Hi, I\'m Jha.
I hope you enjoy reading my stories soon.
9yrs old pa lang ako pangarap ko maging writer. Sana magustohan ninyo ang mga isusulat ko. Salamat na agad. ☺️
Please don\'t hesitate to leave a comment if you like.
Please follow and vote my story if you like it. 😅
Siya si Jira Martinez. Bata pa lamang ito ay taglay na niya ang kakaibang pag-uugali na naiiba sa karaniwang bata. Pitong taon pa lamang ay marunong na siya ng mga gawaing bahay. Magaling din siya pagdating sa school at active din sya sa sports hanggang sa magdalaga na siya. Patuloy na maganda ang takbo ng buhay niya hanggang sa makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Si Rexer ang lalaking iyon. Hindi niya akalaing mahuhulog siya dito ng tuloyan. Unang kita lamang sa kanya ng lalaki ay humanga na sa kanya ito ngunit ang kanyang presenya ay di man lang namalayan ni Jira. Hanggang sa pinakilala ng kaibigan niya si Rexer. They both attracted to each other pero binalewala lamang ni Jira ang kanyang nararamdaman dahil bago pa lamang ito sa kanya. Nanligaw naman ang lalaki sa kanya, kaya naman ay nahulog na din ang loob niya sa lalaking ito. Ma-effort din kasi ito sa panliligaw kaya sinagot na niya ang lalaki. Walang pagsidlan ang tuwa na kanilang nararamdaman ng mga araw na iyon hanggang sa ilang araw at buwan ang lumipas. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat ng biglang sabihin ng lalaki na maghiwalay na sila pagkatapos ng ilang buwan.
Tandang tanda niya pa hanggang ngayon ang sinabi sakanya ng lalaki. Bigla na lamang itong nawala na parang bula pagkatapos ng mga katagang "Maghiwalay na muna tayo" mula noon ay mas naging mailap sa lalaki si Jira, hindi na siya muling naging seryoso sa ibang lalaking nagtangkang manligaw dahil ayaw na niyang masaktan pang muli.
"He is my first love but, he is also my first heartache" sabi pa nito sa isip.
"Mas maganda pang huwag magseryoso sa kahit na sinong manliligaw kesa naman masaktan pa ulit" dagdag pa nito.
Magbago kaya ang kanyang pananaw sa ngalan ng pag-ibig sa paglipas ng mga taon? Magkita pa kayang muli sila ni Rexer? Sino kaya ang magpapatibok muli ng kanyang puso?
Read the stories to find out more..