahay namin sa probinsya. Malaki ang queen size bed na kulay puti ang sapin at mga punda. Malambot din ang sahig dahil nasasapinan ng kulay gray na carpet.
"Ito ang magiging kwarto mo Cassandra. May sarili itong banyo at meron ding closet. May balcony din doon." Tinuro ni Ate Malou ang nakasaradong makapal na kurtina.
Tumango tango naman ako habang nililibot ang paningin sa paligid. First time kong matulog sa ganito kagandang kwarto na may aircon. First time kong mahihiga sa malaki at malambot na kama.
"Ang ganda ng kwarto mo Cassandra. Buhay prinsesa ka dito." Wika naman ni Mang Castor.
Binaba ko ang bagpack sa single na sofa pati na rin ang bodybag. Kinuha ko lang ang cellphone para matawagan si tatay at sabihing narito na ako sa Manila.
"Mamaya ka na magpahinga Cassandra. Kumain ka muna, kayong dalawa ni Castor. Kabilin bilinan ni Ser Mannox na pakainin kayo pagdating nyo kaya naghanda ako ng makakain."
"Yown! Mabuti naman at makakakain muna ako bago ako lumarga. Medyo gutom na nga rin ako." Sambit ni Mang Castor habang palabas kami ng kwarto.
"Aba'y saan ka naman lalarga Castor at di ka muna rito magpahinga."
"May inuutos sa akin si Donya Silvina. Pupunta ako sa pinsan nya sa Taguig. Baka doon na rin ako magpalipas ng gabi bago bumalik ng Aurora."
"Ganun ba. Eh kamusta naman ang mama ni Ser Mannox?"
"Maayos naman, medyo sinusumpong lang ng kasungitan minsan ang donya. Pero normal lang naman yun sa matandang may sakit."
"Kunsabagay.."
Tumikhim ako. "Ate Malou, kelan po uuwi si Ninong Mannox?" Singit ko sa usapan nila ni Mang Castor habang pababa kami ng hagdan.
"Mamayang alas sais uuwi din sya. Pero kung nag o-overtime sya mga alas syete ang uwi nya."
Tumango tango ako. Excited na akong makita si ninong at personal na makapag pasalamat.
Sa malawak at eleganteng komedor ay doon namin pinagsaluhan ni Mang Castor ang hinandang pagkain ni Ate Malou. Lasagna, strawberry cake at fresh mango juice. May pizza pa at ice cream. Busog kami ni Mang Castor. Nagkukwentuhan si Ate Malou at Mang Castor. Mag isa na lang palang kasambahay si Ate Malou dahil magkasunod na pinalayas ang dalawang kasama nya ng asawa ni Ninong Mannox. Pumalpak daw kasi sa mga iniutos. Sa ngayon ay ayaw daw ng asawa ni Ninong Mannox na magdagdag ng kasambahay.
"Bukas ito-tour kita sa buong bahay pati sa labas. Sa ngayon magpahinga ka muna." Ani Ate Malou habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin ni Mang Castor.
Si Mang Castor ay umalis na para puntahan ang pinsan ni Donya Silvina. Nagpasalamat naman ako sa kanya sa paghatid sa akin.
"Ano palang kurso ang kukunin mo sa kolehiyo?" Tanong ni Ate Malou. Gaya ni Mang Castor ay may pagkamadaldal din sya at napapalagay na ang loob ko sa kanya.
"Entrepreneurship ate. Gusto ko kasing magtayo ng sariling negosyo balang araw." Sabi ko.
"Hmm maganda yan. Marami ring magagandang university dito sa Manila. Mahal nga lang ang tuition fee. Pero hindi mo naman poproblemahin yun dahil si Ser Mannox naman ang bahala sa lahat."
Ngumiti ako kay Ate Malou. "Kaya nga po gusto ko ng makita si ninong para personal na magpasalamat."
Ngumiti lang si Ate Malou at hindi na umimik pero nakatingin sya sa akin. Gumagala ang mata nya sa kabuuan ko. Medyo nailang ako dahil parang sinusuri nya kung may mali sa akin.
"Ang ganda mo neng. Sana huwag kang kainisan ni Ma'am Veronica." Aniya habang nagpupunas ng kamay.
Natigilan ako ng banggitin nya ang pangalan ng asawa ni Ninong Mannox.
"Bakit naman po ako kaiinisan ng asawa ni ninong ate?"
"Dahil maganda ka. Galit yun sa magaganda. Gusto kasi ni ma'am sya lang ang maganda."
Mahina akong tumawa. "Parang ang oa naman ng asawa ni ninong."
"Hindi parang, oa talaga yun. Praning at sobrang selosa pa."
"Talaga?"
Tumango sya. "Masasaksihan mo rin ang pagkapraning at selosa nun."
Mukhang magiging challenging ang pakikisama ko sa asawa ni Ninong Mannox. Naku sana naman di ako mahirapan.
"Teka, desi otso ka lang ba talaga?" Tanong pa ni Ate Malou sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Tumawa ako. "Oo naman ate! Ipakita ko pa sayo birth certificate ko."
"Dalagang dalaga ka na kasing tingnan. Tapos hinog na hinog pa ang katawan mo. Totoo ba yang boobs mo at puwet?"
Nagulat ako sa sumunod nyang tanong dahil ang katawan ko naman ang napansin nya. Kahit sa probinsya namin ay marami ring pumapansin sa katawan ko. Malusog ang dibdib ko na tayong tayo at bilugan ang aking puwitan. Lagi nga akong trip ng mga manyak don. Di lang talaga nila ako magalaw dahil takot kay Tito Ferdie.
"Oo naman ate tunay na tunay to."
Tumaas ang kilay nya. "Hindi gawa?"
Tumawa ako. "Hindi no! Saka mahirap lang kami, wala nga akong pampaaral pampagawa pa kaya ng katawan."
"Kunsabagay.. Sadyang maswerte ka lang dahil naambunan ka ng natural na ganda at katawan at hindi galing sa syensya. Siguradong magiging habulin ka ng mga lalaki sa school mo. Teka, may boyfriend ka na ba?"
"Uh.. dati, pero hiwalay na kami."
"Ay, bakit kayo naghiwalay -- " Naputol ang sasabihin ni Ate Malou ng makarinig kami ng ingay at sigawan. Natinginan kaming dalawa.
"You're so paranoid Veronica. Nakakahiya sa mga investor! Lalo na kay Mrs. Robinson!"
"Nakakahiya? Ako pa ngayon ang nakakahiya! Hindi ba dapat ang babaeng yun ang mahiya dahil nilalandi ka nya eh may asawa na sya!"
"Hindi nya ako nilalandi Veronica! Nag uusap lang kami ni Mrs. Robinson. Kung ano ano na naman kasing kapraningan ang pumapasok sa isip mo!"
"Hindi ako praning! Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari kung hindi ako dumating! Malamang maglalandian kayo sa conference room! I know you Mannox!"
"God you're really impossible Veronica! Paano kami maglalandian doon eh marami kaming kasama at kasama pa ang asawa nya! Ngayon, dahil sa ginawa pong pageeskandalo malamang umatras na sila!"
"Eh di umatras sila! Mainam nga yun para hindi ka na malandi ng babaeng haliparot na yun!"
Nagpalitan pa ng sigawan ang dalawang boses. Walang gustong magpatalo.
"Naku, nag away na naman sila." Sambit ni Ate Malou at lumabas ng kusina. Sumunod naman ako sa kanya.
Muling pagkikita namin ni ninong nag aaway sila ng asawa nya.
Sa mawalak na living area namin nakita ni Ate Malou ang mag asawang nag sisigawan pa rin. Una kaming napansin ng babaeng maganda na galit na galit ang mukha. Tumuon ang tingin nya sa akin.
"Who the hell are you?" Pasigaw na tanong nya at tinuro ako.
Napalunok naman ako at napatingin kay Ate Malou na bahagyang nataranta. Doon na lumingon ang malaking lalaki na matikas ang pagkakatayo. Si Ninong Mannox. Titig na titig sya sa akin. Ganun din ako sa kanya.
"Cassandra?"
*****