DAISY Dagsa pa rin ang pasyente sa emergency room. Ngayon nga ay puro mahinang usapan mula sa mga pasyente, mga bantay, at mga medical staff ang maririnig. Ito ang pang-araw-araw na buhay na nakasanayan ko na. Kinalma ko ang sarili habang naghahanda na e-insert ang karayom sa kamay ng batang pasyente na wala ring kurap na tumitig sa akin. Bakas ang takot sa maluha-luha nitong mga mata. Yakap-yakap siya ng mama niya na walang tigil sa paghaplos sa buhok niya. Nginitian ko ang bata. “Baby, ‘wag kang matakot. Mabilis lang ‘to,” sabi ko. Tumango siya, kahit nanginginig ang maliit nitong kamay, tiwala pa rin siya sa akin na hindi ko siya sasaktan. Diniin ko na ang karayom sa ugat niya nang biglang may bumangga sa likuran ko. Dumaplis ang karayom, at bumaon sa ibang parte ng kamay ng bat

