"Huy! Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Ani Madi nang magkita sila sa likurang bahagi ng mansyon, nagtatangal kasi siya ng mga tuyong dahon.
Napakagat labi siya at muling napangiti na tila timang.
"Hala? Ano nga?" Kulit pa ng kaibigan.
"Wala..." Bulong niya at tila baliw na natatawa.
Paano kasi naalala niya ang tagpo kanina.
"Ano nga losang?" Sabi ni Madi.
"Ahm.. pars nakakita ako ng american size." Aniya at napahagikhik.
"Huh? " naguguluhang si Madi.
"Ay naku, wala," aniya at humalakhak.
"Ganito siya kahaba at ganito kataba," dagdag bulong niya sa at iminuwestra sa kamay ang nakita kay Yuel.
"Losang? ewan ko sayo!" Ani Madi at iniwan siya. Humalakhak siya..
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa nang may narinig siyang tumalon sa pool, dali-dali niyang tinignan at nakita si Yuel na naglulunoy sa tubig.
Pagkaraan ay aahon at muling tatalon at magpapabalik-balik sa paglangoy.
"Tsk, ang tambok na ng harapan pati ba naman ang pwetan? No wonder dami niyang nabibiktima," bulong niya sa sarili..
"Oo nga..."
"Marami talagang maloloka sa kanya. American size e," muli niyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ang binata.
"Type mo?"
"Kuuh. 'Di ko, Di ko kakayani----" dahan-dahan siyang lumingon ng ma-realized na kanina pa may sumasagot. Para lang mapatda at manlaki ang mga mata, napatakip pa s'ya ng palad sa bibig.
"Ma'am Helena kayo hoj pala..." aniya na gustong manliit sa kahihiyan.
Humalakhak ang Ginang,
"Nakakatuwa ka talaga Losang. May gusto ka ba sa anak ko?" Anito na pilit sinusupil ang isang mapang asar na ngiti.
"Po? Wala po Ma'am, sunget sunget ng anak niyo." Sabi niya na namumula pa rin sa kahihiyan.
Lupa! Please lamunin mo na ako! Buong-buo!
Natawa ang Ginang at napailing-iling pagkaraan ay iginala ang paningin sa paligid.
"Gumanda lalo ang mga bulaklak ko Losang, napakalamig siguro ng kamay mo," pansin ng Ginang sa mga halaman. Nilapitan pa nito ang mga bulaklak at sinamyo-samyo.
"Alam mo bang ang anak kong si Yclyde ay mahilig din sa mga bulalak? Napaka romantic ng anak kong iyon." nakangiting wika ng Ginang at tumingin sa kanya.
"Makikita mo na din sila niyan Losang, darating sila this week. At for sure magiging malaya na naman sa pag gala si Yuel dahil darating na ang mga kuya niya at sila ulit hahawak ng kompanya," anito na napapailing. Wala siyang magawa kundi makinig sa sinasabi ni Mrs. Policarpio,
"Kailan kaya titino ang bunso ko, He's not getting any younger," Wika pa ng Ginang na tila namomroblema.
"I'm afraid na magka apo ako ng kung kaninong babae lang," anito at nginitian siya.
"Wala po ba siyang Jowa?" Hindi niya alam bakit iyon ang naitanong niya sa kaharap. Natawa ang Ginang.
"Meron, si Nataly. Nasa Guam siya sa ngayon, maiiwan na kita hija at ako'y magpapahinga muna." Pagkaraan ay tumingin sa may gawing pool.
"You can watch him all day," Mapang asar na sabi pa nito. napangiwi siya at namula. Hangang sa makaalis ang Ginang ramdam pa rin niya ang pamumula ng kanyang mukha.
Diyos ko, Lord Jesus Amang mahabagin! Hindi ko na po uulitin.
--------------------------------------------
___________________
At dahil Day off ni Losang nagpaalam siya kay Madi na mag mo-mall.
Kanina pa siya palakad lakad sa mall wala pa rin siyang gustong bilhin,
Ipapadala na lang niya sa pamilya sa probinsiya.
"Hey," sabi ng gwapong lalaking papalapit.
Tumingin siya sa kanan, pagkatapos ay sa kaliwa.
Ako ba kausap nito?
