ONSE Nang makaalis si Daisy, hinablot ko ang kamay ni Althea na kumakapit sa braso ko, at tinapunan siya ng matalim na tingin. "Akala ko ba magbabago ka na. Akala ko ba, hindi mo na guguluhin si Daisy." Hindi ko na na-kontrol ang sarili at nasinghalan siya. Bumakas ang takot niya. Naipikit sandali ang mga mata. “Onse, wala akong ginawa…” “Walang ginawa? Are you sure?” “Mas pinaniniwalaan mo na ang Daisy na ‘yon kay sa akin na girlfriend mo?” Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa kanya. Kung titingnan siya ngayon, kapani-paniwala ang hitsura niya. Hilam ng luha ang mga matang nagpapaawa. Nanginginig rin ang mga kamay niya. Kaya lang, bago ko sila na abutan kanina, nakarinig ako ng usap-usapan na may pumasok nga raw na pasyente sa emergency room naghahanap ng gulo. “You promised you w

