Matapos ang ilang linggong walang tulog, puro iyak, at pagtatalo ng puso at isip, sa wakas ay natauhan na rin ako. It was time to stop waiting for someone who would never love me. Time to stop living in the shadows of a love that was never mine to begin with. Masaya na siya kasama ang mahal niya, kaya ako, bukas na rin ang puso para sa iba at maging masaya kagaya niya.
For the first time, I agreed to go on a date with Vincent. It was a small step, para sa tuluyang pagbukas ng puso ko. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng salamin, getting ready for our first official date. Kaya heto, at hindi ko naman ma-explain ang nararamdaman ko, naghahalo ang kaba at excitement.
Oo, handa na nga akong buksan ang puso ko para kay Vincent, pero wala 'e... No matter how hard I tried to push Sir Onse out of my mind, he remained there—like an uninvited guest who refused to leave.
Tinapik-tapik ko ang noo ko para tuluyang mawala sa utak ko si Sir Onse. "It’s time to let go, Daisy," kausap ko sa repleksyon ko. "Vincent deserves a chance. I deserve a chance."
Ilang ulit pa akong bumuga ng hangin, pinapakalma ang sarili, binubura ang kung anong kakaibang nararamdaman sa loob ko. Hanggang sa marinig ko ang bosina sa labas.
Sandali ko pa na tinitigan ang sarili sa salamin, at saka tipid na ngumiti. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay dumungaw muna ako sa bintana, siniguro kung si Vincent ba talaga ang dumating, at hindi nga ako nagkamali, siya na nga ang dumating.
Ang tamis ng ngiti niya nang makita ako, agad pang kumaway na ginantihan ko naman. Sabay senyas na bababa na ako.
“Good evening, Daisy." Malambing at malumanay ang boses niya na binabati ako, sabay abot ng bouquet of red roses na agad ko namang tinanggap.
“Good evening, Vincent. Thank you for this," nginitian ko siya ng matamis at inamoy ang bulaklak.
Gusto kong maging masaya at memorable ang unang date namin, kahit paminsan-minsan ay ginugulo pa rin ni Sir Onse ang utak at puso ko.
"Shall we?" tanong niya, habang ang titig ay nakapako pa rin sa akin—titig na parang tumatagos hanggang kaluluwa ko.
Tumango-tango lang ako. Nagmamadali naman niyang binuksan ang pinto ng kotse na para bang takot na magbago ang isip ko. Being a gentleman, tinulungan niya ako na ikabit ang seatbelt na ikinatuwa ko naman.
Ngayon ay patakbo naman siyang pumunta sa driver seat. Napapangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan siya. Kitang-kita kasi sa mga galaw at ngiti niya ang sayang nararamdaman—saya na nakakahawa.
The evening went smoothly. Vincent took me to a restaurant by the bay, a place that felt both intimate and lively at the same time. Bukod sa magandang atmosphere ng restaurant na nakakagaan sa pakiramdam, dagdag rin sa gaan ang aura ni Vincent. Lalong gum-guwapo dahil sa liwanag ng kandila na nasa aming lamesa. Naka-ilang sulyap na yata ako sa kaniya. He was charming, attentive, at walang palya ang mga hirit niya na patawanin ako.
Inaamin ko, sandali kong nakalimutan si Sir Onse. I allowed myself to enjoy his company without the weight of Sir Onse’s presence looming over me.
ONSE
For weeks, I poured all my time into Althea. After everything we’d been through, after the months apart, gusto kong ibigay sa kanya ang buong oras ko, at makalimutan ang nangyari sa amin noon. I wanted to make sure she felt secure, at maalis ang pagdududa niya tungkol sa amin ni Daisy. Kaya nga kahit miss ko na si Daisy, tinitiis ko. I avoided calling or texting her. Ayaw kong bigyan pa ng sama ng loob si Althea. Lagi ko rin pinapaalala sa kanya, that Daisy was nothing more than a younger sister to me. That’s all. At gusto ko na iyon ang tumatak sa utak niya.
Si Althea naman, kagaya ko ay ginagawa rin ang lahat para ibalik ang dati naming closeness. Kapag napansin niyang malalim ang iniisip ko o down ako, gumagawa siya ng paraan na bumalik ang sigla ko. Nilalambing niya ako, at madalas nilalandi. She was more affectionate than ever, more playful in bed, exploring new ways to keep our excitement alive. I enjoyed it, I won’t lie. It felt good.
Naputol ang pag-iisip ko nang magbukas ang pinto ng opisina. Si Althea ang dumating na agad nagpangiti sa akin. Niligpit ko na rin ang mga documents na pinag-aaralan ko; bagong kaso na hinahawakan ko.
“How’s your day, babe?” tanong niya kasabay ng halik sa labi ko na tinugon ko naman ng buong puso.
“Tiring, but now that you’re here, lahat ng pagod ko nawala,” sabi ko sa pagitan ng halik namin. Kamay ko, marahan nang pumisil-pisil sa baywang niya at humagod pataas sa buong likod niya.
"Oh, enough...hindi ka naman mahamon, 'e" higikhik niya na nakikiliti dahil sa labi kong bumaba na sa leeg niya. "Dinner muna tayo, later na ang desert, okay?"
Napakagat labi na lang ako, at napapikit na lang dahil sa kamay niyang maharan na humimas sa alaga kong nag-aalburoto na.
Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi na sumabay sa paglingkis ng mga kamay niya sa braso ko, at agad akong hinila palabas ng opisina. Nagpaubaya na lang din ako.
We arrived at one of our favorite restaurant by the bay, with candlelight, soft music, and just the right amount of intimacy. Panay pa ang palitan namin ng tingin habang papasok sa restaurant at parehong hindi mawala ang ngiti sa labi.
