"What happened to their '7pm'?" ani Yuel kina Matrix at Tyler Adezar na magpinsang may mga asul na mga mata.
Ang dalawang ito ang may ari ng Resto-Bar na kinaroroonan nila ngayon.
Isa lang ang bar na to sa iba pang mga business ng mag-pinsan.
"Baka may mga meeting pa?" Sabi ni Matrix na painom-inom na.
Silang tatlo pa lang ang naroon, wala pa sina Emeth, Spike, Dox at ang nagsabi ng 7pm na si Kaji.
"They're always like this, pa-VIP," sabi ni Tyler na natatawa.
Hindi na lang siya tumugon. Maya-maya ay may tumatawag sa cellphone ni Matrix.
"Yes?"-Matrix.
"Look Cara, you don't need to wait for me. Hindi kita asawa, so stop. You slut!" Dinig nilang sabi ni Matrix sa kausap, bago pinatay ang cellphone.
"I think, napaka rude ng sinabi mo," Turan ni Tyler.
"Cara is nice,"Dagdag pa nito,
"Tsk. She's acting like she's my wife. She's just my Bed Warmer!" Anito na tila naiinis.
Kilala na niya si Cara, 'yung babaeng kasama nila noong sunday. Yung mahinhin,
Hindi niya masisisi si Matrix na maging Rude kapag masyado ng clingy ang babae at di alam saan ilulugar ang sarili. Pero di niya lang ma-gets bakit di pa idispatya ni Matrix si Cara?
Minsan di niya maintindihan ang mga barkada niya, kung siya ay babaero si Matrix naman ang Rude sa mga babae.
Sinasabihan ng masasakit na salita, samantalang si Tyler ay iwas sa babae. Mahirap kunin ang loob.
Magkaibang-magkaiba ang magpinsan.
Si Dox naman ang pinaka Badboy sa kanila, As in Bad boy talaga. Rebelde sa magulang.
Si Emeth naman ang walang hilig sa babae, Snob ba. Parang si Spike. Si kaji naman ang pinaka mabait sa kanila, Friendly type.
May mga bagay na hindi sila magkakasundo pero mas marami ang bagay na nagkakasundo sila that's why they have been friends for a long time.
Habang nagtatalo ang magpinsan dahil kay cara ay dumating naman ang apat.
"7pm huh? It's already 9:30," bungad niya kay Kaji.
Ngumisi lang ito at nagsimula ng mag umpukan.
Damn! Mukhang bagong ligo ang lahat. At siya? Pagkagaling sa opisina diretso bar na siya dahil nga 7pm ang usapan. Naka Office Suit pa sya samantalang nakapang gala ang lahat.
"Dude, Magkwento ka naman tungkol sa chika babe," Anito sa kanya.
"She's not chika babe! She's an alien," sabi niya habang lumalagok ng alak sa baso.
"Hey, She's Hot, " sabad ni Matrix.
"Damn! Nag iiba na ba taste mo?" Sabi niya sa kaibigan.
"Nope. I just find her cute and hot at the same time," dagdag pa ni Matrix.
"You're unbelieveable," He murmured.
"Anyways, Kamusta ang lakad niyong dalawa?" Ani Tyler kina Spike at Kaji.
"Great," ani ni Spike.
"Ang tipid mo naman magsalita Baby Spike," pang aasar ni kaji.
"Damn you! Wag mo ng isama ang baby sa pangalan ko," sagot ni Spike na nayayamot.
Nagtawanan sila.
"Sino ba kasing nagpangalan sa'yo at 'di niya naisip na masagwa na ang 'baby' kapag lumaki ka?" Ani emeth na natatawa.
"My Ate." Anito na nakabusangot.
"Ah my honey?" Ani kaji.
"Tigilan mo nga ang ate ko!" Sabi ni spike na ikinatawa nila.
Ang ganda kasi ng Ate neto, Parang manika. Mga tipo niya kaso di niya pinapatos dahil kay Spike.
"Parang ang pangalan ni Yuel, May SIMON" Sabi ni Kaji na siya naman ang napagbalingan ng pang aasar nito.
"At ni Emeth na may manuel." Ani matrix pagsali ni Matrix sa pang aalaska sa mga pangalan nila.
Nagtawanan sila,
"Napaka tahimik mo yata Dox?" Usisa niya kay Aperdox. Nagkinbit ng balikat ito.
"Don't mind me, It's a family thing," anito habang humihithit sa sigarilyo.
"Then iinom na lang natin yan," ani Tyler na itinaas ang bote ng alak.
Inumang magdamag na naman ito.
-
-_________________________________________
___________________
Pa-kanta kanta si Losang habang ginugupitan ang mga halaman ng umagang iyon ng matanawan ang papasok na kotse ni Yuel.
"Inumaga ang kumag, mga mayayaman talaga oh," bulong ni Losang sa kanyang sarili.
Nakapasok na ang kotse at papunta na sa garahe, Hinatid pa niya ng tanaw ang kotse at nakita ang pag ibis ng binata habang hilot hilot ang batok.
"Kuuh. Naglasing ang kumag," patuloy niyang bulong sa kanyang sarili habang minamasdan pa rin ito.
Nang mapatingin ito sa kanya kumaway siya sa binata at sinuklian nito iyon ng nakakatakot na irap.
Napangisi siya, ang saya niya talaga kapag naiinis niya ito.
Nang may maisip, siguradong maiinis ito lalo sa kanya.
"Ehem! Goodmorning Sir Simon!'' Sigaw niya rito na ikilisik ng mata nito, Mabilis itong naglakad papuntang main door. Nakakatawa ang pangalan nito, pinoy na pinoy. Simon talaga ang bigkas, hindi Saymon.
"Yuhooo! Morning Sir Simon," pagpapatuloy niyang sigaw dito, sabay hagikhik.
Tumigil ito at hinarap siya,
"Stop calling me 'simon'. Look we're not close para tawagin mo akong ganun," anito na tila nagpipigil ng galit.
"Am sorry" aniya pero di naman mukhang nagso sorry.
"Do you understand ?" Anito na nakapameywang.
"Yes Sir Simon." Patuloy niyang pang aasar. Nakayuko siya para itago ang pagtawa.
"Alien," anito na ramdam niya ang yamot sa tinig.
"Losang po. Tawagin mo akong Losang di na kita tatawaging Simon."
"Ako ang boss dito."
"Kaya nga po."
"So you don't have the right na sabihan ako kung anong itatawag sa'yo."
"Opo Sir Simon."
"Losang!" Mariin at nagpapasensyang sabi nito sa kanya na halos sapakin na siya.
"Yes sir Yuel?" Aniya na nakangiti kasi tinawag na siya sa pangalan niya.
"s**t! I don't know what to do with you!" Anito at tinalikuran siya.
Napahagikhik siya, Pikon talaga ke lalaking tao.
Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa na may ngiti sa labi.
Pagpasok ni Yuel sa kwarto ay ibinalibag ang katawan sa kama. Matindi ang pananakit ng kanyang ulo at batok dahil sa magdamag na pag inom kasama ang anim.
Idagdag pa ang abnoy na tomboy na bumungad sa kanya, hindi niya alam saan nito nalaman ang 'simon' sa pangalan niya. Nakakaasar talaga.
"Simon, open the door."
Hayan pa ang isa...
Ang mama niya, tumayo siya at binuksan ang pinto.
"Ikaw Simon ah! Magdamagan ka na naman sa alakan na 'yan, may pasok ka sa opisina anong oras na! My God, Simon," talak ng Ginang sa kanya, Umupo ulit siya sa gilid ng kama at yumuko. Inaantok talaga siya,
"Tignan mo na simon--"
"Ma! Drop the 'simon' Lalong sumasakit ang ulo ko," Aniya na napahilot sa sentido.
"Whatever. Maligo kana at bumaba, magkape ka ng mapait pait para mawala yang hang over mo. Uutusan ko si Losa---"
"Ma no! Wag si Losang. Wag ang alien na yun. Ako nalang kukuha ng kape ko," putol niya sa sasabihin sana ng ina at mabilis na tumayo at naglakad papuntang banyo.
"Please Lock the door, when you leave Ma." Sabay pumasok na sa banyo.
Sa ganitong kalagayan niya si alien ang pinaka huling taong gusto niyang makita.
-
_______________________________________
___________________
"Si madam oh, ako pa inutusan maghatid ng kape ni Sir kumag, Hardinera kaya ako dito," Bubulong bulong si Losang habang paakyat sa hagdan patungong kwrto ni Yuel.
Nang nasa harap na siya ng pinto hinawakan na niya ang seradura at pinihit na yun.
"Sir Kape m-----" Nanlaki ang mata niya sa bumungad sa kanya. Pati si Yuel na pinupunasan ang buhok ay natigilan habang nanlalaki ang mata gaya niya.
Bumaba ang tingin niya sa p*********i neto na walang saplot at lalong nanlaki ang mata niya.
Imbes siya ang sumigaw si Simon ang sumigaw at di alam paano tatakpan ang babang bahagi ng katawan.
"f**k! Out!" Anito na dinuro siya.
Kinalma niya ang sarili,
"Hahatiran ko po kayo ng kape." Talagang naisip pa niyang sabihin iyon habang nakahubad ito sa harap niya.
"Don't you know how to knock?" Anito na sobrang tinakpan ng towel ang harap na akala mo naman ay dadakmahin niya.
"Sabi po kasi ni ma'am pasok lang ako di niya ni-lock." Aniya na napanguso.
"Lumabas kana! Dalhin mo yang kape mo. Leave me alone!" Anito na mataas pa ang boses. Napangiwi siya.
"Okay. Akala mo naman ngayon ko pa lang nakita yan dahhh." Aniyang pabulong.
Nakita ko na kaya iyan noong una pa lang.
Ibinulong na lang niya sa isip ang huling salitang iyon.
"What?!"
"Wala po. Bye Sir," aniya at sinarado ang pinto.
"Jusko, ang inosente kong mga mata!" Impit sigaw niya sa sarili.
"Nanonood namn ako ng porn pero iba pala kapag personal." Dagdag pa niya habang napapangisi.
Nilisan niya ang second floor na may malawak na ngiti sa labi.