DAISY Sa kabila ng tagpo sa nakakagulat at nakakairitang tagpo sa emergency room kanina, heto at napapangiti pa rin ako, dahil ‘yon kay Vincent. Nakarating na rin sa kanya na na-aksidente si Althea at ako ang nag-assist. Alam niyang medyo eritable ako, pero nagagawa pa rin niya akong patawanin. Kapag kasama ko siya, parang lahat ng nasa paligid ko ang saya. Dati, na-guguwapohan lang ako sa kanya, ngayon ang cute niya na rin. Ngayon nga ‘e, ang ganda ng ngiti, nangingislap ang mga matang tumititig sa akin. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay na sakto namang inangat niya at nilapat sa labi niya. Napangiti na lamang ako. Ang lambing-lambing talaga niya. Ang saya niya pang kasama. “ Naiinis ka pa rin ba?” tanong niya matapos paulit-ulit na halikan ang kamay ko. “Medyo naiinis p

