Cassandra POV "CAREFUL Cassandra." Inalalayan ako ni Ninong Mannox sa pagbaba sa helicopter. Hinawakan nya ako sa kamay at sa balikat. Napreskuhan ako sa simoy ng hangin na galing sa dahat ng maiapak ko na ang paa sa puting buhangin. Sobrang ganda ng paligid. Puting puti ang buhangin na parang pulbos na sa pino at asul na asul pa ang dagat. May dagat din sa probinsya na halos ganito din. Pero ibang klase ang ganda dito. Nawala na rin ang hilo ko. "Sobrang ganda dito ninong." Sambit ko at ginala ang mata sa paligid. May mangilan ngilang mga tao na mukhang guest din ng resort. May mga foreigner pa nga. "I'm glad you like it. Pag aari ng kaibigan ko ang beach resort na ito." "Tss arte!" Dinig kong sambit ni Tita Veronica ng lampasan nya ako. Hindi na lang ako kumibo at tumingin kay

