3 "Rebound"

1116 Words
Wala na si Sir Onse sa harap ko, pero ang sakit dito sa puso ko nandito pa rin. Ang bigat-bigat pa rin ng nararamdaman ko. Habang umaandar ang kotse ni Vincent, hindi ko mapigilang muling lingunin si Sir Onse sa huling pagkakataon. Mula sa malabong salamin ng kotse, nakikita ko ang paglapit sa kanya ni Althea na agad yumakap sa baywang niya. ‘Yong yakap na parang takot siyang mawala ulit ito. Hindi ko man nakikita ang expression ng mukha nila, pero sapat na ang nakikita ko, para isiksik ko sa utak ko na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Nagtapang-tapangan ako kanina habang kaharap siya, pero ngayon, nag-iinit na ang mga mata ko. Namumuo na ang mga luha na pilit ko pa ring pinipigil. Hindi ako umiyak kanina sa harap nila, lalong hindi ako iiyak habang katabi si Vincent na kahit hindi nagsasalita, alam kong ramdam niya na nasasaktan ako ngayon. Matalinong tao si Vincent, at sigurado akong hindi rin siya manhid para hindi mararamdaman na gusto ko si Sir Onse, na hindi katapid ang turing sa kanya. Sikreto akong bumuntong-hininga, at pasimpleng pinahid ang namuong mga luha. Naikuyom ko rin mga kamay ko. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. Hindi dapat ako nahihirapan ng ganito dahil noon pa man, alam kong hindi ako magagawang mahalin ni Sir Onse. Kaya lang ang tigas ng ulo ko. Umasa pa rin ako na balang araw makikita niya ako bilang isang dalaga na mahal siya, at hindi isang batang sinisiksik ang sarili sa kanya. Napalingon ako kay Vincent nang hindi nito napansin ang hump sa kalsada. Yumugyog ang katawan ko. Tumama pa ang ulo ko sa salamin ng kotse. Masakit, pero hindi matutumbasan ang sakit sa puso ko, parang kinakain ang buong sistema ko. Nakakapanghina. “Daisy, masakit ba? Sorry, hindi ko napansin ang hump,” sabi ni Vincent na ngiti lang ang sagot ko at bahagyang pag-iling. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na masakit, baka kasi iba ang lumabas sa bibig ko. Baka masabi ko sa kanya na oo, ang sakit-sakit, hindi ang noo ko, kung hindi itong puso ko. "Malayo-layo pa tayo, matulog ka muna, nang kumalma ka naman," sagot naman niya sa ngiti at pag-iling ko. Kalma? Natanong ko ang sarili. Paano ako kakalma? Nadurog nga ako. Durog na durog at hindi ko alam kung mabubuo pa ba ako. Mahina ko namang natampal ang noo ko, at saka umiwas ng tingin kay Vincent. Mga tingin kasi niya, kahit panakanaka lang, nagpapahiwatig na alam niya kung ano ang nararamdaman ko. "Daisy, okay lang maging mahina. Okay lang na ilabas ang sama ng loob mo paminsan-minsan. Makikinig ako. Handa akong makinig..." sabi niya, sabay ang tapik sa balikat ko na sinabayan ng mahinang pisil. Napalingon naman ako sa kanya, napatitig sa kamay niya na parang pinapagaan ang dibdib ko, pinapakalma ang bigat na nararamdaman ko. "Salamat, Vincent," nasabi ko. Pero ang sabihin sa kanya ang nilalaman ng puso ko, hindi ko magagawa. Oo, magkaibigan kami, magkatrabaho, at manliligaw ko siya, at hindi tama na sa kanya ko ilabas ang sama ng loob ko sa ibang lalaki. At ramdam kong sincere siya, pero hindi kami gano'n ka close. Hindi pa masyadong kilala ang isa't-isa. Apat na buwan pa lang akong nagtatrabaho akong nagtatrabaho sa hospital nila. "Salamat? Wala pa nga akong