Pahapyaw akong tumawa at matamlay siyang hinarap. Oo, nagulat ako sa narinig. Kaya lang, wrong timing ang pakipag-hiwalay niya. Tiyak na ako na naman ang sisisihin ni Althea. Humalukipkip ako, sinisiguro kong irita ang makikita niya sa mukha ko at hindi tuwa. "Ano ngayon kung hiwalay na kayo, sir?" “Hindi ko naman sinasabi na dapat may pakialam ka…gusto ko lang sabihin sa’yo…’di na ako nagpapauto sa mga kasinungalingan niya. “ ‘E ‘di congrats…hindi ka na uto-uto.” Inismiran ko siya, at tinaasan pa ng isang kilay. “Daisy…” “Sir Onse, ano ba ang punto mo at sinabi mo pa ‘to sa akin?” “Wala… gusto ko lang malaman mo.” “Gusto mong malaman ko? Bakit, para magiging handa ako, kapag balikan ako ni Althea sa pakipaghihiwalay mo sa kanya?” Hindi siya sumagot. Bumuga lang ng hangin at n

