Third POV NAMILOG ang mata ni Greta ng makita ang mukha ni Ted na puro pasa. Putok din ang labi nito. Sinarado nya ang pinto ng bahay nito at lumapit dito. "Ted, anong nangyari sayo? Bakit ka puro pasa? Sinong bumugbog sayo?" Umupo sya sa tabi nito at kinuha ang hawak nitong compress at sya ang dumampi noon sa mukha nito. Napaigik naman si Ted sa pagdampi ng cold compress ni Greta sa kanyang mukha. "Aray! Dahan dahan naman Greta." Inis na sabi nya. "Sorry, ito na dadahan dahanin ko na. Ano ba kasing nangyari sayo? Lasing ka ba kagabi at may nakahamunan ka ng away?" "Hindi ako lasing kagabi. May tarantado lang na humarang sa akin sa daan habang papauwi ako galing sa pabrika." Tumiim bagang si Ted ng maalala ang matangkad na lalaki na may malaking katawan. Hindi nya ito kilala pero

