Cassandra POV "SALAMAT po sa mga pasalubong ma'am. Ang dami po ng mga ito." Wika ng mga kasambahay na tuwang tuwa sa mga bigay ko sa kanilang pasalubong. "Walang anuman po. Para po sa inyo ang mga yan." Sabi ko habang nilalabas pa sa eco bag ang ibang laman. "Hmm ang sarap naman nitong suman. Ibang iba sa suman dito sa Manila." Sambit naman ni Ate Malou na nilalantakan na ang suman. Natawa na lang ako sa kanya. Marami din akong pasalubong sa kanya na puro pagkain. Syempre meron din sila Kuya Gary at Kuya Menacio. "Ate Malou, pakibigay naman ang mga ito kanila Kuya Gary at Kuya Menacio." Inabot ko kay Ate Malou ang dalawang brown paper bag. "O sige." Kinuha yun ni Ate Malou at lumabas ng kusina para iabot ang mga yun sa dalawang tauhan. "May hapunan na ba?" Tanong ni Mannox na pu