Aniya sa sarili, tumigil sa harapan niya ang lalaki at nginitian siya
Ako nga.
Muli bulong niya.
"Bakit? " maangas niyang tanong dito.
Natawa ng bahagya ang lalaking ngayon lang niya napansing may mga asul na mata.
"Don't you remember me?" Tanong nito sa kanya. umiling siya.
"That's imposible." Tila hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Oh bakit?" Sabi niya na nameywang.
Nakita niya ang pinipigilang pagtawa ng lalaki.
"Wala. Ako yung isa sa mga kaibigan ni Yuel na kasama niya ng sinundo mo siya." Pagpapakilala nito sa sarili na nakangiti.
"Ah.." aniya na napatango.
"Yes. Now you remember?" Usisa nitong muli at ngumiti sa kanya. Ngiti na nagpalitaw sa mga mapuputi at magagandang ngipin nito
"Hindi pa rin e,"na sabi niya na napakamot sa ulo habang nakangiwi.
Nawala ang ngiti sa labi nito at tila alien siya kung tignan.
"Yuel must be right," bulong nito. "By the way, I'm Matrix Adezar." Aniya at inilahad ang kamay.
"Losang tt your service," aniya at sumaludo pa sa lalaki.
"Maiwan na kita Sir Matrix, mamamasyal ako eh," sabi niya at tinalikuran na ito.
Naiwang nakanganga si Matrix na hindi makapaniwala na ganun ganun lang siyang iniwan ng babae. Dahil halos lahat ng babae ay ninanais siyang makausap, pero ito, tila wala lang.
_________________________________________
____________________
Busy ang lahat ng tao sa mansion dahil darating ang dalawang anak ng mag asawang Policarpio na galing sa ibang bansa.
Mas maraming putahe ang kailangan mailuto kesa sa karaniwan, at dahil tapos naman na ang trabaho niya sa hardin kaya tumulong siya sa kusina ng hapong iyon.
"Hija paki halo nga muna itong sauce at baka matuyo," sabi ng mayordoma sa kanya na agad naman niyang sinunod.
"Lalalala..lalalala," aniyang kumakanta habang hinahalo ang sauce.
Nang may narinig siyang yabag papunta sa kusina kaya lumingon siya at nakita niya si Yuel na papasok.
Aga ng uwi huh?
Aniya at akmang babatiin ito ng mapatingin ito sa kanya.
"Hi si----"
Inirapan siya nito ng katakot-takot at tinalikuran.
"Manang Rose, Dalhan niyo po ako ng iced tea sa hardin," Sabi nito habang papalayo.
"Okay po Senorito." Sabi ng Mayordoma.
"Uhm. Manang ako na lang magdadala mukhang busy ka." Presinta niya dito na ngumiti.
"Mabuti pa nga hija, teka lang," Anang matanda pagkaraan ay may inabot sa kanya, -----Iced tea
"Babalik po ako agad," sabi niya bago pakanta-kanta pang nagtungo sa hardin.
"When tomorrow comes, i'll be on my own-nnnnnnn lalalala, when tomorrow comessss.... yeah! "
______________________________
________________
Napasimangot si Yuel nang marinig niya ang kumakantang iyon wala ito sa tono at totoong nakakarindi kung papakingan.
"I got all i need lalala lalalala yahhhh"
Talagang hindi na maipinta ang mukha niya nang makitang si Losang ang papalapit sa kanya.
"Iced tea mo sir yu----"
"Ikaw ba si Manang Rose?" Masungit niyang turan sa babae.
Umiling ito.
"Oh? Hindi po. Losang po pangalan ko, si Manang Rose po yung nandu---"
Itinaas niya ang kamay para patigilin ito sa ano pa mang sabihin ng nakakairitang pangit na Alien na ito.
"In short hindi siya ikaw? Bakit ikaw ang naghatid? Siya ang inutusan ko," masungit na turan pa rin ng binata.
"Naku naman itong si Sir, siempre busy siya sa pagluluto. Ako naman 'tong si mabait at nagpresinta," turan niya na ngiting ngiti.
"Umalis kana nga sa harapan ko," Taboy niya sa babae at ibinaling sa binabasang libro ang atensyon.
After 3mins, Napansin niyang di pa umaalis ang alien.
"What?!" Aniya na pinandilatan ito.
