Cassandra POV ARAW, linggo at buwan pa ang lumipas ay wala pa ring pagbabagp ang pakikitungo sa akin ni Tita Veronica. Lagi pa ring mainit ang ulo nya sa akin. Simpleng bagay lang galit na galit na sya sa akin. Pero hindi naman ako nagpapatalo. Nilalabanan ko na sya ng sagutan. Pero kapag nasa bahay naman si Ninong Mannox ay hindi nya ako pinapansin at pasimpleng iniirapan lang ako. "What about beach resort? May private beach ang kaibigan ko sa Palawan. Pwede tayo doon." Ani Ninong Mannox sa gitna ng aming hapunan. Nag aaya sya na mag out of town kami ngayong darating na weekend. "Sa Aqua Oasis Resort?" Tanong ni Tita Veronica. "Yes hon, hindi pa tayo nakakapunta doon di ba?" Marahang tumango si Tita Veronica. "Yes hon, at matagal ko ng gustong pumunta don pero lagi ka namang walan

