“Daisy…” Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Habang siya, walang tigil sa pagbigkas ng pangalan ni Vincent. “Nangako siya… Magkasama kaming tatanda—habang buhay niya akong mamahalin.” Naipikit ko ang mga mata ko. Lahat ng sinabi niya parang pana na tumama sa puso ko. Ang sakit. Ramdam ng buong katawan ko. Mahal nga niya si Vincent. Hindi niya lang ito ginagamit para pagtakpan ang nararamdaman sa akin. Hindi na nga siguro niya ako gusto. Sa maikling panahon, nagawa na nilang magplano ng kasal. Mag-plano ng pamilya. Mapait akong napangiti. Pinahid ang luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata niya. “Daisy, hindi lang siya ang lalaki sa mundo…nandito ako. Handa nang suklian ang nararamdaman mo, pero bakit parang wala akong puwang sa puso mo?” Nilapat ko ang kamay niya sa labi. Li

