Prolonged
Bata pa lamang si Jira ay taglay na niya ang kakaibang pag-uugali na naiiba sa karaniwang bata. Pitong taon pa lamang ay marunong na siya ng mga gawaing bahay. Magaling din siya pagdating sa school at active din sya sa sports hanggang sa magdalaga na siya. Patuloy na maganda ang takbo ng buhay niya hanggang sa makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Si Rexer ang lalaking iyon. Hindi niya akalaing mahuhulog siya dito ng tuloyan. Unang kita lamang sa kanya ng lalaki ay humanga na sa kanya ito ngunit ang kanyang presenya ay di man lang namalayan ni Jira. Hanggang sa pinakilala ng kaibigan niya si Rexer. They both attracted to each other pero binalewala lamang ni Jira ang kanyang nararamdaman dahil bago pa lamang ito sa kanya. Nanligaw naman ang lalaki sa kanya, kaya naman ay nahulog na din ang loob niya sa lalaking ito. Ma-effort din kasi ito sa panliligaw kaya sinagot na niya ang lalaki. Walang pagsidlan ang tuwa na kanilang nararamdaman ng mga araw na iyon hanggang sa ilang araw at buwan ang lumipas. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat ng biglang sabihin ng lalaki na maghiwalay na sila pagkatapos ng ilang buwan.
Tandang tanda niya pa hanggang ngayon ang sinabi sakanya ng lalaki. Bigla na lamang itong nawala na parang bula pagkatapos ng mga katagang "Maghiwalay na muna tayo" mula noon ay mas naging mailap sa lalaki si Jira, hindi na siya muling naging seryoso sa ibang lalaking nagtangkang manligaw dahil ayaw na niyang masaktan pang muli.
-Flashback-
"Hi Rexer, kumusta ka na?" tanong ko.
"Okay naman ako Jira." sagot nito na medyo malungkot at parang may malalim na iniisip.
'Siguro ay pagod lamang ito' sabi ko na lang sa isip
'pero mas okay siguro na itanong ko pa din sa kanya kung bakit.' naisip ko bigla.
"Hmnn.. bakit parang malungkot ka at parang may iniisip?" tanong ko.
"May sasabihin sana ako sayo. Sana wag ka magalit sakin." sabi niya.
"Ano yong sasabihin mo? Mukhang seryoso yan ah" sagot ko na lang na medyo pinasigla ang boses ko para naman maging okay kahit papaano ang atmosphere nilang dalawa.
Mahal niya ito. Unang nagkagusto sa kanya ang lalaki pagkakita sa kanya nung minsang nasa bayan sila ng mga barkada dahil may fiesta sa bayan nila. Nakita ako ni Rexer ng nagkausap kami ng kaibigan niya na kakilala ko at nakatira sa malapit sa bahay namin. Napangiti sya ng maalala kung papaano sila nagsimula.
(Author's note: Sa susunod na lang po ang flashback nung unang pagkikita nila. ;-))
"Jira..." tawag nito na nagbabalik sa atensyon niya. Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako habang nakatitig sa kanya.
"Oh, ano nga yong sasabihin mo?" tanong ko sa masayang boses sabay ngiti sa kanya.
"Ahmn ano kasi... sana wag ka magalit sa sasabihin ko." sabi nitong malungkot pa din.
"Sabihin mo na nga, kasi masyado ka pa-suspense tapos kinakabahan na tuloy ako." Pasimpleng irap ko. Bigla akong kinabahan sa inaakto niya.
'Mukhang seryoso ang sasabihin niya ah' isip ko.
"So ano na nga?" untag ko.
"Basta kahit anong mangyari sana huwag ka magalit sa akin."
"Okay" maikling sagot ko.
Ilang segundo ang lumipas ay nagtitigan lamang sila habang hinihintay ang sasabihin.
"S-siguro mas m-mabuting... m-maghiwalay na muna tayo Jira." sa wakas ay sabi nito sa garalgal ang boses pero....
'Wait!! W-what?! A-ano daw? Baka mali lang dinig ko!' sabi ko sa isip na yong kaba lalong nadagdagan.
"W-what did you s-say?" ang tanging namutawi sa bibig niya para makumpirma kung tama ang dinig niya, pero pinipigil niya na wag malungkot.
"S-siguro mas mabuting m-maghiwalay na muna t-tayo." ulit nito sa garalgal na boses.
"B-b-bakit?" ang tanging naitanong ko. Para kasing maiiyak na ako pero pinipilit kong itago ang nararamdaman sa kanya. Nang sa ganun ay hindi naman siya mapahiya oh kahit na isipin nito na agrabyado siya. Imagine lalaki ang nagbreak sa kanya. Big OUCH!!
Ipinakita niya na kunwari wala lang sa kanya ang nangyari pero deep inside ang sakit sakit ng kanyang nadarama. :'(
"Wala, Jira." sagot nito.
Madami ako gustong itanong pero hindi ko magawa. Marami super dami pero wala ni isang salita ang lumabas at namutawi sa bibig ko sa takot na baka mahalata niya na nasasaktan ako, kaya hindi na niya nagawang magsalita pang muli. Isang malaking sampal sa aking p********e ang i-break ng lalaki bukod sa mahal niya ito yon ang mas masakit.
'Bakit anong nangyari?'
'Anong dahilan?'
'Bakit siya nakikipagbreak?'
'May iba na ba siya kaya niya gusto makipaghiwalay?'
'May pagkukulang ba ako?'
'Hindi man lang ba niya naisip na masasaktan ako sa ginawa niya?'
Iilan lamang ito sa mga tanong na naiisip ko sa mga sandaling iyon, pero mas pinili kong huwag itanong. Ayoko kasing magsalita pa dahil baka hindi niya mapigilan ang umiyak. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nangyayari. Sixteen na taong gulang pa lamang ako ng mga panahong iyon at nag-aaral sa isang public school sa bayan namin. Si Rexer naman ay eighteen years old na at nag-aaral na sa college sa isang sikat na University sa lugar nila.
"Jira.... S-s-orry." Sabi pa nito na nagpalungkot pa lalo sa kaibutoran niya.
Pagkatapos ng mga katagang iyon ay tumalikod na siya at nagpaalam na uuwi na. Saka lamang nagsink-in sa akin ang lahat na wala na talagang matatawag na kami simula sa araw na iyon.
'Single na pala ako sa araw na ito' tila ako ay isang estatwa sa pagkakatayo at hindi makapaniwalang sabi ng isip ko.
Mula noon ay gabi gabi na ako umiiyak pero sa umaga ay nakangiti sa lahat. Ganun kasakit at kasaklap ang buhay ko. Pero wala ni isa man ang nakapansin at nakahalata na broken ako inside. I look so strong outside physically, but super broken emotionally.
Lagi kong itinatanong sa sarili ko ng paulit ulit..
'Bakit siya nakikipaghiwalay sa akin?'
'May iba na ba siya that time kaya niya ako hiniwalayan?'
'May pagkukulang kaya ako?'
'Akala niya siguro hindi ako nasasaktan?'
'Akala siguro ng mga kaibigan ko ay okay lang ako!'
..Yan ang paulit ulit na tanong na walang makuhang sagot dahil duwag akong magtanong o malaman kung ano ang sagot at kung ano ang totoo. Duwag ako dahil natatakot akong masaktan lalo.
"Tama na yong sakit. Tama na, na akalain nila na okay lang ako." :''( di inaasahang nasambit ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lamang ay wala akong kasama sa bahay ng mga oras na iyon.
Mas masakit pala na walang linaw ang lahat kung bakit ka niya hiniwalayan.
Mas masakit pala yong hindi mo alam kung bakit at kung ano ang dahilan niya.
Mas masakit na hanggang ngayon ay patuloy mo itong itinatanong at nananatiling walang sagot dahil para ka niyang iniwan sa ere kung kailan nahulog ka na at mahal mo na siya.
"Ang sakit sakit na!" sabi ko na napaluha na.
"Bakit ganun? Ang sakit sakit pala magmahal! sabi ko na tuloyan ng humagulhol tutal wala naman siyang kasama kaya malaya siyang gawin lahat kahit mag-iiyak pa.
"Tama na ang sakit Lord! Help me on moving on please? Ang sakit sakit naman na po e! Wala naman akong kasalanan hindi ba? Bakit po ganito ang nararanasan ko?!!" :"(
"He is my first love but, he is also my first heartache" sabi ko habang patuloy na humahagulhol.
"Tama na po please" Pagmamakaawa ko sa Maykapal. Ito ang unang beses niya mabigo. Marami ang nagkakagusto sa kanya pero siya lang ang napili ko dahil akala ko mahal niya din ako, kaya naman hindi niya talaga matanggap at maunawaan ang nangyari kung bakit niya ako hiniwalayan.
"He-help me Lord" patuloy kong usal habang hilam sa luha ang aking mga mata.
Lumipas ang mga araw na ganun lamang ang tema ng buhay ko. Kapag sa umaga at may kasama pinapakita kong masaya ako. Kapag naman mag-isa ako saka lang iiyak at mukhang tanga sa pagsabi sa Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng iyon. Saka lang magiging totoo sa sarili sa sakit na nararamdaman. Hanggang sa lumipas ang buwan ganun pa din ako, gabi gabi ang iyak. Pero wala sa mga kaibigan ko ang nakakaalam. Ganun talaga siguro ako katapang.
Lumipas ang mga buwan at umabot ng taon ay medyo okay naman na ako. Pero hindi ko maiwasan na maisip minsan pero hindi naman na ako umiiyak.
"Strong ata to!" Sabi ko pa sa sarili.
"Kaya ngayon wag na wag ka nang maging seryoso at mag-iingat ka self sa pagtitiwalaan at mamahalin. Mas maganda pang huwag magseryoso sa kahit na sinong lalaki o manliligaw kesa naman masaktan pa ulit" dagdag pa niya.
------------------------------------------------------------------------------------------
Magbago pa kaya ang kanyang pananaw sa ngalan ng pag-ibig sa paglipas ng mga taon?
Magkita pa kayang muli si Jira at Rexer?
Sino kaya ang magpapatibok muli ng kanyang puso?
(Abangan sa mga susunod na chapter ng story na ito. Sana magustohan ninyo:))