Kinabukasan na nakauwi si Yuel, dahil napasarap ang good time nila ni Kaji. Medyo may hang over pa siya nang makauwi sa kanilang mansion. Mangilo ngilo pang bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay nila, hindi na siya mabigla nang makita ang Kuya Yclyde niya na nakaupo sa sofa at waring may hinihintay. At alam naman niyang siya ang hinihintay nito. Nakasalubong ang kilay nito na alam niyang galit. Sa bandang sulok ng sala ay naroon si Losang na nagpupunas ng mga base. Parang lalong sumakit ang ulo niya nang masilayan ang mukha nito. Lalampasan sana niya ang kanyang kuya nang tawagin siya nito. "Yes?" Painosente niyang tanong habang hinihilot ang batok. "We need to talk." "We're already talking, Kuya, " pilosopo pa niyang sagot na lalong nagpainis sa seryosong mukha ni Yclyde. "Wh

