“Timothy, hijo. . .” ani Augusto Alvarez nang pumasok sa kaniyang opisina.
“Dad.” Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at sinalubong ang ama. “What are you doing here?” tanong niya rito.
Naupo muna ito bago sumagot. “I just met someone kaya dumaan na ako rito. So, how was your date last night?” nakangiting tanong nito.
Bahagya siyang ngumiti. “It was fine,” tipid na sagot niya.
“Oh common, hijo! Fine is not good enough. Nagkausap ba kayong mabuti?” pag-uusisa nito na halata sa mga mata ang pananabik.
Napipilitang tumango siya. “Nagkausap naman kami, Dad. Wala namang naging problema,” pagsisinungaling niya.
“And. . . ?” anitong tila may gusto pang marinig mula sa kaniya.
“And she’s nice at may itsura din.”
Malapad naman itong napangiti. “Sinasabi ko na nga ba! I knew it!” palatak nito. “Tama ang pagreto ko sa kaniya sa ’yo. Penelope is a very fine young woman. She’s simple and smart. At siya lang ang nababagay para sa ’yo.”
“But are you sure that Mr. and Mrs. Valencia agreed to this?” nananantyang tanong niya sa ama.
Tumango ito. “Nasa agreement namin na bibilhin ko ang forty percent ng company shares nila.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ganoon kalaki? Paano ang iba nilang investors? Hindi ba sila magtataka?”
Huminga ito nang malalim. “That forty percent is almost ninety percent of Juancho’s owned shares in his company,” anito na ang tinutukoy ay si Mr. Valencia. The owner and founder of Valencia Telecom. Penelope’s father. “Which means tayo na ang mag-m-mamage ng kompanya nila, once na matuloy ang kasal ninyo ni Penelope.”
“Are you saying na bibilhin mo ang kompanya nila? Why?” Lalong dumami ang gatla sa noo niya.
“Because they are in the verged of bankruptcy,” walang ligoy na sagot nito. “Sinadya ni Juancho na lumapit sa akin and he told me everything. He made a deal na kung bibilhin ko ang shares niya and saved his company from being bankrupt, ibibigay niya sa atin ang pagpapatakbo nito.”
“At pumayag naman kayo?” mabilis na tanong niya rito.
Muli itong tumango. “At naisip ko rin na mas maganda kung magsasanib na lang ang pamilya natin. Nang sa ganoon, ma-retain pa rin ang pangalan ng kompanya kahit na tayo ang namamalakad nito.”
Napahugot siya nang malalim na paghinga. “Bakit kailangan niyo pang gawin iyon?”
“We’re dealing business here, hijo. Kailangan doon tayo sa mas sigurado. You surely know how this works. Kapag matagal na ang isang kompanya, alam mong loyal na ang mga empleyado nito sa kanilang amo. And changing management will affects that. Iniiwasan ko lang na magkaroon ng conflict kung saka-sakali mang matuloy ang deal na ito. Did you understand?”
Marahan siyang tumango. Malinaw na malinaw na naiintindihan niya ang ama sa bagay na iyon. Mahirap talagang pamunuan ang isang kompanya na loyal sa iba ang mga tauhan. Kaya mas mainam na magsanib-pwersa na lang ang dalawang pamilya nang walang maging problema sa hinaharap.
Kapag nakasal sila ni Penelope, understandable na maaaring iba na ang magpatakbo ng kompanya ng mga ito.
“But you will retain Tito Juancho’s position, right?” tanong niya pamaya-maya.
Kung ayaw nito ng gulo, maiisip din nitong mas mabuti na huwag alisin sa posisyon ang mismong may-ari and just change the system itself.
Sandaling nag-isip ang kaniyang ama. Makaraan ang ilang sandali ay ngumiti ito sa kaniya. “You really passed my expectations, hijo. Ibang-iba ka talaga sa iyong mga kapatid,” anito habang tumatango-tango.
“I guess, nagmana lang talaga ako sa inyo.” Nginitian niya ito. Pero sandali rin iyong nawala nang may maalala sa isip. “Did Penelope know about this?”
“No. Iyon ang isang bagay na hiniling ni Juancho sa akin— ang huwag itong sabihin sa unica hija niya.”
Napatango naman siya at sa isip ay tama lang namang protektahan ito ng sariling ama. Kahit pa nga ang sumatutal niyon ay ito rin mismo ang nagbenta sa sariling anak, kapalit ng pagbangon ng kompanya ng mga ito.
But there were things that wasn’t clear to him. Kaya muli niyang hinarap ang ama. “Why are you doing this? I mean, hindi naman kayo basta-basta sumusugal sa isang negosyo na alam ninyong walang kasiguraduhan kung maibabangon pa.”
Tumingin ito sa malayo. “Alam mo, hijo, telecommunications na lang ang wala sa pag-aari natin. And owning one will give us a huge benefit. Magagamit natin ito internationally. And of course, it will lead us to be the leading business empire in the whole country,” nagniningning ang mga matang tugon nito.
Napailing na lang siya sa kaniyang sarili.
After making the most powerful clan in the country as his in-laws, hindi pa rin pala roon natatapos ang hangarin ng kaniyang ama na mas palaguin pa ang kompanya nila. Akala niya sapat na ang mga Monte Bello rito, but that was just only the beginning for him.
Ano pa kaya ang gusto nito? Sa loob-loob niya.
**
“What is it this time?” tanong ni Penelope nang makaupo ito sa tapat niya, pagkuwa’y sinulyapan ang pambisig na relo bago siya hinarap.
He called her earlier and asked to meet her again at the same restaurant, kaya naririto sila ngayong pareho.
“Let’s have a deal,” deretsahang sabi niya na ikinataas ng kilay nito.
“Bakit ba parang nagmamadali ka? May tinatakasan ka ba?” takang tanong nito.
Blangkong tinitigan niya ito sa mga mata. “Hindi para sa sarili ko ang ginagawa kong ito,” makahulugang sabi niya.
Umismid ito. “At para kanino naman? Para sa akin? Para sa pamilya ko?” Pagak itong natawa. “Oo, alam kong makapangyarihan at mayaman ang pamilya mo, and many business owners will do anything just to be part of it. Pero ibahin mo ang pamilya ko. Hindi kami ganid sa kapangyarihan at kayamanan na kagaya ninyo.”
Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Tumaas naman ang isang kilay nito.
“Bakit? May tinamaan ba ako?” anito nang mapansin ang pagbabago ng itsura niya.
Ilang beses siyang huminga nang malalim upang pawiin ang inis na nadarama. Kung alam lang ng babaeng ito ang nangyayari, baka kabaliktaran doon ang gawin nito. She should be kneeling right now in front of him instead of taunting him. But he won’t say anything to her. Hindi niya gustong gawin iyon dito. As much as possible, gusto pa rin niyang mas maging madali ang lahat para sa dalaga.
“Say whatever you want to say, pero hindi na magbabago pa ang desisyon ko. We will get married sa ayaw at sa gusto mo,” aniya sa tonong hindi na mababali pa.
Natahimik naman ang kaniyang kaharap.
“Alam kong iniisip mo ang tungkol sa inyo ng boyfriend mo, that’s why I’m offering you a great deal.” Nakuha naman niya ang atensyon nito.
“What is it then?”
“May I ask first; do you love your family?” tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito pero nakuha pa ring tumango.
“Good.” Siya naman ang tumango. “And you loved your boyfriend, right?” muli ay tanong niya.
Tumango ulit ito. “Para saan ba ang mga tanong na iyan?” hindi na nakatiis na sabi nito.
“I just wanted to confirm something. Ayon na rin sa nakalap kong impormasyon tungkol sa iyo, mahal mo ang mga magulang mo and you’ll do anything for them. Kaya alam ko rin na hindi ka rin naman makatatanggi sa kasalang ito,” aniya.
“Just get straight to the point.” Inis na pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang nadaramang pagkainip sa sasabihin niya.
Huminga siya nang malalim. “Marry me. In return, you could still date your boyfriend whenever you want,” walang kagatol-gatol na sabi niya na ikinapatda naman nito.