But then I saw them—Daisy and Vincent. Awtomatikong nawala ang ngiti ko. Nag-init ang batok ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, ang alam ko lang, hindi ko gusto ang nakikita ko.
They were seated at a table across the room, laughing. Parang sila lang ang tao sa loob ng restaurant. Hindi sadyang humigpit ang paghawak ko sa baywang ni Althea. Mabuti na lang at hindi naman siya nagreklamo. Nilapat niya pa ang ulo sa balikat ko, wala siyang kaalam-alam na nag-iba na ang mood ko.
“Table for two,” sabi niya sa waitress, habang ako naman ay pasimpleng sinusulyapan si Daisy. Lahat ng galaw niya ay binabantayan ko. Kung paano siya ngumiti, kung paano niya tingnan si Vincent. At sa nakikita ko, masaya siya kasama ito.
Something about it made my chest tighten. I tried to focus on Althea. Pinipilit ang sarili na ngumiti. Nag-order ng food, but my eyes kept drifting back to them. Mula pagpasok namin at ngayong nakaupo na kami ay hindi mawawala ang ngiti sa kanilang labi.
Muntik na akong tumayo at pupunta sa direksyon nila nang bahagyang inilapit ni Vincent ang mukha nito kay Daisy. Hinawakan pa nito ang kamay niya. Ayaw ko mang aminin, pero nakaramdam ako ng selos. Naging marahas ang paghinga ko.
Sandali ko na lang ipinikit ang mga mata ko, pero agad namang dumilat dahil sa kamay ni Althea na banayad na hinaplos ang kamay ko. "Anong problema? Pagod ka ba? Inaantok?"
Umiling-iling ako at ngumiti. "I'm fine, medyo pagod lang, pero kaya ko pa naman mag-desert mamaya."
Mahinang hampas sa kamay ko ang sagot ni Althea. Pero ang ngiti nito may halong kapilyahan.
Sa kabila ng nararamdaman ko ngayon, pinilit ko pa ring maging masaya, kahit kalooban ko ay nag-aalburuto na. Kaya lang, talagang hindi ako mapakali. Panay pa rin ang sulyap ko kay Daisy, at ngayon nga ay ito na pagkakataon ko. Tumayo siya, kaya nagpaalam rin ako kay Althea na mag-restroom.
Heto na nga at nandito na ako sa gilid ng restroom, hinihintay na lumabas si Daisy. Hindi ko naman napigil ang sarili na ngumiti ng mapait. Kasi naman, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, ayaw ko sa nakikita ko kanina na ginagawa nila ni Vincent, kaya ako narito naghihintay sa kanya.
“Daisy!” Kaagad kong hinawakan ang braso niya, at hinila siya papunta sa gilid ng restroom.
Kitang-kita ko kung paano siya nagulat, nanlaki ang mga mata at unawang ang labi. “S-sir Onse?” Sinubukan niya na kalasin ang kamay ko na mahigpit na humawak sa braso niya.
Imbes na bitiwan ko siya, mas humigpit pa ang paghawak ko na parang ayaw siyang pakawalan. “What the hell are you doing with Vincent?” Hindi ko sadyang singhalan siya, pero hindi ko napigil ang sarili.
Kung kanina ay nagulat siya, ngayon ay nagtataka na. Napakurap-kurap pa siya na parang hindi makapaniwala sa inasta ko. “Hindi pa po ba obvious, sir? We’re on a date,” sagot niya, at sinubukan na naman kalasin ang kamay ko.
Ako na parang nawala sa katinuan, hinigpitan ko pa lalo ang hawak. Hinila ko pa siya palapit sa akin. Hindi ko kasi nagustuhan ang sagot niya. Hindi ako pumapayag na makipag-date siya.
“Date? Kailan pa kayo naging close? Kailan ka pa nagpaligaw?” Ang tigas ng boses ko. Parang hindi ko na magawang kontrolin ang galit ko. Gusto ko nga siyang iuwi ngayon at ilayo kay Vincent.
Tumaas ang kilay niya. Bakas na ang irita. “Ano ba ang pakialam mo, Sir Onse? Hindi na ako bata na kailangan pang magpaalam sa kuya ko na makipag-date.”
"Kuya?" Para akong nasampal sa sagot niya. Hindi ako nakasagot. Napatitig na lang ako sa kanya.
'Yong sagot niya, hindi 'yon nakakagulat dahil ako naman ang palaging nagsasabi, she's like a sister to me. Pero ngayon ko lang nalaman, hindi ko pala gustong tratuhin niya bilang kuya. Ayokong maging kuya niya. “Hindi sa nangingialam ko. I just...I don’t like seeing you with him.”
Pahapyaw siyang tumawa. “Bakit, sir Mabuti siyang tao. Mabait siya sa akin, ” mahinahon niyang sabi. "Pareho kaming single, kaya hindi masama kung gustuhin ko siya."
Awtomatikong napabitiw ako sa kanya. Parang nawalan ng lakas ang kamay ko. Ano nga bang pakialam ko sa kung sinong lalaki ang gustuhin niya.
“Kasama mo ba si Ms. Althea, sir? Bumalik ka na sa kanya. Focus on her. 'Wag kang gagawa ng dahilan na magalit siya,” sabi niya na parang tinataboy ako.
Bago pa man ako makasagot, dumating si Vincent na kaagad humawak sa baywang niya. Sikreto kong naikuyom ang kamao ko, pero hindi ko naman napigil ang pagtagis ng bagang ko. Gusto kong hilahin palayo si Daisy, at bigyan siya ng isang sapak si Vincent.