Natigilan ako nang lalo pa'kong lapitan ng mga ito. May mga bitbit na flashlight ang mga ito at ang dalawa, hawak naman ang torch na nagliliyab sa apoy. May nakasabit ding mga baril sa bewang ng tatlo at isang itak naman ang dala ng isa pa. "Delikado rito, Miss, ba't nandito ka sa gubat?" Mabilis na nakaupo ang lalaking nagtanong sa tabi ko, "Hindi ka b-ba natatakot dito na baka may magsulputang halimaw at bigla ka na lang patayin?" Tumikhim ang isa pang lalaki na umupo rin sa tabi ko, "Sa ganda mong 'yan, sayang naman. Kanina pa kami naglilibot dito pero wala pa kaming naeengkwentro. Marami na ring napatay ang mga tao at kapulisan. Siguradong matatakot ang mga halimaw na 'yan sa tao dahil pwede nang gumamit ng baril para proteksyon na rin ang mga sarili namin." Hindi ko na namalayang n

