Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Losang kina Pogo at Pinky nang makauwi sa mansion ng mga Policarpio. Namiss niya ang mga alaga niya. Sobra sobra! Nasa labas ng quarter ang mga alaga niya, siguro ay pinasyal kanina ni Deth ang mga 'to. "Hey, napaka-unfair naman ata? Sobra kang humalik sa kanila nang makita mo sila. E ako? Hindi naman ganyan ang sinalubong mo sa akin ha?" Halata sa boses ni Yuel ang pagseselos na ikinatawa niya. Lalo na ngumuso ito na tila bata. Wala na ang mga kaibigan ni Yuel at nagsiuwian na. Mag-usap na raw muna sila. "Eh bakit ba? Namiss ko sila eh," pagtataray niya sa binata, pilit itinatago ang pagtawa. "Paano naman ako? Hindi mo namiss?" -Yuel "Paano ko mamimiss ang nanloko sa akin aber? Sige nga?" Aniya sa binata na lalong lumala ang pagkasimangot. "Bati na

