Ipinagpatuloy ni Losang ang paglilinis nang umagang iyon. Pero pakiramdam niya wala pa rin siyang gana. "Hoy Losang! Ang tamlay natin ngayon ha?" Napatingin siya kay Nard na may hawak na pang-cut ng halaman. Pagkaraan ay muling ibinaling ang paningin sa dinadamo. "Hindi lang maganda ang gising ko. Dumagdag pa ang mokong nating amo." "Sino? Si Mortal enemy mo? Si Senorito Yuel? " Natatawang tanong sa kanya ng lalaki. Napanguso siya. Eh sino pa nga ba ang kinaiinisan niya sa pamamahay ng mga Policarpio? "Crush mo lang ata si Senorito eh," sabi ni nard habang tinutusok tusok siya sa tagiliran. Hinampas niya ang kamay nito. "Ako ay tigil tigilan mo nga Nard ha?! Iyon? Magugustuhan ko? Mukha ba akong pumapatol sa abnoy?" Magkakasunod na tanong niya sa kausap. "Aba malay mo. Kaso pala m

