Cassandra POV
"GOOD morning po ninong." Bati ko kay Ninong Mannox na natigilan sa paghigop ng kape. Nagtaas sya ng tingin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod nya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Nakasuot ako ng maiksing maong na short na litaw na litaw ang mapuputi at bilugan kong mga hita. T-shirt na dilaw naman na may cartoon character ang pang itaas ko.
Tumikhim si Ninong Mannox at nilapag sa saucer ang tasa ng kape.
"Good morning Cassandra. Ang aga mong nagising." Nakangising bati nya sa akin at minuwestra ang upuan na nasa bandang kanan nya sa kanyang tabi.
"Tinanghali na nga po ako eh. Late na po kasi akong nakatulog dahil medyo namamahay po ako." Sabi ko at umupo na sa upuan sa kanyang tabi. Nakapang opisina na sya at mukhang papasok na. Bagong ligo at mabangong mabango. Parang nakakahiyang dumikit.
"Ganun ba. Masasanay ka rin. Kamusta naman ang kwarto mo? Nagustuhan mo ba?"
"Opo ninong. Ang laki ng kwarto ko. Halos kalahati na yun ng bahay namin saka ang lamig lamig pa dahil may aircon."
"I'm glad you like it." Muli nyang dinampot ang tasa at humigop.
Pumasok naman sa komedor si Ate Malou na may dalang almusal ni Ninong Mannox. Binati ko sya ay nginitian naman nya ako.
"Malou, ipaghanda mo na rin ng almusal si Cassandra." Utos ni ninong.
"Opo ser." Bumalik na sa kusina si Ate Malou.
"Si Tita Veronica po ninong? Hindi po sya sasabay sa inyong mag almusal?"
"Nah, hindi nagaalmusal yun dahil takot masira ang figure. Tayong dalawa na lang ang sabay na mag almusal."
Tumango ako at ngumiti. Kinagat ko ang loob ng labi sa kilig dahil sabay kaming mag aalmusal.
Pagkahain ni Ate Malou ng almusal ko sinabayan ko ng kumain si Ninong Mannox. Natuwa pa sya dahil ang lakas ko daw kumain. Ako naman ay nahiya dahil baka iniisip nya matakaw ako.
"Anyway, dala mo na ba ang mga papers mo?" Tanong ni Ninong Mannox pagkatapos naming kumain.
"Opo ninong. Kumpleto po yun." Sagot ko at humigop ng kapeng may cream.
"Okay, ibigay mo sa akin at iaabot ko yun sa abogado ko para i-enroll ka sa university.
Bumangon ang excitement sa dibdib ko. "Hindi po ako kasama ninong?"
"Hindi na, ang abogado ko na ang bahala. Once na na-enroll ka na sasamahan na lang kitang makita ang school mo then bibili tayo ng mga gamit mo.
Lalo akong na-excite sa sinabi ni Ninong Mannox. Mas gusto ko yun. Sya ang sasama sa akin para makita ko ang magiging school ko at sasamahan pa nya akong bumili ng gamit.
"Sige po ninong, excuse me po. Kukunin ko lang ang mga papers ko." Dali dali akong lumabas ng komedor at umakyat sa kwarto ko para kunin ang mga papers ko.
--
Panay ang selfie ko at kuha ng pictures sa iba't ibang bahagi ng malaking bahay ni Ninong Mannox. Ngayon naman ay nandito ako sa lanai. Katatapos lang akong i-tour ni Ate Malou sa buong bahay pati sa labas. Mas maganda ang bahay sa araw. Para itong kumikining sa ganda. May swimming pool, may garden, lanai at gazebo. Pero ang pinakagusto ko ay swimming pool. Excited na nga akong lumangoy. Siguro naman ay pwede akong lumangoy. Magpapaalam lang ako kay Ninong Mannox.
Speaking of Ninong Mannox, pumasok na sya sa opisina dala ang mga papers ko. Nangako sya sa free schedule nya ay ipapasyal nya ako sa buong Manila at sobrang excited na ako.
Tiningnan ko isa isa ang mga pictures at selfies na kuha ko. Ia-upload ko ang mga ito sa social media ko.
"You're here pala."
Natigilan ako ng marinig ang boses ni Tita Veronica. Lumingon ako at nakita ko syang nakahalukipkip habang mataray ang bukas ng mukha. Nakarobe sya ng makintab at nakamessy bun ang buhok. Halatang bagong gising.
