"Sumama ka sa akin Losang, gusto ka raw makita nina Mr. Tremor." Napatingin si Losang sa kanyang Madrasta nang umagang iyon habang nag aalmusal sila. "Ha? Bakit po?" "Gusto kang makita kung may damage ka." - Madrasta Napasimangot si Losang. "Mas mukhang may damage pa po kayo sa akin, " pabulong niyang sabi. "Anong sinabi mo?! " Asik ng Ginang sa kanya. "Ha? Wala po akong sinasabi," tanggi niya. "Oh hala bilisan mo diyan. Dinala ko na sa kwarto mo ang damit na susuotin mo mamayang pupunta tayo kina Mr. Tremor, " sabi pa ng Madrasta niya. "Damit? May damit naman po ako eh, bakit bibigyan niyo pa ako?" Takang tanong niya. Nagkatinginan ang Madrasta niya at ang Ama niya at hindi nakaligtas sa paningin niya ang bagay na iyon. "Wala ng tanong tanong Losang, pwede ba?" Halata sa mukha n

