The night went deeper at parang babago pa lang nag-uumpisa ang kasiyahan. Everyone is enjoying themselves while talking at each other. Sina Penelope at Timothy ay tila wala ring kapaguran na iniistima ang kanilang mga bisita, while their parents are busy talking with their business associates.
“I need to go to the restroom,” pasimpleng bulong niya sa katabing lalaki ng makalayo sila sandali sa ilang mga bisita na bumati sa kanila.
“Go ahead. Ako na ang bahala rito,” tugon ng binata.
Mabilis naman s’yang kumilos at iniwan na ito doon. Pagdating sa loob ng banyo ay sumandal s’ya sandali sa may pintuan at ilang beses na nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Pakiramdam niya kasi nauubusan ng hangin ang dibdib niya sa dami ng taong bumabati sa kanila kanina.
Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay naghugas siya ng mga kamay. Habang ginagawa iyon ay napatingin siya sa suot niyang singsing. Bahagya pa niya iyong itinaas at pinakatitigan.
She knew that the ring was a rare type. Emerald is distinguished to be green in color, but the one she’s wearing has a hue of black. And it’s like forming a star at the whole green color. Hindi siya ang tipo na mahilig sa magagarbong bagay, but her ring is exceptional. It gives warmth on her heart.
At habang tinititigan niya iyon ay napapangiti s’ya. Para bang nakikini-kinita pa niya si Timothy habang isinusuot iyon sa kanya and sealed it with the sweetest kiss she ever tasted. Mukhang timang na kinikilig s’ya at pinamulhan ng mukha.
And when she realized what she was doing ay napatigil siya. She quickly gathered herself bago pa mauwi sa kung saan ang iniisip niyang iyon.
Madali siyang kumuha ng tissue at maingat na pinunasan ang kamay. Pagkuwa’y tiningnan ang sariling repleksyon at inayos ang medyo nagulong buhok. Nang makontento, lumabas na siya ng banyo at naglakad pabalik sa pinagdarausan ng party.
Ngunit hindi pa man siya nakararating doon, nang may biglang humablot sa kanya at dalhin s’ya sa nagtataasang mga halaman. Hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata ni Timothy na kanina pa s’ya hinihintay.
“Hey!” she hissed at malakas na ipiniksi ang brasong tangan ng kung sinumang iyon.
Mabilis naman itong humarap sa kanya sa panlalaki ng kanyang mga mata.
“Adam…? What are you doing here?” tanong niya na agad nakaramdam ng pagkabahala.
Seeing her ex-boyfriend on her own engagement party was making her nervous. Paano kung makita ito ng kanyang mga magulang? Or worse… ni Timothy? Anong gagawin n'ya?
“Relaxed Penny…” masuyong wika nito at dinama ang namumutla niyang pisngi. “I just wanted to see you. ‘Yun lang,” anito.
Pero hindi pa rin mapayapa noon ang kalooban niya. Luminga siya sa paligid upang siguraduhin walang makakakita sa kanila.
“Paano ka nakapasok dito?” tanong niya sa mahinang tinig.
Ngumiti ito. At napuna ni Penelope na kakaiba ang mga ngiti nitong iyon.
“Are you drunk?” Muling tanong niya habang tinititigan ang namumula nitong mukha sa malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw sa di-kalayuan.
“I told you, Babe, just relaxed… I got here by chance. Nagpanggap akong isa sa mga waiter kaya nakapasok ako dito. And… I am not drunk. I just drink a little,” medyo mabuway na sabi nito sabay haplos sa pisngi niya.
Bahagya naman siyang umiwas.
“Pero ‘di ba sinabi ko na sa ‘yo na tapos na tayo?”
“And I told you na hindi ko mapapayagan iyon. Hindi kaylanman Penelope.” Mariing wika nito at biglang nag-iba ang tingin nito sa kanya. Nanlisik ang mga mata nito at punong-puno ng galit.
Napaatras s’ya.
“Please, Adam… huwag mo ng pahirapan ang mga sarili natin. I am about to get married and—”
“Kanino? Sa lalaking iyon? Dahil mayaman s’ya ganoon ba? Dahil hindi ako kailanman makakapantay sa ‘yo, ha?” anito at hinaklit siyang muli sa braso.
“A-Adam… n-na… nasasaktan ako…” aniya at biglang nilukob ng takot ang dibdib. Hindi pa niya nakikitang nagalit nang ganoon ang lalaki at hindi niya alam ang gagawin nang mga sandaling.
“You’re mine Penelope. You promised to me that you will love me forever. At iyon ang pinanghahawakan ko. Alam kong hindi mo magagawang mahalin ang Timothy na iyon dahil sa ‘kin.” At dumiin pang lalo ang kamay nito sa braso niya.
Mariin siyang napakagat-labi.
“P-Please… let me go. Y-You’re… hurting me…” Nakikiusap na sabi niya.
“Let her go kung ayaw mong sa kulungan ka bumagsak,” anang isang tinig na nagpitlag kay Penelope.
At mula sa kung saan ay lumabas si Timothy at tiim ang mga labing nakatitig sa braso niyang hawak pa rin ni Adam.
“T-Timothy…” nauutal na wika niya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.
Sandali lang siyang tiningnan nito at pagkuwa’y hinarap nito si Adam na nakatutok din dito ang pansin.
“Hindi ka dapat nananakit ng babae, Pare. Kung gusto mo s’yang makausap, wala namang problema. But you should know that this is not the right place for that,” he seriously said.
Umismid naman ang kaharap nito.
“Wala kang alam kaya huwag mo kaming pakialam,” mariing tugon nito.
Namulsa muna si Timothy bago sumagot. “I know everything. You were her ex-boyfriend and I am her fiancée. Malinaw na malinaw sa akin iyon.”
Gigil na napakuyom ang mga kamao ng lalaki habang titig na titig ito sa una.
“Malinaw din ba sa ‘yo na hindi naman ikaw ang mahal niya kundi ako?” sarkatiskong wika nito.
Nakita ni Penelope ang pagdilim ng anyo ni Timothy, kaya’t mabilis niyang inawat ang mga ito.
“Please… stop.” Pamamagitan niya sa dalawa.
Malamig ang mga matang tiningnan s’ya ni Timothy. Mga tinging hindi niya matagalan dahil parang tinutusok niyon ang puso niya.
“I already told you, you have other options. Hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko kung gusto mo.” Anitong hindi nakaligtas sa pandinig niya ang tila pang-aakusa nito.
Alam niyang nagagalit ang binata dahil sa pagpunta doon ng ‘unwanted visitor’ niya. At alam na alam n'ya rin kung bakit. Ayaw nitong masira noon ang napagkasunduan ng mga magulang nila, pati na ang mapahiya ito sa lahat.
“Hinding-hindi ko gagawin ang sinasabi mo,” matalim ang mga matang tinignan niya ito bago hinarap si Adam. “Please, Adam… Just for this once… please go. Mag-usap na lang tayo kapag hindi ka na lasing.” Pakiusap niyang muli rito.
Huminga naman ito ng malalim sabay tingin kay Timothy. Hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata nito sa tuwing titingnan ang binata. And she understands him completely.
Sino nga bang tao ang hindi magagalit sa umagaw sa taong pinakamamahal mo? Everyone who fell in love knew that. Lalo na kung ang babaw lang ng dahilan kung bakit nangyari iyon.
Nang siya na ang balingan nito ay nag-iba na ang anyo nito. Malungkot itong ngumiti sa kanya kasabay ng paglalandas ng mga daliri nito sa buhok niya.
“Alright… I’ll just call when I’m totally fine.” Anito bago siya ginawaran ng mabilis na halik sa mga labi na hindi na niya nagawang iwasan pa.
Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay nagtataksil s’ya sa mismong harapan ng kanyang mapapangasawa. And it doesn’t feel good at all. Lalo pa at ramdam na ramdam niya ang nanunuot na mga tingin ni Timothy mula sa kanyang likuran. It brought shivers through her veins kaya bahagya siyang napayakap sa sarili ng pakawalan s’ya ni Adam.
“I’ll go ahead,” anito at nilingon muna si Timothy bago sila iniwan doon.
Nang mawala ito ay kinakabahang hinarap niya ang lalaki. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip.
“Next time you invite your boyfriend, informed me immediately.” At pagkasabi niyon ay walang lingong-likod na iniwan s’ya nito.