27 "Coldness"

839 Words

Sa wakas tuluyan na rin akong nakalabas, hindi lang sa kwarto, kundi pati sa buhay ni Althea. Mga curious na tingin naman ang binabato sa akin ng mga taong nakarinig ng away namin ni Althea. Mga tingin nila, may bahid ng panghuhusga, pero mas nangibabaw ang pagkairita. Nakakaistorbo nga kasi ang mga sigaw ni Althea na hanggang ngayon ay um-echo pa rin sa hallway. Napayuko na lamang ako. Nahihiya ako na salubungin ang mga tingin nila. Baliw nga yata siya. Nandito siya sa hospital, pero kung magwala, parang nasa sariling pamamahay. Ang bigat-bigat man ang mga paa ko, at na-drain man lahat ng energy ko sa away namin ni Althea, determinado naman akong puntahan si Daisy. Agad-agad akong nagtanong sa guard kung nasa loob pa ba ng emergency room si Daisy, pero sagot niya ay umalis na raw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD