DAISY
Hinatid ako ni Vincent sa bahay, at dahil malakas pa rin ng ulan, I invited him inside. Nag-alangan pa ako dahil ito ang unang beses na nagpapasok ako ng lalaki sa bahay. Maliban kay Sir Onse. Siya rin mismo ay lagi akong pina-alalahanan na 'wag ako basta magtiwala at magpapasok kahit kakilala ko pa dahil mag-isa nga lang ako sa bahay. Nasa Canada na kasi si Mama kasama si Kuya Reynan at pamilya nito.
Dapat sana ay kasama ko sila ngayon, umuwi lang ako para um-attend ng kasal ni Charmaine. Wala akong planong magtagal. But then, nangyari nga 'yong tungkol kay Sir Onse. Nawili ako sa umusbong na friendship, our late-night talks. Gusto ko ang pakiramdam na kailangan niya ako, na sa akin niya nilalabas ang sama ng loob kay Althea. Kaya 'yon, ang sandaling bakasyon ko lang sana ay nauwi sa ilang buwang pananatili kasama siya. At ngayong bumalik na si Althea, hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako o aalis na lang.
“Vincent magkape ka muna," sabi ko habang inaabot ang kape na nakangiting tinanggap naman ni Vincent.
" Salamat, Daisy," sabi niya sabay tiingin sa basa kong damit na ikinailang ko. "Ayos na ako rito, magpalit ka muna, at baka magkasakit ka." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Akala ko kasi iba ang nasa utak niya. Nakalimutan kong mabait nga pala 'to si Vincent at gentle pa, hindi siya gagawa ng dahilan na ikasira niya o ng pangalan ng hospital nila.
Nagpaalam na nga ako, at pumasok sa kwarto. Ilang minuto akong nagbabad sa shower. Hinayaang mamanhid ang buong katawan sa malamig na tubig na dumadampi sa balat ko. Kaya lang, hindi sapat ang malamig na tubig para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naaanod ang sama ng loob ko. Lalo ko lang nararamdam ang sakit.
Dismaya kong in-off ang tubig, at tumayo sa harap ng salamin, kaharap ang sariling reflection—reflection ng isang babaing sawi dahil sa one sided love.
Matapos kong isiksik sa sarili kung gaano ako katanga, falling to someone na may ibang mahal, pinilit ko naman ang sarili na kumalma. Kailangan kong kumalma kahit mahirap. At saka, nasa labas pa nga si Vincent, naghihintay, kaya kahit gusto ko na sanang magpahinga at kalimutan ang sakit kahit sandali lang, hindi pa pwede.
Bumalik ako sa sala matapos magbihis, agad naman akong sinalubong ng matamis na ngiti ni Vincent, hawak nito ang tasa ng kape. Umupo ako sa kabilang side ng couch, sinisiguro na may sapat na distansya sa pagitan naming dalawa, at imbes na siya ang tingnan ko, sa labas dumako ang paningin ko. Medyo humupa na ang ulan, pero ang nararamdaman kong sakit nandito pa rin.
“Vincent, salamat sa paghatid sa akin." Nginitian ko siya ng tipid, pero agad rin akong nag-iwas ng tingin, hindi ko kasi kayang salubungin ang mga titig niya—titig na parang nagsasabing gets kita, Daisy, alam kong nasasaktan ka.
“Wala 'yon, Daisy. No need to thank me. Hindi ko lang kayang makita ang isang magandang babae na maglakad sa ulan." Ngumiti siya. Napangiti na rin ako...ng pilit nga lang at nag-iwas na naman ng tingin. "At saka,” dagdag niya na muli ko namang ikinalingon. “Ayokong magkasakit ang babaing gusto ko."
Napalunok ako. Maayos na sana akong nakaupo. Kahit medyo naiilang pa rin sa presensya niya, naging komportable naman akong kausap siya, pero ngayon ay bumalik na naman ang pagkailang ko. Sumisimple pa kasi, alam naman niyang durog pa ang puso ko at hindi pa magawang mag-intertain ng iba.
"Vincent...”
“Don’t worry, Daisy. Hindi ko naman hinihingi ang sagot mo. Hindi ako nagmamadali. I am willing to wait; hanggang sa handa ka nang buksan ang puso mo para sa iba.”
Imbes na sumagot ako, nagbaba ako ng tingin, at pinaglaruan ang saliring mga daliri. Ilang buwan na nga 'to siyang nagparamdam, in-ignore ko lang, pero nakakagulat na sa kabila ng pag-iwas-iwas ko sa kanya ay handa pa rin siyang maghintay.
Hanggang kailan ba? Kaya rin ba niyang maghintay ng limang taon gaya ko?
Maya maya ay mapait akong ngumiti. Sandali ko rin siyang tinapunan ng tingin, at muling nag-iwas na naman.
Tumikhim naman si Vincent. Pasimple akong sumulyap sa kanya, at huling-huli ko, nakatitig siya sa akin. “Daisy," nilapag niya ang tasa ng kape na lumamig na lang, hindi pa rin ubos, at saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi kita pin-pressure, ang gusto ko lang ay malaman mo na seryoso ako. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo, at araw-araw kong patutunayan 'yon."
Napalunok ako. Binawi ko rin ang kamay kong pinisil-pisil nito ng mahina.
"Daisy, alam ko hindi ka pa handa. Alam ko si Onse ang laman ng puso mo. Pero sabi ko nga, handa akong maghintay.” Bumuga siya ng hangin at ngumiti. Napatitig naman ako sa kanya. “But... Daisy, don’t you think it’s time to let go? To move on from him? Tanggapin mo na, he’s never going to love you the way you want him to.”
Ayon, nasapol na naman ako. Daig ko na naman akong nasampal. Sumikip ang dibdib ko at parang maiiyak na naman. Masakit na 'yong narinig ko kay Althea kanina, dumagdag pa ang sinabi ni Vincent.
Nanatili na lang akong tahimik. “I know you care about him. Kitang-kita ko sa mga mata mo, sa tuwing hinahatid at sinusundo ka niya." Pagppapatuloy niya. “But how long are you going to keep doing this? You deserve more, Daisy. You deserve someone who sees you.”
Mapait akong ngumiti. “Ang tanga ko kasi, Vincent 'e? I thought if I stayed long enough...kung mananatili ako sa tabi niya, magustuhan niya ako.” Ayon na ang mga luha ko, sunod-sunod ngang pumatak. Kanina habang nasa kotse kami, sinisiguro kong 'wag umiyak. Pinipigil ko kahit ang hapdi at nag-iinit na ang mga mata ko, pero ngayon, hindi ko na naawat.
Hinawakan niya ang kamay ko na hinayaan ko lang. “He won’t, Daisy, kasi may mahal siyang iba.”
Pinahid niya ang luha ko at inangat ang mukha ko paharap sa kanya. “Daisy, hindi ko sinasabi ang lahat ng 'to para saktan ka." Lumapit siya ng bahagya, at muling pinahid ang mga luha kong patuloy pa rin sa pagpatak. “I care about you, Daisy. And I hate seeing you like this. You deserve to be happy.”
Malungkot na tingin lang ang sagot ko sa kanya. Puro hikbi na lang kasi ang nagagawa ko.
“Nandito ako, Daisy. Handa akong pasayahin ka." Pabulong nitong sabi habang banayad na hinaplos-haplos ang pisngi ko at hindi ako nilulubayan ng tingin. "Hayaan mong mahalin kita. Just... give me a chance.”
Hindi pa rin ako makasagot. Pero napaisip naman sa sinasabi niya. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko nga siya ng pagkakataon—bigyan ko ang sarili ng pagkakataon. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang bitawan si Sir Onse. Kaya ko bang kalimutan ang limang taon na nararamdaman ko sa kanya?
Napapikit ako, napahawak sa dibdib. Ngayon pa nga lang, pakiramdam ko, parang may nawawalang bahagi sa pagkatao ko. Hindi maganda sa pakiramdam ang e-let go ang matagal ko nang pinapangarap, pero mas hindi maganda ang manatiling tanga, at maghintay sa taong umiikot ang buhay sa iba.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. “Hindi ko alam kung kailan magbubukas itong puso ko para sa iba, Vincent," pabulong kong sabi.
Tumango-tango naman si Vincent, bumakas ang lungkot sa mga mata.
"But, susubukan kong bigyan ng pagkakataon, hindi lang ikaw, kundi pati ang sarili ko—ang puso ko na magmahal ng iba."