Ang ginawa nilang diskarte ni Madi ay pinasuot siya nito ng head band para maitago ang bangs, mukhang okay naman. "Hayan! Kapag kasi boring, huwag ang buhok ang pinagdidiskitahan okay? " Paalala pa ni Madi sa kanya habang tumatawa pa ito. Napanguso siya. "Gusto ko lang naman na maging maganda sa paningin ni Matrix eh," aniya na muli ay ikinatawa ng kaibigan. "Tamado ka talaga doon noh? Iyan napapala ng nagpi-feeling maging maganda. Lalong pumapangit." Tinampal niya si Madi. "Sakit mong magsalita ha? Ganda ka?" Aniya at tumayo na. "Maglilinis na ako, diyan ka na! Babush!" Tsaka na siya lumabas ng kanilang quarter. Papunta siya ngayon sa may garden. Magdidilig na siya ng mga halaman, ang ganda na ng mga alaga niya. Namumukadkad. Gaya ng nakagawian, pa kanta kanta pa siya habang ginag

