bc

Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brother's 1

book_age18+
950
FOLLOW
2.8K
READ
HE
heir/heiress
drama
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Timothy Alvarez already has everything on his hands-- wealth and fame. At ayon sa kanyang ama, asawa na lang daw ang kulang sa kanya. Kaya't ipinagkasundo s'ya nito kay Penelope Valencia. Ngunit umpisa pa lang ng pagkikita nila ay hindi na sila magkasundo. Timothy was arrogant, cold-hearted and rude. At si Penelope naman ay hindi basta-basta magpapatalo sa binata. Sumumpa pa itong hinding-hindi nito magugustuhan si Timothy kahit na kailan.

Ngunit paano kapag malaman nito na kaya s’ya ipinagkasundo ng mga magulang sa lalaki ay dahil sa papalugi nilang kompanya? Will she be able to accept truth? And how about Timothy? Paano nga ba niya pakikisamahan si Penelope kung sa una pa lang ay ginugulo na nito ang isipan niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“You’re late,” malamig na wika ni Timothy sa babaeng bagong dating. “I’m sorry, but it wasn’t my fault. Late na akong sinabihan sa meeting na ito and I have my own plans at this time,” anitong hindi itinago ang inis na nadarama bago naupo. Tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi at inuunat ang mga kamay na kanina pa magkakrus sa kaniyang dibdib. Pagkuwa’y pinagmasdan niya itong maigi. The woman in front of him was wearing a simple white blouse and black pants. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid nitong buhok. Walang masyadong kolorete sa mukha, maliban sa manipis na blush-on at lipstick nito. She has a beautiful pair of round-shaped eyes. May mahahaba at makakapal na pilik iyon na tenernuhan ng malalagong kilay. Matangos ang ilong nito, maninipis ang mga labi, at balingkinitan ang balat. May katangkaran din ito, pero kung magsasabay sila ay malamang na magmumukha pa rin itong maliit. Umismid ang babae. “Satisfied?” tanong nito nang mapansin ang ginagawa niya. Walang kaemo-emosyong tinitigan niya ito sa mga mata. “Let’s get straight to business. Do you have a boyfriend, Miss Valencia?” balewalang tanong niya rito. Napataas ang isang kilay nito. “And why do you ask?” “Because as of this moment, we are engaged. And I want you to be honest with me.” Pagak na natawa ang kaniyang kaharap. “At sino namang may sabi sa ’yo na engaged na tayo? Sa pagkakaalam ko, ito pa lang ang unang beses na nagkita tayo.” “Well, sa pagkakaalam ko rin, kaya ka naririto ngayon ay dahil sa kasunduan ng ating mga magulang. And you are not that st*pid para pumunta rito nang hindi man lang inaalam kung para saan ang pagkikita nating ito. Am I right?c Nawala ang ngiti sa mga labi ng babae at matalim siyang tinitigan. “So you’re saying that, you are that st*pid para sumunod na lang sa ipinag-uutos sa ’yo ng iyong ama, kahit na hindi mo naman ako kilalang talaga, ganoon ba?” balik panunuyang wika nito. Nagtagis ang kaniyang mga bagang sa narinig, ngunit hindi niya ito gustong patulan. “If you are not willing to marry me, then why are you here?” “Because I just want to check on something,” anito at hinagod siya ng tingin. Pagkuwa’y nakalolokong ngumiti ito sa kaniya. “Hindi naman pala masama kung sa ’yo ako ma-e-engage. May itsura ka naman,” dagdag pa nito sabay tayo at may dinukot sa bag. “Here is my calling card. Call me kapag desidido ka na talaga na tanggapin ang kapalaran natin. As of now, naghihintay ang boyfriend ko sa kotse dahil sa kaniya talaga nakalaan ang oras kong ito.” At pagkasabi noon ay iniwan na siya nito. Masama ang tinging inihatid niya ang dalaga hanggang sa mawala ito. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang maliit na papel sa kaniyang palad. “Penelope Valencia. . .” bulong niya sa sarili. ** “What are you doing here? Akala ko ba may date ka ngayon?” takang tanong ng kapatid niyang si Brando nang maabutan siya nitong umiinom mag-isa sa bar ng kanilang bahay. Para namang hindi niya ito narinig at tuloy-tuloy lang sa ginagawa. Napangiti ang kaniyang kapatid at naupo sa tabi niya. “Let me guess. . . you didn’t like the girl,” nanunudyong sabi nito. “Pangit ba?” Seryosong hinarap niya si Brando. “Don’t you have any other things to do?” pasupladong tanong niya rito. “’Yan. . . ’Yan. . . Kaya takot kang lapitan ng mga babae, eh. Dahil d’yan sa pagiging suplado mo.” Sinabayan pa nito iyon ng pagtawa na ikinainis naman niya. “Get out of my face bago ko pa makalimutang kapatid kita.” “Sorry, but I can’t. I just want to stay here with you.” Napataas naman ang isang kilay niya. “Lumakad ka na kung saan ka man pupunta and don’t bother me here,” pagtataboy niyang muli rito. “Sad to say, I have no plans at all.” “Why? Did some miracles happen today?” siya namang pang-aasar niya rito. Nagkibit-balikat ito at kumuha rin ng maiinom. “I cancelled it,” anitong hindi siya pinansin. Mataman niya itong pinagmasdan na parang nakarinig ng isang masamang balita. Hindi ito ang tipo ng taong napipirme sa bahay nila. Brando always go out every night and do things as he pleases. Kaya madalas itong napag-iinitan ng kanilang ama. “Do I hear it right?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya rito. Pagak itong natawa bago sumimsim ng alak. “Wala na ba akong karapatan ngayon na magkansela ng mga lakad ko?” Napataas ang isang kilay niya. “At kailan mo pa ginawa iyon?” Humarap ito sa kaniya. “Ngayon. As you can see, I am here in front of you,” pilosopong sagot ng kapatid. Napailing siya. “Bakit? May problema ka ba? Nag-away na naman ba ang past and current girlfriends mo?” Bukod kasi sa pagiging easy-go-lucky nito, palikero rin ang kapatid. And most of the times, nag-aaway ang mga babaeng naghahabol dito sa tuwing magpapang-abot ang mga iyon. “Sort off. . .” At nilaro-laro nito ng mga daliri ang hawak na baso. Lalo lang naman siyang nagtaka sa inaakto ni Brando. Kapansin-pansin na may dinadala talaga itong problema dahil sa malalalim nitong buntonghininga at mga gatla sa noo. “And what is it?” usisa niya. “Ha?” tila lumilipad ang isip na tugon nito. “What is your problem?” Mabilis naman itong umiling at ngumiti. “Wala naman,” pasubali nito. Tinitigan niya itong mabuti, bago muling hinarap ang sariling baso. “Kung anuman iyan, huwag mo ng palalain pa. You knew that Dad was always monitoring you. Kapag nalaman niya ang tungkol sa ginawa mo, alam mo na ang mangyayari,” paalala niya rito. “I know that. Kaya nga naisip ko ng magtino. Baka mamaya itakwil pa niya ako.” Natawa siya. “Matagal mo na dapat naisip iyan. Para sa ’yo rin naman ang ginagawang pagpapaalala ni Dad.” Bumuntonghininga ito. “Kaya ba ganoon ka na lang kung makasunod sa mga sinasabi niya sa ’yo?” nang-aarok ang mga matang tanong nito. “Well, let me just say na alam ko kung ano ang makabubuti at makasasama para sa ’kin.” “And marrying someone you didn’t know is good for you. Ganoon ba?” Nagkibit-balikat siya. “Lahat naman tayo ay doon din mauuwi. And I don’t mind kung hindi ko siya kilala o hindi. Ang importante, we are in the same cycle.” “So, it’s all about business and politics, huh?” Tumango siya. “Wala naman akong nakikitang masama roon. Our families will both gain from all of these.” Napailing na lang ito. “Iyon na nga ang problema. Ang nakikita mo lang at ni Dad ay ang magiging benefit ng kasunduang ito sa negosyo at pamilya natin. Hindi mo man lang naiisip ang mararamdaman ng babaeng ipapakasal sa ’yo. What if she loves someone else? What if hindi mag-workout and relationship ninyo? Sino ang mag-s-suffer?” may puntong pahayag nito na ikinatawa niya. “At kailan ka pa naging mature mag-isip?” kunwa ay pang-iinsultong tanong niya rito. “Naumpog ba ang ulo mo at kakaiba ang nangyayari sa ’yo ngayon?” “Siguro nga. . .” Nagkibit ito ng mga balikat at tumingin sa malayo. Naiiling na tinapik niya ito sa likod. “Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko. At naisip ko na rin ang lahat ng sinasabi mo. That’s why I was thinking right now,” aniya at muling uminom ng alak. Muli rin siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi naman na siya ginulo pa ng kapatid. Dahil maging ito man ay may sariling problema na kinakaharap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook