Cassandra POV "TANGA! Ang tanga tanga mo talaga Malou. Ilang taon ka ng katulong sa bahay na ito tatanga tanga ka pa rin!" "Sorry po talaga ma'am. Hindi ko po sinasadyang mapunit yang damit nyo. Masyado po kasing manipis ang tela eh." Sumilip ako mula sa hamba ng komedor ng marinig ang galit na boses ni Tita Veronica. Mukhang si Ate Malou naman ngayon ang biktima nya. "At talagang sinisisi mo pa ang damit! Hindi ka lang talaga nag iingat boba! Ang mahal mahal ng bili ko sa damit na yan tapos pupunitin mo lang." Galit pang singhal mi Tita Veronica at binato sa mukha ni Ate Malou ang hawak na kulay puting manipis na damit na dadalhin nya yata sa beach. "Sorry po talaga ma'am.." Nakayukong sabi ni Ate Malou. "Wala ng magagawa ang sorry mo gaga! Alam mo ba kung magkano yan ha? Twent

