Nagpasalamat siya kay Minerva bago bumaba nang nasa mansion na siya ng mga Policarpio. It was 10pm in the evening. "Magpahinga ka muna Losang, tsaka kayo mag-usap ni Yuel bukas." Bilin ng babae. "And I'm sorry kung kasali si Matrix dito. I'll talk to him, I won't tolerate him, dear." Muli siyang tumango at nagpasalamat. Hindi siya papayag na madatnan pa ni Yuel o ng kahit sino sa mga magkakaibigan. Masyado na siyang tanga kung mananatili pa siya rito sa mansion. Dali dali siyang nagtungo sa quarter nila, nang nasa harap na siya ng pinto ay inayos niya ang sarili. Pinunasan ang mga luha atsaka pumasok. Tulog na ang dalawa. Marahan siyang kumilos at nag-empake. Bumagsak na naman ang mga luha niya, iniwan niya ang mga gamit na binili ni Yuel, nag-iwan siya ng sulat kina Madi para hindi ma

