Ginising ako ng sikat ng araw na sumisilaw sa aking mga mata. Ang ganda ng gising ko, at ang gaan ng pakiramdam ko. Heto at hindi ko naman mapigil ang mapangiti. Naalala ko na naman kasi ganap kagabi. Napatingin pa ako sa suot kong singsing, at napapangiti na naman. Siguro mas masaya ako pa kung nakapag-goodnight kiss ako kay Daisy. Papasok na kasi sana ako sa kwarto niya, pero naabutan naman ako ni Reynan. Galit agad ‘e. Hinatak ba naman ako papunta sa kwarto ko at pinagbantaan pa ako. “‘Wag kang magkakamaling gapangin o pilitin ang kapatid ko, baka hindi ako makapagpigil at mapipilipit ko ang leeg mo.” Nanggagalaiti niyang banta sa akin kagabi. Sira-ulo din ‘e. Akala yata, isa akong kunehong hindi makapagpigil. Hindi ko kailanman pipilitin ang aking asawa. Nangako ako sa kanya na

