Kaagad lumabas ng kotse si Daisy nang ma-park o ang kotse. Agad ko namang sinara ang gate, at sinundan siya. Baka kasi, agad na siyang pumasok sa kwarto. Hindi pa rin kasi niya sinasagot ang aking tanong. Mula sa boutique hanggang dito, hindi na siya nagsalita, umiiwas pang mapatingin sa akin. “Daisy…” Alanganin kong tawag. Nilagay niya ang kanyang sapatos sa shoe rock, at saka ako hinarap. “Tulog na ako…” antok niyang sabi, at iiwan na sana ako. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay. “Mamaya na, pwede ba?” Mahina ko siyang hinila papunta sa balcony. “Onse, bakit ba? Antok na nga ako,” reklamo niya, pero nagpapahila lang naman. Nginitian ko lang siya. “I have something to show you,” sabi ko naman nang nasa balcony na kami, kaharap ang medyo madilim na kalsada. Kumunot naman ang n

