Chapter 11

1210 Words
Cassandra POV NAI-ENROLL na ako ng abogado ni Ninong Mannox sa isang kilalang private university. Dinala na nya ako doon at tinour. Pinakilala na rin nya ako sa mga professor doon. Kilalang kilala sya ng mga professor dahil doon rin pala sya nagcollege. Noong hindi pa nya ako pinakilalang inaanak nya at magiging estudyante doon ay napagkamalan ako ng mga itong bagong girlfriend nya. Nakakahiya nga sa kanya pero kinikilig ako. Pero syempre hanggang kilig na lang ako at pantasya sa kanya. Tumingin ako sa pintong nakasara ng kumatok. "Let's go Cassandra." Si Ninong Mannox pala. "Opo ninong, lalabas na!" Dinampot ko sa kama ang maliit kong shoulder bag at nilagay doon ang cellphone at wallet. Sinara ko yun at sinukbit sa balikat. Tinungo ko ang pinto at binuksan. Bumungad sa akin si Ninong Mannox na nakatagilid at inaayos ang kanyang silver watch. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan. Naka v-neck shirt sya na ang manggas ay humahakab sa malaking masel nya sa braso. Pantalong maong na navy blue ang pang ibaba nya na humahakab din ang mga masel sa hita at ang sapatos nya naman ay leather brown shoes. Sobrang lakas ng dating nya sa suot nya. Nakakapanlambot ng tuhod at nakakawet. Nag angat ng tingin si Ninong Mannox at tumingin sa akin. Pero hindi naman sya agad nagsalita at pinasadahan din ako ng tingin. Naka crop top shirt ako na itim, high waist jean at sneaker na puti. Bigla akong nag alala na baka di nya gusto ang suot ko. Pero ayos naman ang suot ko ah. Di naman masagwa. Ngunit di nakaligtas sa paningin ko ang pagtuon ng mata nya sa aking dibdib na hakab na hakab sa suot kong crop top shirt na itim. Nag init naman ang mukha ko. Pati katawan ko ay ginapangan din ng init at tumawid pa ito sa aking gitna na tumibok naman. Tumikhim si Ninong Mannox sabay iwas ng tingin. "Let's go. Siguradong bukas na ang mall." Tumalikod na sya at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Kagat labing pinagmamasdan ko ang malapad na likuran ni Ninong Mannox. Gumugulo sa isip ko ang pagtitig nya kanina sa aking boobs. Hindi kaya may pagnanasa din sya sa akin? Ipinilig ko ang ulo. Parang ang feelingera ko naman. May asawa si Ninong Mannox. Isang model. Maganda, sexy at matangkad. Baka na-amaze lang sya sa boobs ko dahil malaki di gaya ng kay Tita Veronica na may kaliitan. "Saan kayo pupunta?" Sabay kaming napalingon ni Ninong Mannox sa taas ng hagdan. Nakita ko si Tita Veronica na bagong gising at naka roba lang. As usual mataray ang bukas ng kanyang mukha. "Sa mall. Sasamahan ko si Cassandra na bumili ng gamit nya sa school." Sagot ni Ninong Mannox. "Ng hindi ka nagpapaalam sa akin?" Nakataas ang kilay na tumingin sa akin si Tita Veronica. Hindi naman ako umimik. "Nagpaalam ako sayo kagabi pa." Mahinahong sabi ni Ninong Mannox. "Parang wala akong narinig." "Paano mong maririnig busy ka sa pakikipag huntuhan sa video call sa mga barkada mo." "Well, I'm sorry. Pinaplano kasi namin ang out of town get together namin. Anyway, bakit ikaw ang sasama sa kanyang bumili? Bakit hindi na lang si Malou?" "Walang maiiwan dito kung si Malou ang ipapasama ko. At isa pa, bagong salta si Cassandra dito sa Manila. Baka mamaya may makasalubong syang loko loko mahirap na. Mainam na yung nag iingat." Hindi na komontra si Tita Veronica pero umikot naman ang kanyang mata. "Gusto mo bang sumama? Hihintayin ka namin makapagbihis." Yaya ni Ninong Mannox. Sa loob loob ko ay huwag na sanang sumama si Tita Veronica dahil siguradong o-okrayin nya lang ko. "No, kayo na lang. I need to complete my beauty rest para sa party na dadaluhan ko mamaya." "Okay. Mas gusto ka bang ipabili?" Ngumiti ng matamis si Tita Veronica. "As usual honey. Alam mo na kung ano ang gusto ko." "Okay. Let's go Cassandra." Muli ng tumalikod si Ninong Mannox. Akmang tatalikod na rin ako ng tawagin ako ni Tita Veronica. Pati si ninong ay natigilan. "Cassandra." "Po? Tita.." Tumaas ang kilay nya. "Bantayan mo ang ninong mo. Baka may mga babaeng lumapit dyan. Sabihin mo sa akin." Umawang ang labi ko. Narinig ko namang marahas na bumuntong hininga si Ninong Mannox. Hindi ako sumagot at marahan na lang na tumango. Nagpaalam na ako kay Tita Veronica at sumunod na kay Ninong Mannox palabas ng bahay. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nasa byahe. Pasimple akong lumilingon kay Ninong Mannox na seryoso ang mukha at nakatuon lang ang tingin sa daan. Ang laki nyang tingan habang prenteng nakaupo sa drivers seat at nagmamaneho. Ang laki ng kamay nyang medyo maugat na nakahawak sa manibela. Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita. Tumuon ang tingin ko sa harapan ng kanyang pantalon. Malaki ang umbok nun. Mukhang daks sya. Gumalaw ang ulo ni Ninong Mannox at lumingon sa akin. Mabilis ko namang iniwas ang tingin at kunwaring may tiningnan sa kabilang kalsada. "Are you ok?" Tanong nya sa malalim at magaspang na boses. Boses pa lang ang sarap na. 'Ikalma mo p***y mo Cassandra. Nakakahiya kasama mo pa ang ninong mo.' Tumingin ako kay Ninong Mannox at ngumiti. "Ayos lang po ako ninong. Medyo naninibago lang sa paligid. First time ko po kasi dito sa Manila. Ganito po pala dito. Halos wala akong makitang puno at puro establishment, buildings at sasakyan. Ang dami ding tao." Ngumisi sya. "Masasanay ka rin. Kapag hindi na puno ang schedule ko ipapasyal kita sa buong Manila. Sa ngayon sa mall muna kita madadala." "Okay lang po ninong. Kung kelan ka po libre." Ngumiti sya at tumango. Ang gwapo talaga nya. Maganda ang mata na malalim kung tumingin. Matangos ang ilong at mamula mula ang manipis na labi. Bagay na bagay din sa kanya ang papatubo nyang balbas at bigote. Mas hot sya lalong tingnan. "Why?" "Po?" Parang tangang tanong ko. Mahina syang tumawa. "Titig na titig ka sa akin. Parang kinakabisado mo ang mukha ko." Nag init ang mukha ko sa kanyang sinabi. Nahuli pa nga nya akong nakatitig sa kanya. "S-Sorry po ninong. Nagagwapuhan lang po kasi ako sa inyo." Kinagat ko ang labi. Shet! Talagang sinabi ko pa yun. Ngumisi sya at tumingin sa akin. "Talaga? Nagagwapuhan ka sa akin?" Nag iinit ang pisnging tumango ako at ngumuso. "Ang totoo po nyan, iniisip ko noon na matanda na ang hitsura nyo at malaki ang tiyan. Nine years ko po kayong di nakita eh. Wala rin kayong social media kaya wala po akong idea kung ano na ang hitsura nyo ngayon." Honest kong sabi. Tumawa ng malakas si Ninong Mannox. Ang sarap ng buhay na buhay nyang tawa sa tenga. Parang wala syang problema. "Kaya pala noong una tayong magkita grabe ang titig mo sa akin." Napakagat labi ako at yumuko. Napansin pala nya yun. Nakakahiya. "Well.. ako rin naman nagulat ng makita kita." Nag angat ako ng tingin sa kanya. Hinahagod nya ako ng tingin at ngumiti sya sa akin. "Hindi ko ine-expect na ang patpatin kong inaanak ay lalaking maganda at sexy pa. Ginulat mo ko. Hanggang ngayon nga ay di pa rin ako makapaniwala na ikaw na nga ang inaanak ko." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Ninong Mannox. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD