Natughaw ang uhaw at pagkagutom ko matapos kong bitawan ang wala nang buhay na katawan nito. Hindi pala sapat ang pagkaing pinadala ni Father dahil hayok na hayok kong nilantakan ang hawak kong laman ng lalaki pero nang ma-realize ang lahat, nanlalaki ang mata kong binitawan at niluwa ito pero huli na. Huli na dahil natikman ko na ang pagkaing hindi pangkaraniwan ang lasa at... nagustuhan ko ito sobra. H-hindi," anas ko nang bitawan ko ang wala nang buhay na katawan ng lalaki. "B-bakit?" Naluluha kong tiningnan ang mga kamay kong puno ng dugo. Napaurong ako bigla at natigagal na napatitig sa nabiktima ko. Aswang lang ang uubusin ko hindi ang mga tao pero huli na dahil nadala ako ng pagkahalimaw ko. Unti-unting nagbago ang anyo ko kasabay ng biglang paglingon ko sa pinto. May mga taong pa