"Walang tenk you? " Usisa nito na nameywang.
"Do I need to thank you?" Kunot noong tanong niya dito.
"Becoz.. becoz, --ay! Basta! Kapag dinalhan ka ng ganyan dapat nagpapasalamat ka," Sabi nito na akala mo kung sino.
"Ayoko." Muli niyang ibinaling sa libro ang kanyang pansin
"Hindi ako aalis dito."
"Bahala ka."
Ayaw na niyang pansinin ito dahil medyo nauubusan na siya ng pasensya, hindi nga umalis ito kaya siya na ang tumayo at naglakad papasok ng mansion.
Nakasunod ito sa kanya,
Marahas niyang nilingon ito
"Will you stop walking after me?!" Asik niya sa dalaga.
"Tenk you muna," pangungulit pa ni Losang sa kanya.
"Dapat marunong kang magpasalamat sa mga pabor na ginagawa sayo." Dagdag pang pangaral ng babaeng ito na bahagya lamang umangat sa lupa.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Gigil na niyang sabi. Tila gusto na niyang batukan ang parasite na ito.
"Mag tenk you ka sabi ee!"
Aba't pinagtataasan pa siya ako ng boses ng alien na 'to!
Nabigla siya nang biglang hinila ni Losang ang laylayan ng damit niya.
"Bitawan mo ako. Yuck!" - Yuel
"Say tenk you!" Sigaw nito at talagang hinihila ang damit niya.
Tinulak tulak niya ito, nandidiri siya sa tomboy na Alien na 'to.
"Leave me alone, you crazy parasite." Patuloy niya itong tinutulak sa balikat. Para silang bata na nag aaway.
"Say tenk youuuuuu" pilit pa rin nito.
"Nang gigigil na'ko sayo! " Inis na inis na si Yuel. Kulang na lang suntukin si Losang.
"Ako din. Gigil na gigil sa'yo!" Sabi nito na parang gusto s'yang kagatin.
"Damn you!" Pilit tinatangal ang kamay nito sa damit niya, taena mahuhubaran na siya neto ee.
"Wow, may love birds dito." Sabi ng isang tinig na kilalang kilala niya.
Napalayo sila ni Losang sa isa't isa.
"Kuya yclyde." Aniya sa bagong dating na nakangisi sa kanila.
"Anong nangyayari dito?" Sabi ng isa pa niyang kuya na si Thrabis.
"Yan! May sira sa ulo ang babaeng iyan!" Aniya na dinuro si Losang na inaayos ang nagulong sumbrero.
Tinignan ng mga kapatid niya si tomboy.
Si Yclyde na nakangisi at si thrabis na seryoso ang mukha.
Nang muling tignan niya si Losang ni walang mababakas na takot sa mata.
"Sinabi ko lang po sa kanya na mag tenk you siya kasi dinalhan ko siya ng iced tea, tapos ayaw niya. Sama sama ng ugali," sabi nito na akala mo kung sinong santa clara sa harap ng mga kuya niya.
Katahimikan, pagkaraan ay humalakhak ang mga kapatid niya.
"Mag thank you ka na kasi Yuel." -si Thrabis.
"Me? Never!" Aniya at tinalikuran ang mga ito.
"Yuel." Ma-awtoridad na sabi ni Thrabis.
Napabuntong hininga siya at hinarap si Losang.
"Thank you." Plastic niyang sabi.
"That's not the proper way to thanks someone, Yuel." --si yclyde na tatawa tawa.
"Diba kuya Thrab?" Nang aasar pa talaga si Yclyde
"Yes. Say it again, this time sincere." Utos ni Thrabis.
Really? Kapatid niya ang mga ito? Bakit ginaganyan siya sa harap pa ng alien na ngayon ay tila nagdiriwang.
Kaya ayaw niyang nasa bahay ang dalawa ee.
"Thank you!" Pasigaw niyang sabi at nagmartsa palayo sa tatlo. Alam niyang nagdiriwang sa tuwa ngayon ang Alien na iyon. Alien na tomboy na mukhang dwende na ugaling parasite.
May araw ka rin sa'kin bwisit na alien ka, humanda ka lang.
Bulong ni Yuel sa kanyang sarili, pinagkaisahan siya ng mga ito.