4 "Jealousy"

1517 Words
ONSE Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko. Althea was finally back. Lahat ng sama ng loob, galit, agad nawala nang magkita kami. The relief of knowing she had chosen me after all the heartbreak was overwhelming. Kung ano man ang nabasag sa loob ko noon, agad-agad nabuo dahil sa pagbabalik niya. Sure, she had made a mistake—falling for another guy’s sweet words—but I convinced myself that it was just a slip moment of weakness. After all, Althea is younger than me, and that gap always made me a little insecure. I worried that one day she might get bored of me or fall for someone her age. Nangyari nga ‘yon. But now, none of that matters. She was back, and that’s all I needed. Sisiguraduhin ko na hindi na ulit siya hahanap ng iba. Katatapos nga lang namin mag-usap. At sabi niya darating siya. Gusto niya raw bumawi sa mga kasalanan na nagawa niya. Sa sobrang tuwa ko, nag-send ako ng message kay Daisy na pumunta rito sa condo ngayon at may mahalagang nangyari na kailangan naming e-celebrate. Kaya lang, ilang minuto na ay wala pa rin akong reply na natanggap mula kay Daisy. Kaya heto, tinawagan ko na siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Gusto ko alam niya kung ano ang dahilan ng celebration namin. She had been my rock through the toughest moments of my life, the person I could always count on. She listened when I vented and stayed by my side when I didn’t know how to cope with Althea’s betrayal. Daisy had been a huge part of my healing process. In short, she’s my remedy. It felt right that she be part of this moment, too. As Daisy’s phone rings, siya namang pagbukas ng pinto ng unit ko, at pumasok si Althea. Nakangiti. Syempre, masaya siya dahil birthday niya pa rin ang passcode ko. At sa ngiti pa lang niya ay agad nagliwanag, hindi lang ang mukha ko, kundi ang mundo ko. Pati ng itong unit ko nagkaroon ulit ng buhay. Mahigpit na yakap ang salubong ko sa kanya. Dahil sa pagdating niya hindi na nagawang sabihin kay Daisy ang dahilan kung pinapapunt ko siya. Inigaw rin kasi ni Althea ang phone ko at in-off. Nagulat ako sa ginawa niya at akmang babawiin ko ang phone, pero nilayo niya, at saka hinila ako papunta sa couch. Ipinulupot niya ang mga kamay sa batok ko at idiin ang sarili. “Sino ba ang kausap mo?” tanong niya, bakas ang tampo at selos sa pagsasalita niya, pero halatang naglalambing lang naman. "Mas mahalaga ba 'yon kay sa akin?" Kasabay ng tanong niya ay ang paglapat ng labi niya sa leeg ko, hinalik-halikan ng pinong-pino. Hinapit ko naman ang bawyang. Na-miss ko 'to. Ang yakap niya, ang halik niya, at lambing siya. Napakagat labi ako. Hinawakan ang pisngi niya, at mapusok kong hinalikan na tinugon naman niya ng mapusok din. Bawat haplos ay "Sino 'yong kausap mo,“ hingal niyang tanong nang sa wakas ay natapos ang mapusok na halik. Ngayon ay pinalandas naman nito ang palad sa dibdib ko. Kagat-labi, bakas ang pagsabik. Pinigil ko ang kamay niya, pero pinapak ko naman ang leeg niya. "It was Daisy. I wanted to tell her the good news. I invited her to celebrate with us.” Awtomatikong nahinto ang paglikot ng kamay ni Althea na nagsisimula nang tanggalin ang sinturon Ang mukha nitong sabik na sabik kanina ay wala na. Napalitan ng inis. “What?" Ayon na nga at tumaas na ang boses niya. “Why would you do that, Onse? This is our moment! Tayo lang dapat ang mag-celebrate; hindi siya kasali!” "Althea, 'wag kang magalit, please. Dapat masaya tayo." Tinulak niya ako. "Gusto mong maging masaya tayo, kaya in-invite mo si Daisy? Hindi ko alam gusto mo pala ng threesome!" Nanlaki ang mga mat ko. Sandaling natahimik. “ No, Althea. Hindi gano'n. 'Wag kang mag-isip ng masama. Kaibigan ko lang si Daisy,” paliwanag ko. Hinaplos-haplos ko rin ang mga braso niiya, pinapakalma siya. “She helped me get through everything—” “I don’t care!” singhal niya na ikinatahimik ko. “Sabi mo nga, crush ka niya noon pa. Sinamantala niya ang pagkakataon na mapalapit sa'yo no'ng nawala ako. She’s overstepping, and you’re letting her!” Napisil ko ang noo ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Dapat masaya kami ngayon at hindi nag-aaway. Hindi ko naman kasi naiisip na magagalit siya. Akala ko maiintindihan niya. “Althea, crush nga niya ako noon, pero hanggang do'n lang 'yon. Walang ibang namamagitan sa amin para magalit ka ng ganyan—” “Walang ibang namamagitan? Ang bilis nga niyang pumasok sa buhay mo nang nawala ako, ‘di ba?” “Althea, tama na, please. Kababati lang natin. Hindi dapat tayo nag-aaway ng ganito. Daisy is just my friend." Nanatili akong kalmado sa kabila ng inis niya. Hindi nilubayan ng haplos ang likod niya. "Inaamin ko, she’s been a great help, noong panahon na halos sumuko na ako. She’s my remedy, but hanggang doon lang ‘yon.” “Remedy? Or should I say, a rebound?!" Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ni minsan, hindi ko na isip na gawin kay Daisy 'yon. Pero naging rebound ko nga ba siya? “Now, you can't say anything, because deep down, you know it's true. Naging panakip butas mo ang Daisy na ‘yon!" Pagbagsak ng bote sa sahig ang sumunod sa sinabing ‘yon ni Althea na nagpakabog ng dibdib ko. My heart sank when I saw Daisy standing near the door, her face pale, her eyes wide with shock. Patinay na narinig niya ang sinabi ni Althea, at alam kong nasasaktan siya. Nahagod ko ang buhok ko. This wasn’t how I wanted her to find out about, sa pagbabalik ni Althea. Ngayon ay napako na ang tingin ni Daisy sa basag na bote sa sahig. Without a word, she kneeled, her hands trembling as she gathered the pieces. “Daisy, umalis ka..." Hindi ko sadyang masabi ang gano'n. Hindi 'yon ang intensyon ko. Ang gusto lang sabihin ay hayaan na lang niya ang basag na bote, pero agad siyang tumayo, nagpaalam at agad umalis. Gusto ko sana siyang sundan. Gusto kong sabihin na hindi ako galit, at hindi ko siya pinapaalis, pero pinigilan ako ni Althea. “Dito ka lang, Onse,” madiin na sabi ni Althea. “Hayaan mo na siya. Ngayon mo patunayan na ako lang ang mahal mo, at ako ang pinipili mo, hindi ang Daisy na ‘yon.” Humawak siya sa braso ko. Namumungay ang mga mata, nagpapaawa na 'wag kong sundan si Daisy. Tipid naman akong ngumiti. Pero ang totoo, gusto pa sanang magpaliwanag, mag-explain, that it wasn’t about choosing between them—it was just about making sure Daisy was okay. Pero dahil ayaw ko na mag-away kami at mag-isip pa siya ng masama, nanatili ako sa kanya. Kaya lang, biglq namang lumakas ang ulan. at alam ko na kapag ganito kalakas ang ulan ay pahirapan ang makasakay. Hindi na ako mapalagay. Ayaw kong magalit si Althea, pero nag-aalala ako kay Daisy. "Babalik ako, just wait for me, okay?" sabi ko kasabay ang pagbitiw sa kanya. I grabbed the umbrella and rushed out the door. Gusto kong masiguro na okay si Daisy. I had to know she wasn’t out there, alone in the storm. Pero mapakla akong napangiti. Bumagal pa ang paghakbang ko. Alalang-alala ako sa kanya, tapos makita ko lang pala siya na sinusundo ng iba. Tumiim ang panga ko nang makitang pasakay na. Kanina bumagal ang paghakbang ko, ngayon ay ang bilis. Agad kong narating ang kinatatayuan niya at hinila siya palayo sa kotse. Ang nakakainis lang, imbes na sumama sa akin siya sa akin, at pumayag na ako ang maghatid sa kanya. Nagmatigas pa . Hindi pa siya pumalag nang humawak si Vincent sa baywang niya. Hindi ko gusto ang ginawa ng lalaki. Ayaw ko ang klase ng paghawak niya sa baywang ni Daisy. Iba ang dating, may ibang ibig sabihin. Napako ang paningin ko sa kamay niyang na kampanting humawak sa baywang ni Daisy. Humigpit din ang paghawak ko sa payong. Gustong sitahin ang lalaki—gusto kong komprontahin si Daisy kung bakit siya pumayag na hawakan ng lalaki. Dahil ba sa ulan. Dahil ba nabasa siya at nilalamig. Gusto kong hilahin si Daisy palayo sa kanya, pero ano ba ang karapatan ko. Kahit pa sabihin na magkaibigan kami at nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya, hindi pa rin tama na mangingialam ako sa mga affairs niya. Nasa tamang edad na nga siya. Kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili. Seeing her with another guy stirred something inside me. Hindi ko alam kung ano 'to, ang alam ko lang at sigurado ako, hindi maganda sa pakiramdam. Lalo pa akong naiinis sa pagmamatigas at pagsagot-sagot niya sa akin, kaya imbes na pilitin pa siya na sumama sa akin, walang salita na umalis ako sa harap nila, pero nagpupuyos naman sa galit ang kalooban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD