More than Bestfriends , Less than Lovers
Chapter 1 : The seat beside mine
" Andyan na si ma'am "
" Bilis , Bilis umupo na kayo !"
" Bilisan niyo , mapapagalitan na naman Tayo "
Nagkagulo ang buong classroom Ng Grade 4B habang nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante. May ilang naghahabolan , nagdo-drawing sa board, nagja-jackstone, at may Isa pang kinakain na ang kanyang baon na biskwit at dali-daling isinara ang kanyang lunchbox bago mahuli ni Ma'am Ladao.
"Hoy umupo na kayo ! " sigaw ng class president. Mabilis na nagsiupo ang lahat. Ilang Segundo lang, bumukas na ang pinto Ng classroom.
"Good morning everyone"
" Good morning Ma'am Ladao" sabay na tugon Ng mga estudyante.
Napangiti ang guro bago tumingin sa kaniyang hawak na folder.
" Okay class , before anything else I'll check your attendance and by the way mayroon kayong bagong kaklase.
Agad na nag-ingay ang buong classroom.
" Transferee? "
"Girl Kaya? "
" Boy Kaya? "
" Baka mayaman "
" Maganda Kaya ? "
" O baka naman gwapo "
" Naku Cheska Bata-Bata mo pa naghahanap ka na Ng gwapo. " Saad Ng Isang estudyante.
" Class quiet " natatawang saway ni Ma'am Ladao. Napatingin Siya sa pintuan.
" Come in "
Dahan-dahang pumasok ang Isang batang babae. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap Ng kanyang backpack. Mahaba ang buhok niya, maayos ang suot na uniform, at tahimik siyang nakatingin sa paligid na para bang sinusubukan niyang kabisadohin ang bawat mukha na nakatingin sa kanya.
" Class this will be your new classmate. She just transferred here from another school. I hope you make her feel welcome. You may now introduce yourself."
" Hi , ahm Good morning po ma'am , good morning everyone my name is Arcie Monterola but you can call me Ars. I'm from Cagayan de Oro. I hope we can get along well."
"Hello Arcie! " Sabay-sabay na bati Ng mga estudyante. Palihim siyang napangiti. Napansin niyang may Isang batang lalaki sa bandang likod na nakangisi sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Napakunot-noo na lamang siya. Itinaas gg batang lalaki ang dalawang kilay, ngumiti Ng Malaki at pagkatapos ay kumaway. Dahan-dahang kumaway pabalik si Arcie.
" Okay , Arcie you can sit now "
Tumingin si Ma'am Ladao sa buong classroom. Pero dahil sa arrangement Ng mga desk, halos lahat ay may katabi. May Isang bakanteng upuan sa likuran.
" Arcie , you can sit beside Damian ."
Tinuro Ng guro ang bakanteng upuan sa tabi Ng batang lalaki. Agad naman umayos Ng ulo ang batang lalaki na nagngangalang Damian. At tumungo na nga Siya sa upuan na itinuro ng guro, pagkarating niya ay inilapag na niya ang kanyang bag at umupo.
" Welcome sa San Juan Elementary" mahinang sabi ni Damian.
" Thank you "
" Pero may rules dito "
Napatingin Siya.
" Rules? "
Tumango si Damian na parang napakaseryoso.
" Rules number one... " Lumapit Siya Ng kaunti.
" Bawal maging boring."
Napakurap si Arcie.
" Ha? "
" Rules number two , bawal malungkot "
" Wag mong Sabihin may rule number three pa. "
" Yes Meron pang rule number three " nakangising tugon ni Damian
" Okay ano naman ang rule number three"
" Rule number three, bawal umupo sa tabi ko nang Hindi ako binibigyan ng candy. "
Napatingin si Arcie kay Damian at napatawa . Hindi nila namalayan na nagsimula na palang magchecking ng attendance si Ma'am Ladao.
"Alonzo "
" Present po "
" Arceo "
" Present "
" Bautista"
" Present ma'am "
" Balaba "
" Present po ma'am "
" Cortis "
" Present "
Habang nagpapatuloy ang pagtatawag ni Ma'am Ladao sa mga pangalan inayos ni Arcie ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng desk.
Isang notebook , Isang lapis , Isang eraser at Isang maliit na sharpener.
Tahimik niyang inayos ang mga iyon ayon sa gusto niyang pagkakasunod.
" Montes"
" Present po "
" Monterola "
"Present"
Samantala nakatingin lamang si Damian sa ginagawa ni Arcie di niya namalayan na siya na ang tinatawag.
" Tuazon "
" Tuazon " ulit ni Ma'am Ladao
" Yes ma'am I'm present " sabay taas Ng kanyang kamay. At nang matapos na ang checking of attendance nagsimula na ang kanilang klase. Tahimik ang buong classroom na nakikinig Kay Ma'am Ladao hanggang sa tumunog ang bell hudyat para sa recess time.
"Yehey " agad na hiyaw Ng mga estudyante.
" Okay class mag recess muna kayo, you have five minutes " saad ni Ma'am Ladao.
Arcie's POV
Halos sabay-sabay na lumabas ang mga kaklase ko pagkasabi ni ma'am.
Ako naman ay nanatili muna sa loob. Hindi ako mahilig makipagsiksikan sa canteen. Mas gusto Kong Kumain sa classroom at Isa pa may baon naman akong snack para pang-recess.
Inilabas ko Ang baon ko mula sa bag.
Sandwich at isang Zest-O
Kakabukas ko palang Ng wrapper nang may umupo sa harap ko.
Si Damian
" Anong baon mo ? "
"Sandwich tsaka juice"
" May extra ka pa? "
Napatingin ako sa kanya
" Wala na "
" Sure ? "
"Oo "
Napabuntong hininga Siya.
Binuksan niya ang sarili niyang bag
Naghalungkat
At pagkatapos ———
"Wala akong baon" bahagyang nalungkot ang kanyang Mukha
" Bakit?"
" Hindi ko alam "
" Paano ka kakain? "
" Hindi ko rin alam "
Napatingin ako sa sandwich ko.
Then sa kanya.
Then sa sandwich.
" Gusto mo? "
Biglang lumiwanag ang Mukha niya.
" Talaga"
" Oo, pero hati lang Tayo ha "
" Okay! " malawak na ngiti niyang Sabi .
Kinuha ko Ang sandwich at hinati sa dalawa.
At inabot ko sa kanya ang Isa pang kalahati.
" Salamat "
" Oh ayan ha di lang candy binigay ko Sayo "
Napangiti Siya.
Wala siyang alinlangan na kinain iyon.
" Masarap "
" Sandwich lang Yan "
" Masarap pa rin"
Tumango ako at nagsimulang Kumain.
Tahimik kami.
For the first time that morning
At surprisingly —
Hindi awkward sa pakiramdam.
" Arcie "
" Bestfriends na Tayo? "
" First day ko palang "
" Ano naman "
" Hindi naman ganun kabilis "
" Bakit hindi "
" Basta "
Napaisip Siya.
" Okay , classmates muna? "
Tumango ako
" Okay "
" Tomorrow friends na? "
" Ewan "
Ngumiti Siya
" Okay, I'll wait "
Hindi ko alam kung bakit —
Pero tumatak sa akin ang sinabi niyang iyon.
( I'LL WAIT )
—————
After recess bumalik si Ma'am Ladao.
At nagpatuloy ang klase.
Math.
As expected, Hindi ako masaya.
Lalo na Ng magsulat si Ma'am Ng ilang problems sa board.
" Okay class, try to solve this five problems ilagay niyo sa notebook at kung tapos na Kayo ay ilagay niyo rito sa mesa. And don't forget ilagay niyo ang mga pangalan niyo sa taas."
Napatingin ako sa notebook ko.
Good luck self.
Sinubukan kong sagutan ang unang problem.
Then second.
Third.
Sa fourth—
Napatigil ako.
Hindi ko maintindihan.
Napatingin ako sa tabi ko.
Si Damian ay nakatingin din sa notebook niya.
“May sagot kana?”
Umiling siya.
“Wala.”
Napangiti ako.
“Akala ko ba matalino ka?”
“Sino nagsabing matalino ako?”
“Ikaw.”
“Kailan?”
“Kanina.”
“Hindi ko sinabi.”
“Sinabi mo.”
“Hindi.”
“Sinabi mo.”
“Hindi ah ”
Napatawa ako.
Biglang tumayo si Ma’am.
“Who wants to answer number four?”
Tahimik ang lahat.
“Anyone?”
Walang nagtaas ng kamay.
Hanggang sa—
“Damian?”
Biglang napatingin sa kanya si Damian.
“Po?”
“Can you solve number four?”
Namutla siya.
Napatingin siya sa akin.
Napatingin din ako sa notebook niya.
Wala siyang sagot.
“Try,” sabi ni Ma’am.
Tumayo siya.
Naglakad papunta sa pisara.
Tahimik ang buong classroom.
Kinuha niya ang chalk.
Tumingin sa problem.
Then—
“Ma’am?”
“Yes?”
“Pwede po bang number one na lang?”
Nagtawanan ang buong klase.
Pati si Ma’am napangiti.
“No. Number four.”
Huminga siya nang malalim.
At nagsimulang magsulat.
Mali.
Alam kong mali.
Alam din niyang mali.
Pero ipinagpatuloy niya.
Pagkatapos ng ilang segundo, tumingin siya sa class.
“Final answer?”
Tahimik.
Then may sumigaw.
“Wrong!”
Tumawa ang buong klase
“Okay,” sabi ni Damian. “At least I tried.”
“Okay Damian , go back to your seat.”
Bumalik siya sa tabi ko.
Pagkaupo niya, yumuko siya.
“Okay lang Yan .” Sabi ko
“Hindi okay.”
“Bakit?”
" Pinagtawanan nila ako "
" Makakalimutan din nila Yun"
" Sure ?"
" Syempre "
Ngumiti Siya.
" Thanks "
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
" So Bestfriends na Tayo ha "
" Hindi pa nga"
" Okay , Classmates"
––––——
LUNCH BREAK
Habang nililigpit ko Ang aking mga gamit.
" Arcie may baon ka? "
" Wala eh, bibili lang ako sa canteen. "
" Okay , gusto mo samahan kita?"
" Sige ba "
" Teka lang kukunin ko muna baon ko "
" May baon ka naman pala bat ka pa sasama sa canteen "
" Wala Kasi akong kasabay Kumain, Tara na "
At pumunta na nga kami sa canteen. Pumili na ako Ng ulam at bumili Ng rice.
" Arcie bukas magbaon ka may alam akong pwede nating gawing kainan ."
" Subukan ko lang "
" Sige na Kumain na Tayo gutom na ako " Sabi niya habang haplos ang kanyang tyan.
Pagkatapos Ng lunch ay balik na ulit kami Ng classroom at nagpatuloy na sa pagtuturo si ma'am.
Dismissal
Pagkatapos magbell ay agad na nagligpit ang lahat.
"Class deritso na sa Bahay ha wag na kayo pumunta sa kung saan. " Paalala ni ma'am bago kami tuluyang pinalabas Ng classroom.
" Yes ma'am " tugon Ng iilan naming mga kaklase.
Habang palabas na ako Ng gate may biglang tumawag Sakin .
Si Damian.
" Arcie " tawag niya habang tumatakbo papunta Sakin. Huminto ako at hinintay Siya . Hingal na hingal Siya pagdating niya.
" Lakas mo naman humingal parang kalabaw lang ah "
"Ikaw ba naman tatakbo di kaba hihingalin nakailang tawag na ako Sayo di ka man lang huminto "
" Hindi ko narinig "
" Nga pala Arcie san ba bahay niyo? "
" Ah doon lang sa kabilang kalye yung may malaking tindahan "
“Sa bandang doon din ang bahay namin.”
" Niloloko mo lang Ako eh"
" Hindi ah "
Habang naglalakad kami panay tanong naman si Damian. Tulad Ng kung Anong gusto Kong food, color , at marami pang iba. Hanggang sa nakarating na kami sa Bahay Namin.
" Damian dito na ako , ito na Bahay Namin."
" Kayo pala ang bagong lipat Dito, Magkapitbahay lang tayo Arcie dun lang Bahay Namin oh Yung pangalawang Bahay galing Dito sa inyo . " Sabi niya habang tinuturo ang kanilang bahay.
" Okay, sige Damian pasok na ako "
" Sige Arcie, see you bukas sabay Tayo papuntang school ah at tsaka magbaon ka rin Ng lunch. " Aniya
" Oo " at naglakad na Siya papunta sa kanila ako naman ay pumasok na rin at isinara ang gate .
" If the first day went this well, maybe the rest wouldn’t be so bad. " Sabi ko sa isip ko.