"Good morning po Tita Veronica." Bati ko at humarap sa kanya.
"Kamusta ang pagiikot mo sa bahay namin ng ninong mo? Nagustuhan mo ba?"
"Ah opo tita. Ang ganda po ng bahay nyo. Malaki at mamahalin." Sabi ko.
Mapakla syang ngumiti. "Mahal talaga ito. Mahigit kalahating bilyon ang bili dito ni Mannox. Binili nya itong bahay para iregalo sa akin."
Umawang ang labi ko sa pagkamangha. Ang bigtime mag regalo ni Ninong Mannox. House and lot na nagkakahalagang mahigit kalahating milyon. Sobrang yaman nya.
"Ang swerte nyo naman po tita."
Ngumisi sya at humakbang pa palapit sa akin. "Talagang maswerte ako at hindi ko hahayaang mawala sa akin ang swerteng yun. In short hindi ko hahayaang mawala sa akin ang ninong mo dahil pinaghirapan ko syang makuha."
Ngumiti ako sa sinabi ni Tita Veronica. Pero parang may kaunting pait akong naramdaman sa puso ko. Mukhang mahal na mahal nya si Ninong Mannox. Kunsabagay hindi naman sya mapapraning o magseselos kung hindi.
"Mahal na mahal nyo po talaga si ninong." Sambit ko.
"Oo naman. At akin lang sya." Mariing sabi nya at matiim ang tingin sa akin na parang binabasa nya ang nasa isip ko.
Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay pinapatamaan nya ako. Nahalata kaya nya na may crush ako kay Ninong Mannox. Lumunok ako at nagbaba ng tingin.
"Matagal na kayong hindi nagkita ng Ninong Mannox mo, right?"
Nag angat ako ng tingin. "Opo tita, nine years na po."
"Matagal na pala pero parang close na close kayo kung mag usap. Lalo ka na, palagay na palagay ang loob mo kung kausapin sya."
Lumunok ako. May tonong pangaakusa ang sinabi nya.
"A-Ang tatay ko po at si Ninong Mannox ang close. Dahil nagtrabaho po si tatay dati sa hacienda bago magkasakit. Katiwala po sya doon. K-Kaya kami po ni ninong parang naging close na rin." Sabi ko na lang.
"Mmm I see.." Marahan syang tumango habang mataman pa ring nakatingin sa akin. "Cassandra right?"
"Opo tita."
Sumeryoso ang kanyang mukha at bahagyang nanalim ang mata. "You know what? May karapatan ako na hindi ka patirahin dito sa bahay dahil kung tutuusin bahay ko ito. Niregalo sa akin ni Mannox, ng ninong mo. Pero dahil nga inaanak ka nya at concern sya sayo kaya hahayaan na lang kitang tumira dito para hindi na rin kami magtalo."
Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti kahit mabigat ang dibdib ko. "Naiintindihan ko po Tita Veronica. Huwag din po kayong mag alala, tutulong din po ako sa mga gawaing bahay. Tutulungan ko po si Ate Malou."
"Good. Mabuti naman at ikaw na ang nagsabi nyan. Sobrang swerte mo naman kung walang kapalit ang pagpapaaral sayo ng asawa ko."
Hindi na ako umimik at ngumiti na lang. Gusto ko pa sanang sumabat pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong sumagot ng pabalang dahil asawa sya ni Ninong Mannox. Baka magalit sa akin si ninong.
"At isa pa nga pala Cassandra.."
"Ano po yun tita?"
Ngumiti sya. Ngiting nagbabanta.
"Mabait ako sa mabait sa akin pero masama akong kaaway. Hahayaan kitang tumira dito sa bahay pero dapat alam mo kung paano mo ilulugar ang sarili mo. In short, huwag kang eepal. Ayoko ng epal, pakialamera at sawsawera. Kung gusto mong magtagal dito sa bahay tatandaan mo yang mga sinabi ko. Naiintindihan mo?"
Muli akong lumunok at tumango. "N-Naiintindihan ko po tita." Nauutal na sabi ko.
"Good girl. Mabuti naman at hindi ka tanga." Ngumiti sya sabay talikod at ikot ng mata. Pumasok na sya sa loob ng bahay.