nagagawa, nagpapasalamat ka na," biro nito na tipid na ngiti lang ang sa sagot ko. Talagang ganito siya, pinapatawa lagi ako. Naalala ko, unang araw ko sa hospital, panay buntot na niya sa akin, panay na ang paramdam na hindi ko naman pinapansin. Gwapo si Vincent, charming, and thoughtful—lahat ng hinahanap ng babae ay nasa kanya. Pero hindi nakikita ang mga katangiang 'yon dahil buong atensyon, buong sistema ko kay Sir Onse nakatuon. Wala akong panahon na mag-intertain ng ibang lalaki o manliligaw. Gano'n ako kabaliw kay Sir Onse. Sa loob ng limang taon, siya lang ang lalaking nakikita ko. "Salamat dahil dumaan ka, at nalibre ako ng pamasahe," pabiro kong sagot na ikinangiti niya. Pero pagkatapos ang sandaling biro na 'yon, muli ko namang ibinaling ang tingin sa labas. Si Vincent ang kasama at kausap ko, pero si Sir Onse pa rin ang laman ng utak ko. He filled every corner of my heart. Hindi lang yata crush itong nararamdaman ko, mahal ko na yata siya, kaya ako nasasaktan ng ganito. Tama si Charmaine. Itigil ko na ang kahivangan ko dahil sa huli, masasaktan lang ako. Kapatid niya si Sir Onse, pero ayaw niya na lumapit ako do'n at mas mahulog sa kanya. Pero ang tigas ng ulo ko, kaya heto, nangyari na ang ayaw mangyari ni Charmaine, nasaktan na nga ako. Humugot ako malalim na hininga. Sinusubukang pakalmahin ang dibdib ko, pero walang epekto. Ang bigat-bigat pa rin, ang sakit-sakit pa rin. Ano kaya ang mabisang paraan para agad maghilum itong puso ko? Anong dapat kong gawin para agad makalimot. Ngayon kasing bumalik na si Althea, alam kong magbabago na rin ang pakikitungo sa akin ni Sir Onse Kailangan ko na ring lumayo, para maiwasan ang gulo. ‘Yong sinabi ni Althea kanina? Wake-up call ko ‘yon, a brutal reminder na kailangan ko nang tapusin ang kahibangan ko. Hindi ako remedy for Sir Onse’s broken heart. Kundi isang rebound. A temporary fix. A quick solution para maibsan ang sakit na iniwan ni Althea. He just needed someone to help him get through the pain. And I was more than willing to be that person. Kaya hindi dapat ako nagda-drama ng ganito. “Daisy,” mahinahong boses na naman ni Vincent ang nagpahinto sa pag-iisip ko. "Okay ka ba? Kumalma na ba?" tanong niya. Pilit akong ngumiti. "Okay naman ako, ah," mayabang kong sagot. Pahapyaw siyang tumawa, sabay lingon sa akin. “Talaga ba? Okay ba 'yong naka-ilang buntong-hininga na?" Napahaba ang nguso ko. Binibilang pa yata niya ang kada buga ko ng hangin.. “Daisy, hindi sa nangingial ako o pinanghihimasukan ko ang buhay mo, maganda ka, mabait, at bata. Why waste your life on someone na may mahal ng iba at hindi ka kayang mahalin?” mahinahong sabi ni Vincent, bago nito binalik ang tingin sa daan. Sandaling napako ang tingin ko sa kanya. Gusto kong sumagot. Gusto kong ilabas ang nilalaman nitong puso ko. Gusto kong e-defend ang sarili ko na hindi ko naman ginusto na maging tanga. Kaya lang, nasapol niya ako. Natumbok niya, sinasayang ko lang ang panahon ko sa taong hindi naman ako magagawang mahalin kahit kailan. Kaya tama na ang limang taon na kahibangan. Alam kong mahirap kalabanin ang puso, pero sisikapin kong mawala ang nararamdam ko para sa kanya at sisikapin kong buksan ang puso ko para sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD