Cassandra POV
"CASSANDRA? Bagong babae mo?" Akusa ng asawa ni Ninong Mannox na aking ikinasinghap.
"Shut your mouth Veronica! She is Cassandra, inaanak ko." Sita ni Ninong Mannox sa asawa na natameme at umirap.
Lumapit naman sa akin si Ninong Mannox. Di ko naman magawang alisin ang mata sa kanya.
Shet! Si Ninong Mannox ba to?
Oo sya nga! Kahit siyam na taon na ang lumipas ng huli ko syang makita ay natatandaan ko pa ang mukha nya. Ganun na ganun pa rin at parang walang pinagbago. Ang gwapo ni Ninong Mannox at ang macho pa! Para syang model na nakikita ko sa social media. Kabaliktaran sa naiisip ko noon na matanda na sya at malaki ang tiyan. Ang hot naman ng ninong ko. Nakakawet!
Kinagat ko ang loob ng labi kasabay ng pagpintig ng gitna ko.
's**t Cassandra! Ikalma mo ang puday mo ninong mo yan at kabe-break mo pa lang sa ex boyfriend mo.'
"Cassandra." Sambit ni Ninong Mannox sa pangalan ko sa swabeng boses.
Tumikhim ako at ngumiti. "Kamusta po ninong." Kinuha ko ang kamay nya at nagmano.
Ngumisi naman sya at bahagyang ginulo ang buhok ko gaya ng ginawa nya noong bata pa ako. Napasimangot naman ako.
"Dalagang dalaga ka na ah! Ginulat mo ko."
Ngumuso ako. "Dalaga na nga po ako ninong kaya huwag nyo ng guluhin ang buhok ko."
Tumawa naman sya at namaywang.
Pasimple ko uling pinasadahan ng tingin si Ninong Mannox. Nakasuot sya ng puting long sleeve polo na nakataas sa siko ang dalawang manggas at bukas ang ilang butones sa dibdib kaya nasisilip ko ang malapad nyang dibdib. Naaamoy ko rin ang gamit nyang pabango. Lalaking lalaki.
Tumikhim ang asawa ni Ninong Mannox at lumapit sa amin. Mataray ang bukas ng kanyang mukha at wala syang kangiti ngiti.
"Ako si Veronica ang asawa ng Ninong Mannox mo." Nakataas ang kilay na sabi ng asawa ni ninong at hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Kamusta po ninang. Ako po si Cassandra."
Ngumisi sya. Pero ang ngisi nya ay sarkastiko. "Huwag mo kong tawaging ninang dahil hindi naman kita inaanak. Inaanak ka lang ng asawa ko. Call me tita."
Tipid akong ngumiti. Napahiya ako sa sinabi nya. "Sige po Tita Veronica.."
"Anyway how old are you? Akala ko ay bata pa ang inaanak ni Mannox."
"Uh, eighteen years old po tita."
Lalo pang tumaas ang isa nyang kilay at nanunuring tiningnan ako. Bandang huli ay ngumiti sya. Pero ang ngiti nya ay halatang peke.
"Okay! Welcome to our home Cassandra. I'll talk to you na lang sa ibang araw para i-briefing ka sa mga dapat mong gawin dito sa bahay. You will help Malou sa mga gawaing bahay."
"What? Anong tutulong si Cassandra sa mga gawaing bahay?" Kunot noong tanong ni Ninong Mannox kay Tita Veronica.
"Tutulong. In-short magiging katulong sya kapalit ng pagpapaaral natin sa kanya." Nakataas ang kilay na paliwanag ni Tita Veronica.
Umawang naman ang labi ko.
"Anong katulong? Hindi magiging katulong o kasambahay si Cassandra. Wala sa usapan namin ng tatay nya na magiging kasambahay sya kapalit ng pagpapaaral ko sa kanya."
"Don't tell me, libre ang pag aaral nya?"
"Of course! Inaanak ko sya at sagot ko ang pag aaral nya at lahat ng expenses nya."
Kumagat labi ako at bahagyang yumuko. Nakaramdam ako ng tuwa sa pagdedepensa sa akin ni Ninong Mannox. Pero nahihiya din ako dahil nagtatalo na naman silang mag asawa dahil naman sa akin.
"Huh! Anong tingin mo sa atin charity? Magpapaaral ka ng libre? Wala ng libre sa panahon ngayon Mannox!"
"Shut up Veronica! Pera ko ang gagamitin ko sa pampaaral ni Cassandra. Huwag kang mag alala hindi naman yun makakabawas sa allowance mo."
Umikot ang mata ni Tita Veronica at umismid. "Bahala ka na nga! Huwag nyo na akong tawagin para sa hapunan matutulog na ako." Himutok nya at nagmartsa paakyat sa hagdan. Tumutunog ang mataas na takong ng kanyang sapatos sa bawat hakbang nya.
Bumuntong hininga ako ng wala na sa paningin namin si Tita Veronica.
"I'm sorry Cassandra. Nasaksihan mo pa ang pagtatalo namin ng Tita Veronica. Pasensya na rin sa inasal nya." Hinging paumanhin ni Ninong Mannox na halatang stress kay Tita Veronica.
"Ayos lang po ninong. Actually wala naman pong problema sa akin ang sinabi ni Tita Veronica. Willing naman po akong maging kasambahay bilang kapalit ng pagpapaaral nyo sa akin -- "
"No. Hindi ka magiging kasambahay." Mariin nyang sabi at matiim akong tiningnan.
Kinagat ko naman ang ibabang labi at nagbaba ng tingin. Hindi ko matagalan ang tingin nya. Pakiramdam ko ay nababasa nya ang nasa isip ko. Baka malaman pa nyang crush ko sya. Oo crush ko na si ninong. Normal lang naman sigurong magka-crush sa kanya dahil ubod sya ng gwapo. Ang swerte ni Tita Veronica.
"Anyway kumain ka na ba? Malou, napakain mo na ba si Cassandra?" Baling ni Ninong Mannox kay Ate Malou.
"Opo ser, napakain ko na po si Cassandra at si Castor." Sagot ni Ate Malou.
"Si Castor?"
"Ay umalis na po ser, pagkakain. Pupunta raw po ng Taguig sa pinsan ng mama nyo."
Marahang tumango si Ninong Mannox. "I see.. Pinakita mo na ba kay Cassandra ang kwarto nya? Ang mga gamit nya?"
"Nakita na po nya ang kwarto nya. Nasa kwarto na rin po ang mga gamit nya."
"Good." Sa akin naman bumaling si Ninong Mannox. "I know you are tired Cassandra dahil sa haba ng byahe nyo ni Castor. Magpahinga ka muna. Bukas ng umaga na lang tayo mag usap."
Ngumiti ako. "Sige po ninong."
"Malou, dalhan mo ko ng kape sa study room." Utos nya kay Ate Malou.
"Sige po ser." Tumalikod na si Ate Malou at pumunta ng kusina para ipagtimpla ng kape si Ninong Mannox.
Nag excuse naman sa akin si ninong at tumalikod na rin. Ako naman ay humakbang na paakyat ng hagdan para pumunta sa kwarto ko.
Sumandal ako sa pinto pagpasok ko ng kwarto at bumuntong hininga. Sari sari ang nararamdaman ko. Malungkot, excited, pag aalala at masaya. Malungkot dahil miss ko na si tatay. Matagal kaming hindi magkikita. Excited dahil mag aaral na ako ulit. Pag aalala dahil iba ang ugali ng asawa ni Ninong Mannox. At masaya dahil nandito na ako sa Manila at nakita ko na si Ninong Mannox na saksakan pa rin ng gwapo at macho pa. Ang alam ko ay magfo-fourty na sya pero mukhang bata pa rin at yummy.
Shet! Ang laki ng katawan ni Ninong Mannox. Ang lapad ng dibdib nya at malalaki ang braso. Kahit di ko pa nakikita ay alam kong may abs sya. Halatang alaga sya sa work out. Pantasya ko ang mga ganoong lalaki at akala ko hindi ako makakatagpo ng lalaking ganun at sa social media ko lang sila makikita. Yun pala dito ko lang sa Manila makikita at ninong ko pa.
Kumagat labi ako ng muli na namang tumibok ang gitna ko. Iba talaga ang tama sa akin ni Ninong Mannox.
Pumikit ako ng mariin at ipinilig ang ulo.
'Magtigil ka Cassandra. Tama na yung crush mo ang ninong mo pero huwag mo na syang pagnasaan dahil bukod sa ninong mo sya ay may asawa pa sya.'
Humugot ako ng malalim na hininga at dumilat. Nilapitan ko ang bag pack at kinuha. Dinala ko yun sa kama at umupo ako roon. Tama nga ako malambot na malambot ang kama at para na akong lulubog.
Bigla kong naalala na tatawagan ko pala si tatay.
Dinampot ko ang cellphone na nilapag ko sa kama at binuhay. Dinial ko ang number ni tatay. Isang ring lang ay sumagot na sya agad. Halatang miss na miss na ako. Sinabi ko sa kanya nandito na ako sa Manila. Gusto kong magvideo call para makita ang mukha nya pero de-keypad lang ang cellphone nya. Kapag nagkapera ako bibilhan ko sya ng touchscreen na cellphone at gagawan ng epbi account para makapag video call kami. Si Lalay na lang ang vinideo call ko at sumagot naman agad sya. Pumunta sya sa bahay namin para makita ako ni tatay.
Tuwang tuwa si tatay ng makita ako pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mukha. Pinakita ko sa kanila ang kwarto ko. Manghang mangha sila ni Lalay. Buhay prinsesa na raw ako rito. Hinanap ni tatay si Ninong Mannox. Ang sabi ko ay nasa study room at may ginagawa. Pero next time o siguro bukas ay ipapakausap ko sa kanya si ninong.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni tatay ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nilabas ko ang mga damit ko sa maleta at maayos na nilagay sa closet. Habang nag aayos ako ay sumagi sa isip ko si Tita Veronica. Iba ang ugali nya. Nag aalala ako na baka di kami magkasundo. Unang dating ko pa nga lang ay nagtalo na agad sila ni Ninong Mannox dahil sa akin. Huwag na sanang masundan yun. Gusto kong maging maayos ang paninirahan ko rito.
Naalala si Donya Silvina at ang hinihingi nyang pabor sa akin. Ayaw nya kay Tita Veronica para kay Ninong Mannox dahil pakiramdam nya ay niloloko lang nito si ninong. Pero base sa pagtatalo ng mag asawa kanina ay inaakusahan ni Tita Veronica si Ninong Mannox na nakikipaglandian pero tinatanggi naman yun ni ninong. Ang sabi naman ni Mang Castor at Ate Malou ay selosa at praning si Tita Veronica na mukhang totoo nga.
*****