Para kay Yuel, tila hindi naman siya na-relax sa nangyaring outing. Tila na-stress pa nga siyang lalo dahil sa Losang na iyon. Mag gagabi na rin at kakauwi lamang nila ng mansion galing sa beach na iyon. Pagod niyang ibinalibag ang katawan sa kanyang malambot na kama. Na-miss niya rin ang kwarto niya. Pumikit siya ngunit ilang saglit lamang ay muli niyang idinilat ang mga mata. Dahil naglaro sa balintataw niya ang pangit na mukha ni Losang. Ipinilig pilig niya ang ulo upang maalis sa kanyang imahinasyon ang nakakaasar na pagmumukha nito. Jeez! Why am I thinking of that alien? Bago pa siya makaisip nang kung anu-ano ay naisipan na lamang niyang maligo. ________________________________________________ ___________________________________ "Dapat hindi na muna tayo umuwi eh." Reklamo ni