Bumuga ako ng marahas na hininga at di ko na pinigilang umikot ang mata. Tama nga si Mang Castor at Ate Malou. Maldita si Tita Veronica. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan sya. Gayunpaman at kailangan ko pa ring pakisamahan sya dahil nakikitira lang ako dito. Kailangan ko ring pigilan ang sarili na hindi sya patulan.
Hays.. wala bang balak magpalit ng asawa si Ninong Mannox? Parang hindi sila bagay ni Tita Veronica.
Bumuntong hininga ako at pumasok na rin sa loob ng bahay para tulungan si Ate Malou sa mga gawain nya. Kawawa naman sya dahil mag isa lang syang gumagawa.
"Hindi mo na ako kailangan tulungan Cassandra. Kayang kaya ko na to." Ani Ate Malou habang tinutulungan ko syang magbanlaw. Mga basahan lang naman ang mga nilalabhan nya. Ang mga damit kasi Ninong Mannox at Tita Veronica ay pinapalaundry.
"Ayos lang ate, wala rin naman akong ginagawa." Sabi ko at piniga ang hawak na basahan.
"Kuh! Bahala ka na nga." Sambit ni Ate Malou habang iniiskoba ang makapal na basahan. Winashing na yun pero iniiskoba pa nya.
Mataman kong tinitingnan si Ate Malou. Matagal na syang kasambahay ni Ninong Mannox dito sa Manila binata pa lang ito. Saksi sya sa pag aasawa nito. Kaya kilala na nya ang ugali ni ninong. Ganun din ang ugali ni Tita Veronica.
Speaking of Tita Veronica, mabuti na lang at umalis na sya. Parang ang bigat kasi ng paligid kapag nandito sya. Bihis na bihis sya kanina na halos kita ang buong kaluluwa. Naka pula syang dress na sobrang baba ng neckline at kita na ang pagitan ng mga s**o. Tapos sobrang taas pa ng slit na halos kita na ang singit. Mabuti at ayos lang kay ninong ang ganun nyang bihis. Karaniwan kasi sa nakikita kong asawang lalaki ay nagagalit kapag sexy ang suot ng asawa. Pero siguro sanay na si Ninong Mannox dahil model si Tita Veronica. May photoshoot nga daw sya eh. Yun ang sabi nya kay Ate Malou kanina.
"Ang swerte pala ni Tita Veronica no Ate Malou." Wika ko habang iiniskoba din ang isang makapal na basahan.
"Oo naman! Swerte talaga sya kay Ser Mannox. Ang yaman yaman ni ser tapos sunod lahat ng luho nya. Yun nga lang mukhang si ser ang hindi lang swerte sa kanya." Naiiling na sabi ni Ate Malou. Sang ayon naman ako sa kanya.
"Biruin mo niregaluhan sya ni ninong ng ganito kalaki at kagandang bahay na nagkakahalagang mahigit kalahating bilyon. Sana ol."
Kunot noong tumingin sa akin si Ate Malou. "Niregaluhan ni ser si Ma'am Veronica ng bahay? Kelan? Parang di ko yata alam yan. Ikaw pa ang unang nakaalam."
Kumunot rin ang noo ko at naguluhan sa sinabi nya. "Itong bahay. Niregalo ni ninong kay Tita Veronica."
Natawa si Ate Malou. "Anong niregalo? Saan mo naman nakuha ang balitang niregalo ni Ser Mannox itong bahay kay Ma'am Veronica?"
Natigilan ako sa pagiiskoba. "Kay Tita Veronica.. yun ang sabi nya kanina nung kinausap nya ako. Binili daw ni ninong itong bahay para sa kanya."
"Tsk! Nagpaniwala ka naman kay ma'am. Matagal ng binili ni ser ang bahay na ito binata pa lang sya. Siguro mga sampung taon na di pa nya nakikila nun si Ma'am Veronica. Sus! Limang taon na akong kasambahay dito kaya alam ko. Saka si Ma'am Veronica at ser tatlong taon pa lang kasal. Noong unang inuwi nga dito ni ser si Ma'am Veronica nagulat na lang ako kasal na. Tapos sasabihin nya binili ni ser tong bahay para sa kanya. Kuh! Nang e-echos lang yun. Huwag kang maniwala."
Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi ni Ate Malou. Ine-echos lang pala ako ni Tita Veronica. Sa madaling salita nagsinungaling sya sa akin.
*****