“What?! Are you insane?!” nanlalaki ang mga matang bulalas ng dalaga sa kaniya. “Do you even hear yourself?” dagdag pa nito habang tumataas-baba ang dibdib.
“I am not insane. And yes, I mean what I have just said.” Mababakas ang kaseryosohan sa tinig niya.
“But that was ridiculous!” protesta nito na bahagyang napalakas kaya napatingin sa kanila ang ibang customers doon. “Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin, lalo na ng mga nakakikilala sa mga pamilya natin kapag nakasal na tayo? That I was cheating on you? That I am an adulterer? No way!” Mariin ang ginawa nitong pag-iling.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya. “I was just giving you what you want. Both of us knew na walang pagmamahal na involved sa kasunduang ito. And I don’t want you to feel less important after we got married. Dahil ngayon pa lang ay uunahan na kita, running a business is my first priority and not building a family with you,” paliwanag niya rito.
Mukha naman itong nasaktan sa sinabi niya dahil bahagyang lumungkot ang mga mata nito. Pero dagli rin iyong nawala at muling tumigas ang anyo ng kaharap.
“You could be with your boyfriend whenever you want— however you want, but not on special occasions. Kung ayaw mo namang huwag mapag-usapan ng ibang tao, then go to a place na walang nakakikilala sa iyo o sa akin. That’s the best thing that I could do for you for bringing into this marriage. You have your own life, kaya walang problema sa akin kung ipagpapatuloy mo ang relasyon ninyo ng boyfriend mo.”
Mariin itong napailing. Halatang hindi pa rin nito mapaniwalaan ang mga lumalabas sa bibig niya. “I can’t believe you. I really can’t. . .” Pagak itong natawa. “How can you even say those words when you know nothing about me? When you know nothing at all?”
“Mayroon o wala man, I just want to give you another option— a better one, aside from this arrangement. Nasa sa iyo naman kung pipiliin mong maging malinis ang konsensya o sundin ang sinasabi ng puso mo. Both of them won’t affect me. Ikaw lang naman ang iniisip ko. I know how women thinks lalo na kapag kasal na sila. Madalas ay mapaghanap kahit pa nga arranged marriage lang ito. And I don’t want that to happen on us. Ayokong magkaproblema tayong pareho pagdating ng araw.”
“Well, ibahin mo ako. I don’t mind if you do your own business and disregard me. Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo; na maghahanap ako. Dahil ngayon pa lang, alam ko na kung anong pag-uugali mayroon ka. And it will never ever occur on my mind na magugustuhan kita. Pakatandaan mo iyan!” gigil na wika nito sabay tayo, at walang lingong-likod na iniwan siya roon.
Napailing na lang siya habang sinusundan ng mga mata ang babaeng papalayo. Malinaw na niyang nasabi rito ang lahat ng gusto niyang mangyari. Naririto na lang kung ano ang pipiliin nito.
**
“Glad you make it!” nakangiting salubong sa kanila ni Mr. Juancho Valencia nang dumating sila sa bahay ng mga ito.
Inimbitahan sila roon ng mag-asawang Valencia para daw mapag-usapan na ang tungkol sa kanila ni Penelope.
“Of course! May isang salita naman ako Juancho. At hindi ako basta-basta umaatras sa napag-usapan na,” wika ni Augusto Alvarez na malapad din ang pagkakangiti bago siya sinulyapan. “By the way, this is my second son Timothy. Timothy, this is Tito Juancho and Tita Felomina, your future in-laws,” pakilala sa kanila ng kaniyang ama.
“Good evening po, Tito. . . Tita. . .” magalang na bati niya sa dalawa na kinamayan pa si Juancho at hinalikan naman sa pisngi si Felomina.
“Good evening din, hijo,” sabay na bati ng mga ito.
Hindi nawawala ang mga ngiti ni Juancho Valencia nang lingunin nito ang kaniyang ama. “Hindi mo naman nasabi sa akin na napakagwapo at napakagalang naman nitong anak mo, Kumpadre. Bagay na bagay sila ng unica hija ko,” anito.
Gusto ng mapaismid ni Timothy sa narinig. He still hasn’t heard a clear answer from her mula nang mag-usap sila. Akala niya wala ng balak ang babae na ituloy ang kasalang iyon. Kaya’t nagulat na lang siya nang makausap ang ama kanina at sabihin nitong iniimbitahan sila ng mga Valencia.
Kung alam lang ng mga ito kung paano umasta ang anak sa harapan niya, baka ngayon ay hiyang-hiya na ang mga ito at hindi makatingin ng deretso sa kanila ng kaniyang ama.
“And speaking of your daughter, where is she?” tanong ni Augusto sa mag-asawa. Kitang-kita ang antisipasyon sa mga mata nito habang iginagala iyon sa kabahayan.
“She’s in her room. Nag-aayos pa ng kaniyang sarili nang puntahan ko. Bababa na rin iyon,” tugon ni Mrs. Valencia.
“Mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagdating naming ito, ah,” komento pa ng ama niya nang lingunin siya.
Hindi naman siya umimik. Bagkus ay iginala niya ang mga mata sa loob ng bahay.
Very stylish ang design ng two-storey mansion ng mga Valencia na pinaghalong krema at malamlam na asul ang kulay. Moderno lahat ng kagamitan doon at napansin niyang mahilig sa paintings ang mga ito. Nagmukha kasing art gallery iyon sa dami ng mga paintings na nakasabit sa dingding.
Nang mapadako ang mga mata niya sa may puno ng hagdan sa itaas, tumambad sa kaniya ang bihis na bihis na si Penelope. Kabaliktaran sa mga simpleng suot nito nang dalawang beses silang magkita, she was wearing a dark blue spaghetti-strap dress na hanggang tuhod lang ang haba. Medyo hapit iyon sa bandang itaas, kaya’t hindi noon maitago ang malulusog nitong dibdib. She was also wearing a makeup, na hindi nakaligtas sa paningin niya dahil may kakapalan iyon. Her hair was tied-up in a french bun at nag-iwan lamang ng ilang hibla sa magkabilang gilid ng pisngi nito— giving her that classic, but very elegant look.
She also looked very seductive. Pero hindi naman kabastos-bastos. And for him, she looked very stunning— absolutely stunning.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niyang bahagyang umismid ito. Pagkatapos ay dahan-dahan itong naglakad pababa nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga paningin.
“Is this Penelope?” namamanghang tanong ng kaniyang ama.
Nakangiting lumapit naman dito ang babae at hinalikan ito sa pisngi. “Good evening, Tito Augusto,” masiglang bati nito.
“Why, you looked so gorgeous, hija!” bulalas ng kaniyang ama.
“Thanks Tito,” anitong hindi nawawala ang ngiti sa mga labi bago siya hinarap. “Hi, there.” At siya naman ang ginawaran nito ng halik sa pisngi.
Muntikan ng tumaas ang kaniyang kilay sa inastang iyon ng babae, ngunit mabilis niyang pinigilan ang sarili. Sa halip ay inakbayan niya ito— na ikinagulat naman nito. Napatingin ito sa kamay niya na nasa balikat nito, pagkuwa’y sa kaniya, habang bahagyang nakaawang ang mga labi.
Napangiti siya sa sarili.
“You two make a perfect couple. Bagay na bagay kayo sa isa’t isa,” narinig niyang sabi ng ina nito na tila kinikilig pa.
Nilingon niya ang may-edad na babae at ginawaran ng isang napakatamis na ngiti. “That’s because you have a very beautiful daughter, Tita,” malambing na wika niya sabay sulyap sa babae sa kaniyang tabi. Bahagya pa niyang pinisil ang balikat nito.
Napipilitang ngumiti naman ito sa kanila. Pagkatapos ay mataktikang inalis nito ang kamay niya sa pagkakaakbay rito. Hindi naman siya nagpapigil, dahil lumipat lang iyon sa beywang nito. Napaigtad ito at hindi na napigilang tingnan siya nang masama. Hindi naman iyon napansin ng kanilang mga magulang. Dahil nagpatiuna na ang mga ito sa dining room, habang masayang nagkukwentuhan.
“Don’t be so nervous. Hindi naman ako nangangagat,” bulong niya sa babae nang maramdaman ang tensyonadong katawan nito.
“I am not!” she hissed bago nauna na sa kaniyang maglakad.