--Jira's POV--
"Hi Mich, kumusta ka na?" tanong ni Jira sa kausap sa cellphone. She is now 25 years old at marami siyang manliligaw ngunit hindi niya magawang pagtuonan ito ng pansin. Nagtatrabaho na siya ngayon sa isang sikat na kumpanya at kumikita na din kahit papaano.
"Heto okay lang naman, buhay pa! Hahaha" sabi ng kausap niya na si Mich De Guzman. Kumpara sa kanya mayaman ito ngunit tila napakamalas yata pagdating sa lovelife.
"Bakit broken ka na naman ba? Hahaha" biro ko sa kaibigan.
Bigla naman itong natigilan dahilan upang mahulaan niya na tama ang kanyang sinabi.
"Best baka gusto mong puntahan ako? Nasa isang restaurant ako sa dati nating kinakainan. Para naman malibang ka at makapag-usap tayo ng personal at saka namimiss na din kasi kitang kasama" untag ko. Alam kong may pinagdadaanan ito kaya gusto niya na makausap at malibang ang kaibigan.
"Sige, pupunta ako dyan. Antayin mo ako tapos deretso na tayo sa SM para mamasyal naman tayo at makapaglibang." sagot nito.
"Sige. Bilisan mo ah. Bye." Ibinaba ko na ang call at biglang napatingin sa labas ng restaurant.
Nakita kong may dalawang couple na papasok sa restaurant na kinaruroonan niya.
'Sus! Sweet sweet pa! Maghihiwalay din yan' sabi ko sa isip.
'Ay bitter si ateng' tudyo ng isip ko
'Kailan kaya ako makakatagpo ng the one? Hays! 25 na ako Lord bekenemen!' natawa ako ng bigla sa naisip ko hahaha
'Tatanda yata akong dalaga nito!' pahabol pa ng aking utak haha
'Magtigil ka nga self sa mga iniisip mo! Kung para sayo ibibigay sayo yan ni Lord sa tamang panahon!' saway ko sa aking sarili. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nakakatagpo ng lalaking magpapatibok muli ng kanyang puso.
'Dadating na lang yan kung dadating na talaga' pahabol pa ng isip ko
" Beshy!" untag ni Mich na nagpatigil sa mga iniisip ko.
"Oh andyan ka na pala! Kakarating mo lang?" tanong ko.
"Ay malamang andito na nga ako at kausap mo na!" sarkastikong saad nito.
"Bakit ba parang ang lalim ng iniisip mo? Para kang nasa ibang dimensions sa itsura mo kanina!" sabi pa nito
"Ah wala naman, napaisip lang ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend! Hahahaha" biro ko dito pero totoo naman na iyon ang naiisip ko hahaha
'Bwesit kasing mga couple to at nagpapakita pa sa akin. Ewan ba niya kasi sa dami ng nanliligaw sakanya ay wala siyang magustohan! Hindi naman ako choosy pero talagang wala kahit sparks man lang sa mga nanliligaw sa akin. Sumubok naman ako at nagkaboyfriend pero talagang walang tumagal. Mabilis din kasi akong maturn-off. Hindi ko ba alam kung bakit ganito ako!' mahabang litantya ko sa isip.
Alam nmn lahat ng kaibigan niya ang lahat ng kwento niya maliban sa ibang detalye syempre
"Best, ano na? Tutunganga lang ba tayo dito? Gutom na ako!" Sabi nito na iinabalik ko sa realidad.
"Pangit ba ako beshy?" bigla kong naitanong
"HAHAHA! Malamang hindi! Choosy ka lang talaga! hahahaha. Tara na at mag-order na tayo ng pagkain. Gutom na talaga ako!" sagot nito
'Si Mich talaga ang kaibigan ko na kahit may problema ay nagagawa pang tumawa.'
sabi ko sa isip habang napapailing na lamang ako.
"Sige tara na nga at gutom na din naman ako" sagot ko na lang sa kanya.