Daisy His Remedy 47

1211 Words

DAISY Nabalot ng katahimik ang buong silid. Nakakahiya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Nakuyumos ko rin ang laylayan ng damit ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Naghalo-halo ang laman ng utak ko, ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang malalagay ako sa ganitong nakakahiyang sitwasyon at na-witness pa ng lahat. “Malinaw na ba ang lahat?” tanong ni doktora na siyang bumasag sa katahimikan. Isa-isa niya rin kaming tinitigan, lalo na si Kuya Reynan na napapahagod na lang sa buhok, habang mahigpit ang hawak sa door jamb. “Sumagot kayo…” sabi niya na parang hinahamon ang kapatid ko. Hindi na niya kasi ito tinantanan ng tingin. “Ikaw, hindi ko pinaghihimasukan ang pagiging kapatid mo,” turo niya si kuya. “Pero sa susunod, matuto kang magtanong, matuto kang alamin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD