Episode 8: Sa Kuta ng mga Aswang

1520 Words
Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malakas na paghiyaw ko. "Mihael, bilis! Maghanap tayo ng masisilungan." Aligaga ako nang ikutin ko ang paningin ko para makahanap ng lugar na pwedeng masisilungan pero basang-basa na kami pareho. Sa isang sira-sirang kubo kami humantong ni Mihael. May mga siwang na ang mga ito at sira na rin ang kanang bahagi ng bubong. Madilim na rin kaya tanging cellphone lamang ni Mihael ang nagagamit namin bilang ilaw ngayon. Halos umabot kami ng isang oras dito para hintayin ang pagtila ng ulan. "S-Sana tumila na ang ulan. G-gusto ko na talagang makaalis dito, best." Maya-maya pa, huminto na rin ito kaya labis ang tuwa ko. "Let's go." Hatak ko na sa isang kamay ang lalake na tahimik lamang. "Ok ka lang?" Tumabi ako rito nang hindi ito gumalaw. Inagaw ko sa lalake ang hawak nitong cellphone. Nakasandal lang ito sa kawayang dingding ng kubo at nakapikit ito. "M-Mihael?" Bigla kong hinawakan sa braso ang binata. Malamig ang katawan nito. "H-hoy, ano ba! Ano'ng nangyari sa'yo?" Ungol ng binata ang narinig ko kaya napayakap ako bigla sa sobrang pag-aalala rito. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang pailawan ko ang mukha nito. "Ang... ang t-tiyan ko, R-Roxy, masakit. Nanghihina a-ako." Natigilan ako at napalingon kung sa'n kami nanggaling kanina. Hindi kaya kagagawan ng mga iyon ang pagkakaganito ng mahal ko dahil kumain ito kanina ng inihandang pagkain ng mga taong iyon? Sinasabi ko na nga ba! Hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. Nasa panganib kami, 'yon ang nasisiguro ko. Sinalat ko ang balat ni Mihael—animo yelo sa lamig ang katawan nito. Nataranta na'ko! Kailangan kong madala sa ospital ang lalake. Labis-labis ang pasasalamat ko nang maging ambon na lang ang malakas na ulan kanina. Kailangan na naming umalis dito. Lumabas ako para tingnan ang paligid pero natigilan ako at pinanlamigan ng katawan. Ang mga taong nakatingin sa'kin, tumalikod ang mga ito bigla. Hindi ko sila kilala. Hindi ito maaari. Hindi matatawaran ang kabang naramdaman ko habang sinundan ko ng flashlight ang paglayo ng mga ito. Marami sila! "R-Roxy, h-help meee." Pumasok na naman ako sa loob nang marinig ko ang boses ni Mihael. Kailangan kong mag-isip kung papa'no ko ililigtas ang lalake. Mag-isa lang ako rito at kung may gawin mang masama ang mga tao rito, alam kong hindi sapat ang lakas ko. Marami sila at nag-iisa lang ako. "R-Roxy, p-please look for h-help. T-Take me to the h-hospital now." Sinundan ito ng pagngiwi ng binata na may pamumutla na sa mukha. "I c-can't explain it, parang... parang hinahalukay ang t-tiyan ko." Napalapit na naman ako sa kanya. "Ikaw kasi, sana hindi ka kumain ng pagkain nila. Nasira tuloy ang tiyan mo!" Alam kong may ginawa ang mga ito kay Mihael. Hindi ako eksperto sa mga ganito kaya isa lang ang naisip ko, ang ipasuka ang kinain nito. Agad kong nilagay ang daliri ko sa loob ng bunganga nito na ikinagulat nito. "Isuka mo ang kinain mo, baka may pinakain sila sa'yo kaya sumama ang tiyan mo." Inis na pinaling ng binata ang ulo para iiwas ito sa dalaga. "Are you out of your mind, R-Roxy?" asar na saad ni Mihael nang tuluyang matanggal ang kamay ng dalaga. "Ano bang p-pinaggagawa mo?" "Isuka mo, M-Mihael," iritadong utos ko pero nang hindi ito sinunod ng binata, malakas na hinampas ko ang likod ng huli. "T-trust me, best. Oras na masuka mo 'yan, magiging ok ang p-pakiramdam mo." "Ano ba! Tigilan mo'ko, Roxy!" "Hindi tayo pwedeng maglagi rito, delikado." Nang muli kong silipin sa butas ang mga tao kanina, hindi ko na makita ang mga ito. "M-Mihael, wala na sila. Mukhang may balak silang masama sa'tin." Napaungol lang ang binata nang muli itong makaramdam ng p*******t ng tiyan. "Ahh, R-Roxy, I can't take this. T-this is bad talaga. Please, help me." Panay ang pisil nito sa tiyan. Napahiga na rin ito sa sira-sirang sahig ng bahay-kubo bago bumaluktot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dahil sa pagtakwil ko sa lahi ko, hindi ako naging interesado na pag-aralan ang lahat ukol sa mga ito. Ang alam ko lang na kaya kong gawin ay ang i-transform ang sarili ko. Ang mga ganitong bagay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "T-Tara, Mihael, umalis na tayo rito." Tuluyan nang tumila ang ulan kaya makakaalis na kami. Pilit kong dinial ang numero ng tricycle driver pero nadismaya lang ako nang makita kong walang signal. Ang cellphone ko naman, hindi ko magamit dahil nabasa ito kanina nang mahulog ako sa ilog. Puno pa naman ang battery ng cellphone ni Mihael pero natatakot akong maglagi nang matagal sa lugar na ito. "Best, try mong maglakad. Hihingi tayo ng tulong." Halos maiyak na'ko nang makita ko ang pamumutla ng mukha nito. Mabilis akong umalalay nang tumayo ang lalake. "Ang tigas kasi ng ulo mo, sinabi ko nang 'wag tayo pumunta rito pero namimilit ka." Kahit yata ano'ng sisi ko, huli na rin dahil nandito na rin kami. Kahit hirap ako sa pag-aalalay kay Mihael dahil sa matangkad at malaking tao ito, nagpatuloy pa rin kami ng paglalakad sa kasukalan ng gubat. Walang direksyon ang mabagal na paglalakad namin pero nagbabasakali akong makakita ng bahay dito para matulungan kami. Nasa kalagitnaan na kami ng gubat nang biglang matumba at mawalan ng malay si Mihael. "M-Mihael!?" Umalingawngaw ang sigaw kong iyon nang mabitawan ko sa pagkakahawak ang lalake. Nakabulagta na ito sa damuhan at lalo lang akong nabahala sa kalagayan niya nang maging malamig pa sa bangkay ang katawan nito. "Mihael, ililigtas kita, mahal ko." Mabilis ang naging desisyon ko—nakaramdam ako ng sakit sa buong katawan ko nang pilit akong magbagong anyo. Nanigas ang mga daliri ko at ilang sandali pa, mahinang ungol ko ang unti-unting pumuno sa gubat nang unti-unting lumabas ang kulay itim at matulis na bagay sa likod ko—ang aking pakpak. Bigla akong napaluhod sa pagbabagong nararamdamam ko sa katawan ko. Kailangan kong lumipad at maghanap ng tulong. Nararamdaman ko ang unti-unting panginginig ng labi ko at hindi na maampat na pagtulo ng laway ko. Ang mahinang ungol ko, naging mabangis na ito bago ako umatungal nang pagkalakas-lakas. Nakakakilabot ang hatid ng malaking boses ko na pumuno sa gubat. Ang makinis kong balat, naging itim at magaspang na ito. Ang mala-anghel at nakakahalina kong mata, naging kulay apoy na at nagniningas sa dilim. Nakikita ko ang lahat sa kadiliman dahil mas naging matalas ang pakiramdam ko at mas naging malinaw ang paningin ko. Isa ito sa mga katangian ko sa gabi, malinaw ang dating ng mga bagay na nakikita ko sa buong paligid. Bigla ang pag-ungol ko nang makarinig ako ng kaluskos—mga ligaw na hayop! Ang malalabanos kong mga paa na asset ko, naging isang malakas at maskulado kasabay nang unti-unting paghaba ng kuko sa daliri ng paa at kamay ko. Ang mahaba kong buhok, nililipad ito ng hangin. Ang mapuputi at pantay-pantay kong ngipin, nagiging matulis at humahaba ito. Isang sakmal lang, siguradong ikakamatay ng sinuman ang kagat ko. Isa na'kong makamandag na aswang! Unti-unti akong tumayo at bumuka ang malaki at itim na itim kong pakpak. "M-Mihael?" tawag ko sa pangalan nito pero wala pa rin itong malay. "Ililigtas kita, mahal ko." Hindi na babae kundi boses lalake na ang tunog ng boses ko, kakaibang tinig na bahaw at buong-buo. Pumagaspas ang malaki kong pakpak nang buhatin ko ang walang malay na lalake. Pumailanlang ako paitaas. Pataas nang pataas hanggang malagpasan ko na ang nagtataasang puno sa gubat na ito. Nakaramdam ako ng kalakasan, ng isang hindi matatawarang kapangyarihan nang mapatingin ako sa buwan. Nagiging kulay pula ang kulay nito at ang mga ulap, itim ang nakikita ko nang gumalaw ito at matakpan nito ang sinag ng buwan. Napatingin ako kay Mihael, sa maamo nitong mukha bago ako bumulusok paibaba. Pumapagaspas na ang pakpak ko palayo sa lugar na ito. Napangisi ako nang makita ko ang mga tao sa baba, nanlilisik ang mga mata nito at nakatingin ang mga ito sa'min. Kahit malayo ang mga ito, kitang-kita ko at ramdam na ramdam ang presensiya ng mga ito. Isang atungal ang ginawa ko nang bumilis ang paglipad ko palayo sa gubat na iyon. Hawak ko ang mahal ko at pangko ito na parang babae, ni hindi ko maramdaman ang bigat nito. Muli akong pumaitaas para hindi makalapit ang mga ito. Nakarinig ako ng mga tunog—mga boses na maliliit pero kalaunan, papalakas na ito nang papalakas. Mga tunog na tanging aswang lang ang nakakagawa. Tama ako! Nasa kuta kami ng mga aswang. Gumagalaw ang mga puno sa ibaba nang tingnan ko. Mukhang nagpapatintero ang mga nilalang sa ibaba, ang mga batang aswang na tumatakbo nang mabilis. Walang kakayahan ang mga itong lumipad kagaya ko dahil hindi pa ganap na nakatungtong ang mga ito sa tamang edad. Isang atungal na malakas ang ginawa ko bago ako lumipad nang paitaas pa para makalayo sa lugar na iyon pero sa paglingon ko sa likuran ko, may mga itim na nilalang akong nakita; kagaya ko sila. Napakabilis! Marami sila at hindi ko mabilang kung ilan ang lumilipad patungo sa'min ni Mihael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD